“Kendra? Tara na! Ano pang ginagawa mo dyan?” Sabi ni Chief habang palabas sa driver’s seat. Nakatunganga pa kasi ako.
Kinuha niya yung varsity bag na may lamang mga gamit sa back seat. Lumabas na rin ako sa sasakyan at isinuot ang backpack ko.
Nandito na kami sa parking lot ng condo ni Grey, hindi rin ito kalayuan sa condo ko. Mukhang magsisimula na ang three days nightmare ko. Damn.
Tinahak namin ang daan papasok sa condo at agad ding sumakay sa elevator.
“Ang dami mo naman atang dala?” Sabi ni Chief habang sinusuri yung varsity bag ko.
“Eh syempre babae ako, marami akong anik anik sa katawan.” Sabi ko nang biglang bumukas ang elevator. Nandito na kami sa 24th floor. Ang bilis ah?
Naglakad kami sa kahabaan ng hallway at tumigil sa isang unit na may number na 2405. Nagdoorbell si Chief at agad ding bumukas ang pinto.
Sumilip si Grey sa awang ng pinto at nang makita kami ay mas binuksan niya ito.
“Hi, Grey!” Bati ni Chief at poker face lang siyang nakatingin sa amin.
“Hindi mo ba kami papapasukin?” Tanong ko at ngumiti ng pilit.
“Pasok.” Matipid nitong sabi at sinundan lang namin siya papasok ni Chief.
Pagpasok palang, living room na agad ang bubungad. In fairness, malinis at maaliwalas ang unit niya. Black, gray at white ang dominant color sa buong unit. Mabango rin at napakamasculine ng amoy sa loob.
May napakalaking flat screen sa sala at may mga bookshelves din sa dingding. Sa bandang kanan ay may dalawang pintuan. Siguro yun ang kwarto? Mula sa sala may divider din at sa kabilang side, nanduon ang maliit na dining table na pang-apatan lang at may kusina rin.
“Grey, ikaw na ang bahala kay Kendra.” Sabi ni Chief matapos niyang ibaba ang mga gamit ko sa sala. “Yung pinag-usapan natin ha. Tawagan mo ako kapag nagkaproblema.”
Tumango lang si Grey sa kanya at nagpaalam na rin si Chief. Dadaan daw muna siya sa bahay ulit bago pumuntang airport.
“Kendra, behave!” Pinanlakihan pa niya ako ng mata at ngumiti bago tuluyang lumabas sa unit ni Grey.
Naiwan akong nakaupo sa sala habang tumitingin tingin sa paligid. Napatingin rin ako kay Grey na nakasandal sa isang pader at nakatingin sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang nakapambahay. Nakashort siya at plain white shirt. Cute.
“Bat ka nakatingin?” Nakataas kilay kong tanong.
“Iniisip ko lang kung saan kita patutulugin.”
“What do you mean? Malamang sa kwarto!” Sabi ko sabay tingin sa dalawang pinto sa kanan ko.
“Nabanggit ba sayo ni Chief na isa lang ang kwarto ng unit ko?”
“Ano?! Sinong niloko mo? Eh para san yung isang pinto?!”
“See for yourself.” He smirked at umupo sa sala. Agad akong pumunta dun sa magkatabing pinto. Pagbukas ko dun sa isa, nakita ko ang kwarto niya na may king size bed. Sakto lang ang laki nito at may cabinet din. Pagsilip ko sa kabilang pinto, bumungad sa akin ang cr. May kalakihan ang cr niya, in fact, may bath tub pa.
Nanlaki ang mata kong humarap sa kanya “Saan ako matutulog?!”
“Pili ka, sa tabi ko o dito sa couch.” Ngumiti ulit siya ng nakakaasar.
“AKO SA KAMA, IKAW SA COUCH!” Protesta ko. Anong akala niya tatabi na naman ako sa kanya sa iisang kama?! Ha! No way!
“Sorry to burst your bubble, Kendra but this is my unit. Its either tatabi ka sa akin o dito ka matutulog sa couch.” Mariin nitong sabi. Natawa na lang ako out of disbelief. This guy is really annoying the hell out of me.
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.