The Apprentice's Scythe
Epilogue
Natagpuan ni Baro ang kanyang sarili sa gitna ng isang napakainit na lugar, wala syang ibang nakikita kundi puro buhangin. Maging ang kanyang inaapakan ay buhangin, napakainit na buhangin.
"Nasa impyerno na ba ako?"
Umiling si Death. "Disyerto."
"So ano na? Ano nang mangyayari sa'kin?" takot na tanong ni Baro. Clueless. "I mean, ngayong alam ko nang ako ang pumatay sa sarili ko?"
"Pwede ka nang dumiretso sa purgatoryo. O kung gusto mo, pwede kang mag-stay dito para ubusin ang oras na ilalagi mo dun para tulungan ako sa trabaho ko. Kapag natapos ka, pwede ka nang dumiretso sa langit."
So much perks, huh? Gustong ngumiti ni Baro ngunit mas pinili na lang nya ang magulat, baka kasi bawiin ni Death lahat e. "Talaga? Hindi ako pupunta sa impyerno?"
"You asked for forgiveness with something Holy in your presence. You were sincere and your sins were forgiven," sagot ni Death. "Ayos lang naman sa'kin ang may assistant, mas madali ang trabaho pwera lang sa mga pagtatanong mo. Kung maubos na dito ang oras na dapat na ilalagi mo sa purgatoryo, pwede ka nang makatawid paakyat sa langit. You have my permission."
Hindi alam ni Baro ang sasabihin kaya't tahimik lang sya. Gusto nyang yakapin si Death kaso nga lang, wag na. Baka matanggal ang cloak nito at malaman nya ang pinakatinatago nitong sikreto... na sya talaga si Baymax!
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Death, bakas sa tono ng boses nito ang pagtataka.
Agad na umiwas ng tingin si Baro. "Huh? Ngumingiti ba 'ko?" pagsisinungaling nito. Alam nyang nababasa ni Death ang kanyang iniisip ngunit parang binabalewala lamang nito. Natawa na lang din ulit si Baro. Mabait naman pala talaga ang Anghel ng Kamatayan.
Maya-maya, sumulpot sa paningin ni Baro ang isang factory di kalayuan sa kinaroroonan nila ni Death. Agad silang pumunta dito. Napapalibutan ang nasabing lugar ng electric fence para sa mga magtatangkang lumoob dito. Nandito ba ang bago nilang susunduin?
Biglang kumulog. Napatingin si Baro sa kalangitan at napansin ang pagdilim ng mga ulap hudyat ng nagbabadyang ulan. "Akalain mong naulan pala sa gitna ng disyerto," sabi pa nito.
Maya-maya, lumabas ang isang manggagawa galing sa loob ng factory at naglakad malapit sa fence. "Langya 'yung mga 'yun," pabulong-bulong ito na animo'y inis na inis. "Wala naman silang alam sa nangyayari. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi tungkol sa asawa ko. Kilala ko kaya ang asawa ko. Mga damuho!"
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad na napabalikwas sa kinatatayuan si Baro nang makalapit ang lalaki sa mismong harap ng fence. "Nababaliw na ba sya?"
"Mga damuho talaga kayo! Ang papangit nyo!" sigaw ng lalaki na wala sa kanyang sarili. Basang-basa na din ito dahil sa ulan, nakatayo lamang sa harap ng electric fence.
Maya-maya, nanlaki ang mata ni Baro nang hawakan ng lalaki ang kanyang pantalon at sinimulang ibaba ang zipper nito. Napatakip ng mata si Baro.
"What the," bulalas ni Baro. "Wag mong sabihin na—oh sheet!"
Tuluyang dumampi ang ihi ng lalaki sa electric fence. That man must have paid attention in his science class, because his urine acted as a conduit, that cause him electrocuted. Napatakip na lang talaga ng mata si Baro at hindi na sinubukan pang tingnan ang nangyari sa lalaki.
Muling kumulog at napatingin na lang sya sa madilim na kalangitan. Tumatagos sa kanya ang mga ulan ngunit wala syang pakialam.
Napangiti na lang sya.
He knew that once the rain stopped and the dark clouds passed, heaven would be waiting like the sun, ready to shine its light down on him.
∞ ∞ ∞
THE END.
The Apprentice's Scythe is done. The Grim Reaper and its apprentice is now signing off.
Wait for the Author's Note. xD
Thank you for reading!
TO GOD BE THE GLORY!
BINABASA MO ANG
The Apprentice's Scythe
FantasyHindi alam ni Baro ang mga nangyari bago sya magising katabi ng walang-buhay nyang katawan. Nagulat na lang sya na kasama na nya ang Grim Reaper, na kilala bilang si Death, at kailangan nya itong tulungan sa pagpapatawid sa mga kaluluwa habang unti...