Mission 19: Training Exercise

55 4 0
                                    

“Sigurado ka ba?” Tanong ni Chief Alex sa akin. Kanina pa kami nagtatalo dahil sinabi kong gusto ko nang pumasok sa FBCI. Bored na bored na ako dito sa bahay!

Matapos akong ma-confine nun, pinagfile ako ni Chief ng leave. Isang linggo akong nagpapahinga lang at umaattend lang ako sa therapy para daw mawala yung trauma ko.

“I swear to God…okay na ako, Chief.” Sabi ko pa habang nakataas ang kanang kamay.

“Fine. Sige, magready ka na! Bilisan mo ha!” Sabi nito at agad akong tumakbo papunta sa kwarto para maligo at magbihis! Yehey!! Excited na ako! Halos isang linggo ko ring di nakita sina Clarence!

***

“So… Chief. Anong balita? May bagong case ba or something?” Tanong ko habang iniistart niya ang sasakyan.

“Well, wala naman tayong case ngayon. Sabi ni Chairman, magpahinga daw muna tayo dahil halos sunod sunod rin ang mga A-class case natin. Pero ngayong araw, may ile-lead kayong training exercise.”

“Training exercise? Are we even allowed to do that?” Nagtataka kong tanong. Sa pagkakaalam ko kasi, senior agents lang ang may karapatang mag-train ng agents on lower ranks.

Natawa ng bahagya si Chief. “Ano ka ba naman, Kendra? Of course you’re allowed to do that. Hindi mo ba alam na isa yan sa mga privilege ng pagiging miyembro ng Code Black Agent?”

“Hala?! May privilege pala kami? Teka, bakit hindi ko alam yan?!”

Tinignan ako ni Chief na parang ang weird weird ko. Naka-stop kasi kami dahil sa sobrang traffic.

“Seryoso ba?! I-eexplain ko talaga sayo? Hindi ka ba nakikinig nung orientation mo nung junior agent ka?”

“Grabe ka, Chief! That was 3 years ago!! Dali na, explain mo na lang.”

“Fine! I’ll start from the beginning.” Sabi nito at nagsimula na ulit magdrive.

“Syempre, magiging junior agent ka muna, mild cases lang at simpleng undercover. After 2-3 years, aakyat na sa pagiging rank agent. Napaka-intensive ng training at selection process dito. Hindi basta basta at si Chairman mismo ang nag-aayos ng ranking base sa results ng assessments niyo. Ihihiwalay kayo sa tatlong ranking. White as the lowest rank and then Red and the highest is Black. Bawat ranking ay nahahati sa tatlong command: Team Alpha as the highest followed by Bravo and then Charlie. Now, kayo nila Grey ay Code Black: Team Alpha. Do you realize how high your command is?”

Oo nga no?! So kung iisiping mabuti, kami pala talaga ang pinakamataas sa buong Rank agents.

“Kendra, you really don’t have any idea na kayo ang elite of the elites sa mga rank agents.” Natatawang sabi ni Chief.

“Hala! Oo nga, Chief! Sorry naman ah! Eh kasi diba simula nung naging rank agent ako, sunod sunod na yung mga mission at case na hawak natin. Wala na akong time para isipin pa yun.”

“Sus! Palusot! Ang sabihin mo, di ka lang talaga nakikinig sa orientation!” Pang-aasar ni Chief.

“Hay nako, Chief! Anyway… ano pala yung sinasabi mong privilege namin bilang miyembro ng Code Black: Team Alpha?”

“Well, since kayo ang nasa highest command sa Rank Agents, unang una sa privilege niyo ang mga spy gadgets na gamit niyo. Kayo lang ang nakakagamit ng mga high-grade gadgets at weapons. Pangalawa, may karapatan tayong pumili ng case na hahawakan natin. Pangatlo, may respeto sa inyo ang mga nasa lower ranks, kumbaga parang sa school, kayo ang seniors.”

“Ahhhhh! Ngayon ko lang nalaman yun, Chief!”

“Eh kasi nga hindi ka nakikinig sa orientation!” Natatawa niyang sabi. Natawa din tuloy ako. Hahaha! Osige na, ako na ang hindi nakikinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon