Mission 1: Mystery Guy

155 9 0
                                    

| KENDRAS POV |

“Basta i-send niyo na lang sa e-mail ko, ako na lang ang magcocompile at magdadagdag ng last part.” Sabi ko sa mga kagroupmates ko. May report kami sa Monday at unfortunately, ako lang ang nag-iisang babae sa grupo namin. Ginawa pa akong leader ng mga kumag na to. Asar!

“Oy! Kends! Babayaran na lang kita! Ikaw na gumawa ng part ko! Dali na!” Pangungulit ni Francis, ka-groupmate ko.

“Sapak! Gusto mo?!”

“Grabe! Eto naman! Di mabiro! Joke lang! Sabi ko nga, ako na gagawa eh. Hehehe.”

“Baliw! Oy ah! Magpasa kayo sa akin para maayos ko agad.” Sabi ko sa kanila. Badtrip naman oh! May undercover pa ko sa araw bago yung report. Ngarag na naman ako. Kainis!

*Riiiiing riiiiing riiiiiiing*

Napatingin ako sa cellphone ko. Psh. Bakit naman kaya siya napatawag?

Chief Alex Calling…

Lumabas muna ako sa room para sagutin ang telepono ko, ang ingay sa loob eh.

“Oh? Chief? Napatawag ka?”

Meeting. 5pm sharp. Importante to, okay? Dont be late.” Importante? Anong meron?

“Sige po. See you!” Pagkatapos namin mag-usap ay agad din akong bumalik sa room. Inaantok pa ako. Grabe! 3am na ako natulog kanina dahil may mission ako kagabi sa isang abandoned building sa Manila para hulihin ang isang drug dealer group.

Itinungo ko ang ulo ko sa armchair ko at pinilit na matulog kahit na ang ingay sa loob ng classroom.

Oh my! I know! Nakita ko rin siya sa dean’s office kanina! I cant wait na makapasok siya dito!”

Ang gwapo niya diba?! Di ba?!?!? Ihhh! Naeexcite na ako!”

Obviously, hindi ako makatulog dito sa dalawang katabi ko. Ang iingay! Grabe! At sino naman yung pinag-uusapan nila?

**********************************************

DISMISSAL. HEIDELBERG UNIVERSITY. 16:18H

“Phoebe!! Dali na! Isabay mo na ako!!” Pangungulit ko sa bestfriend ko.

“Kendra Maea Jimenez! Napakakulit mo! Nakakaloka ka! Dadaan pa nga ako ng laboratory!” Kasi naman eh! Siya yung may sasakyan sa aming dalawa, ayaw pa ako isabay papuntang FBCI.

“Ihhh! Sige na! Para di na ako magcocommute!”

“Argh! Ang kulit! Fine! Fine! Nako, magpasalamat ka at mabait ako at love kita!”

“Yeheeeey!!!” Niyakap ko si Phoebe! Sabi na nga ba, hindi ako matitiis nito eh!

“Kukunin ko na rin yung mga paperworks ko dun---Ano ba! Ang clingy mo, Kendra! Hahaha” Sabi niya habang nakapulupot ang braso ko sa braso niya.

Agad rin kami pumunta sa FBCI dahil nga may meeting ako with Chief Alex.

Alexander Montero, siya lang naman ang tumayong tatay sa buhay ko. No, don’t get me wrong, hindi siya kasing tanda ng iniisip niyo, he’s just 26 years old. Siya rin ang mentor ko sa FBCI. Simula nung nagtraining ako para makasama sa FBCI Junior Agents, siya ang umalalay sa akin. Kaibigan siya ni Daddy at ni Mommy, he was my dad’s apprentice noong magkakilala sila at naging matalik na magkaibigan kaya nang mamatay sina daddy at mommy habang nasa isang special operation, siya na ang gumabay sa akin all throughout.

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon