Mission 11: Suspects

20 1 0
                                    

“Kendra!!! Kendra!!! Bumangon ka na!! Dinukot si Yesha!!” Napabalikwas ako ng marinig ko ang natatarantang boses ni Chief.

Nakita ko si Chief sa loob ng kwarto namin ni Grey na may kausap sa telepono, problemadong problemado ang mukha niya. Samantalang si Grey naman ay nasa gilid ng kama na nagpapalit ng t-shirt, mukhang kakagising lang din niya dahil magulo pa ang buhok niya.

Bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng paningin ko. Shit! Masama to. Hindi nakikisama ang katawan ko.

“Bakit ka nakatunganga dyan? Kumilos ka na!” Sigaw ni Grey habang kinukuha yung baril niya sa drawer.

Kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko, pinilit kong tumayo para maghilamos man lang at mag-toothbrush tapos nagpalit lang ako ng plain white shirt at pants at nagjacket lang. Itinali ko lang din ang buhok ko into a messy bun.

“Chief, ano bang nangyari? Sobrang higpit ng security. Paanong nadukot si Yesha?” Tanong ni Clarence na nandun na rin sa loob ng kwarto namin.

“Kung hindi ako nagkakamali, inside job to… Walang kahit anong bakas sa kwarto nila na nagpapakitang pinilit siyang dukutin. Sobrang linis, walang nakapansin kahit na mismo yung dalawang guards na nakabantay sa elevator.”

“Pero sino naman ang gagawa nun?!” Tanong ni Jimmy.

“That’s for me to know and for you to find out. Anyway, kanina bago ko kayo ginising na lahat may natanggap kaming tawag mula sa kidnapper, humihingi ito ng 50 million US dollars kapalit ng buhay ni Yesha. May binigay siyang location kung saan naroon si Yesha, ayon sa instructions niya, kailangan ilipat ng mga Yamamoto sa account niya ang pera dahil kung hindi… papatayin niya si Yesha.”

“Nandito ba lahat ng kapamilya ni Yesha? Sina Mr. and Mrs. Yamamoto, yung pinsan at tito niya? Safe ba sila?” Tanong ko naman.

“Nandito sila, magkakasama sa kabilang kwarto. Jimmy, maiiwan ka dito for surveillance, i-access mo lahat ng surveillance camera sa location na ibibigay ko.”

“I’m on it.” Sabi ni Jimmy habang sinesetup yung mga gadgets at laptops niya.

“Grey, Kendra and Clarence, kailangan niyo puntahan si Yesha. Iligtas niyo siya bago pa may mangyaring masama.”

“Yes, Chief.” Sabay sabay naming sabi.

Bago kami tuluyang umalis, dumaan muna kami sa kwarto kung nasaan ang pamilya ni Yesha. Naawa ako nang makita kong iyak ng iyak ang mommy niya. Problemado at may kausap naman sa phone ang daddy niya. Nag-uusap naman in Japanese ang tito at pinsan niya at halata ring nag-aalala.

“We’ll do everything to save your daughter, Sir.” Narinig kong sabi ni Chief.

Nagmamadali kaming umalis nila Grey at nagsama rin ng halos 10 security personnel. Tahimik ang buong byahe. Wala rin ako sa mood makipagusap dahil masama talaga ang pakiramdam ko pero alam kong kailangan ko tong isantabi muna.

“Guys, can you hear me?” Narinig kong sabi ni Jimmy sa ear transmitter namin.

“Yup. Crystal Clear.” Sabi ni Clarence.

“Alright guys. I already have Yesha’s location. I’ll send it to your car’s gps.”

“Got it.” Sabi ni Grey na kasalukuyang nagdadrive at pasulyap sulyap sa GPS.

“Isa yang abandoned building, may apat floors at dalawang wing. Nasa gitna ng west and east wing si Yesha, sa 4th floor. Matalino ang suspect kasi alam niyang blind spot yun. Yes, I can access the building’s surveillance cameras pero since nasa gitna si Yesha, hindi siya gaanong hagip ng camera. But from what I can see, nakaupo siya at nakatali.”

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon