Chapter 6: Wayne & the Keres

44 4 2
                                    


The Apprentice's Scythe

Chapter 6

Wayne & the Keres


Nakatuon lang ang atensyon ni Baro sa tatlong babae, tinititigan nya lang ang mga ito as if time had stopped everything around them. Alam nyang kinakausap ng mga ito si Death pero mukhang ayos lang sa Grim Reaper na ito na marinig niya ang lahat ng pinag-uusapan nila. Ang kaso, sa pagkakataong ito, 'yung tatlong babae lang ang naririnig nya. It's as if Death's telepathic voice disappeared inside his head.

"Hindi mo ba kami babatiin, Kuya?" tanong ng mga ito, maya't mayang tumawa. "Alam mo naman kung bakit kami nandito, 'di ba? Yeah, for him." Lumingon ang tatlo sa kinaroroonan ni Baro habang may tinuturo sa direksyon nya.

"Ako?" agad nyang tanong. Nang makaramdam sya nang kakaibang sakit, na-realized nya na hindi sya ang tinutukoy ng tatlo kundi si Wayne na nasa likod nya. "Anong kailangan nila sa kanya? Bakit?"

"Sila ang Keres, Baro." Death's voice came back talking to him in his head. "They enjoy sucking up the souls of those that commit suicide," paliwanag ni Death.

Napakunot ang noo ni Baro. The Keres? he thought, remembering the day when he was reading about them in his high school. "Akala ko mga taong namamatay sa gyera ang habol nila? Saka teka, suicide? Mag-su-suicide si Wayne?"

"Violent deaths. Tama, gusto nila ng mga kaluluwa ng mga taong namamatay sa gyera pero gusto din nila ng mga nagsu-suicide," sagot ni Death.

What the.

Ibinalik ni Baro ang kanyang tingin kay Wayne. Dumating ang principal, kasama nito ang mga school counselors, gayundin ang ilang mga teachers. Nag-iiyakan ang ibang mga estudyante na nasa state of shock pa rin.

"Hello, Mr. Principal!" sarkastikong sigaw ni Wayne sa principal nang makita nya ito. "Kilala mo ba ko?"

Sinubukang lumapit ng principal sa kanya. "Huminahon ka, anak—" Ngunit agad din napaatras nang itutok ni Wayne ang baril dito.

"HINDI MO AKO ANAK!" sigaw ni Wayne. "I'm nobody's son!"

Sa totoo lang, hindi talaga sya kilala ng principal. Calling him 'anak' was a mistake that made Baro shaking his head in dismay, alam niya kasi kung bakit ganoon ang reaksyon ng binata sa pagtawag nito ng 'anak' sa kanya.

Lumapit ang school counselor sa principal at may binulong. Maya-maya, tumango ang principal. "W-Wayne. You're Wayne, right? Alam kong hindi mo gustong gamitin 'yang hawak mo. Please, bitiwan mo 'yan. Makakasakit ka nyan."

Biglang tumawa si Wayne. "Hindi mo naman ako kilala, Mr. Principal e. Hindi mo rin naman alam kung anong gusto ko. Hindi ko kailangan ng kausap ngayon!" Ibinato nya sa paanan ng principal ang dala nyang bag. "Gusto kong panoorin nyo 'yung video na nandyan. Kayo! Kayong lahat! Kailangang malaman nyong lahat na may kabayaran yung mga kakaibang pagtrato nyo sa ibang tao!"

Nanatiling nakatingin ang principal kay Wayne habang dahan-dahang pinulot ang bag. "Okay, okay. Please put down that gun, Wayne."

The sound of sirens began filling the air and Wayne smirked, "Bakit ko gagawin 'yun? Bigyan mo ko ng magandang dahilan." Hindi agad nakasagot ang principal. "See? Wala namang rason."

And with just a matter of second, the sound of gunshot filled the air and was quickly overpowered by the screams of the students. Wayne's bloody body dropped on the floor.

Tumingin si Baro sa kanan nya. Lumipad sa hangin ang Keres at pinalibutan ang walang buhay na katawan ni Wayne. Nilabas ng mga ito ang kanilang mga pangil at sinimulang higupin ang kaluluwa ng kawawang binata na parang mga bampirang sinisipsip ang dugo ng kanilang mga biktima. Maya-maya, lumitaw ang isang itim na anino—si Wayne—sa gitna ng tatlong babae. Rinig na rinig ni Baro ang tunog na nililikha ng Keres sa paghigop nito sa kaluluwa ng binata. Kung hindi lang siguro sya patay ngayon, hinding-hindi nya makakalimutan ang tunog na yun sa buong buhay nya.

The Apprentice's ScytheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon