Mission 15: Three days of Nightmare (Part 2)

27 2 0
                                    

Ang lamig sa kwarto… Parang ayoko nang bumangon… Kahit nakapikit ako, alam kong maliwanag na kaya dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

Bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Grey. His face was just few inches away from mine. Ang peaceful ng mukha niya at hindi mo iisiping isang cold-hearted jerk ang kaharap ko.

Ngayon ko lang napansin na ang haba pala ng lashes niya at ang tangos ng ilong niya. Sana lagi na lang siyang tulog, mas naaappreciate ko siya kapag ganito.

“Rule number five: Don’t fall in love with me.” Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita without even opening his eyes.

Mabilis akong napaupo sa kama at napahawak sa dibdib ko. Kinabahan na naman ako bigla.

“H-Hoy! Uminom ka nga ng kape para kabahan ka naman sa sinasabi mo! Ako? Maiinlove sayo?! Asa!” Sigaw ko at nakita ko siyang bumangon na rin.

“Defensive.” Matipid nitong sabi bago lumabas sa kwarto.

Feeler talaga nung lalaking yun! Tss. Akala mo naman kung sino! Ha! Ako? Maiinlove sa kanya? Nakakatawa! Ha ha ha! Pero what the fuck? Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing naiisip ko siya at hindi mawala sa isip ko yung smiling face niya. Argh!!! Anong nangyayari sa akin??

Tumayo na lang ako at huminga ng malalim bago lumabas sa kwarto. Naabutan ko siyang nanunuod ng TV sa sala.

“Nagpadeliver na akong breakfast.” Sabi niya habang busy pa rin sa pinapanuod niya.

“Hindi ka nagluluto?”

“Nakakatamad.” Matipid nitong sabi. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at toothbrush tapos pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Sayang naman tong mga kitchen appliances niya, di naman din siya nagluluto. Sa totoo lang, kumpleto nga ang gamit niya dito, may ref, microwave, oven, toaster at kung ano ano pa!

Pagbukas ko sa ref, natulala ako kasi napakalinis ng loob. Sa sobrang linis, walang laman! Dalawang pitchel lang ng tubig ang laman! Nakakaloka tong lalaking to! Talagang lagi lang siyang nagpapadeliver?!

“Oy, bat walang kalaman-laman yung ref mo?” Sabi ko sabay upo sa sala.

“Wala akong time magluto. Isa pa, buong araw din naman ako nasa school, kung hindi sa school nasa FBCI ako.”

“Korni naman neto!” nakanguso kong sabi. Bigla namang nagring ang cellphone niya…

“Sir Phillip…. Yes… No, its’s okay, if you want I could just give it to you…. Letter? What letter?.... Yesha?” Napatingin agad ako sa kanya nang mabanggit niya ang pangalan ni Yesha. Ano kayang meron?

Maya maya lang ay ibinaba na niya ang phone niya.

“After we eat, get dressed. Pupunta tayo FBCI ulit. May ipapasa lang akong report kay Sir Phillip.” Ano ba yan! Nakakatamad umalis eh!

“Sasama ako if you promise me na pupunta tayong mall after natin sa FBCI. Ang boring boring dito sa condo mo!” Naka-cross arms ko pang sabi.

“Promise.” Sabi niya at tumingin sa akin. He’s just looking straight into my eyes at bigla ko na namang naramdaman ang dibdib ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

*Ding Dong*

I am literally saved by the door bell. Tumayo si Grey para pagbuksan ang nagdoorbell at nakita kong yun na pala yung pinadeliver niyang breakfast.

Tahimik kaming kumain sa sala habang nanunuod ng TV. After nun, dumiretso rin agad ako sa pagligo. 11am na nung matapos kaming mag-ayos at diretso rin agad kami sa parking lot.

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon