“Ladies and Gentlemen, we have just landed at Narita International Airport. Welcome to Tokyo, Japan! For your safety, please remain seated with your seatbelts fastened until the fasten seatbelt sign has been switched off. Please do not remove your carry-on baggage until the aircraft has come to a full stop…” OMG!! I can't believe na andito na kami sa Japan!!! Grabe! Excited na akong bumaba ng eroplano!
"Mukha kang tanga." Komento ng katabi kong si Grey. Lagi talagang nakakasira ng moment tong isang to! Kainis! Hindi ba pwedeng excited lang ako kaya ako nakangiti mag-isa? Hindi ko siya pinansin at inirapan ko lang.
Ilang sandali pa ay bumaba na kami at hindi ko na mapigilan ang nararamdaman kong saya! Excited na talaga ako! Kasama kasi ang Japan sa bucket list ko.
"Chief! Saan tayo pupunta ngayon?! Aalis ba tayo? Mag-iikot ba tayo? Excited na ko!" Masaya kong sabi habang naglalakad kami sa arrival hall.
Bahagyang natawa si Chief.. "Alam kong excited ka na, Kendra pero sa ngayon... trabaho muna tayo. Baka bukas pa tayo mag-ikot." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
Medyo nadisappoint ako ng konti pero syempre, naiintindihan ko naman na nandito kami para sa trabaho at hindi para mamasyal. Pero grabe! Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa Japan!
Pagkalabas namin sa airport ay agad kaming sinalubong ng isang Japanese man na sa palagay ko ay nasa mid 40's ang edad. Nakasuot siya ng coat and tie. Palagay ko, isa siya sa mga tauhan ni Mr. Yamamoto.
"Good Morning, Chief Alexander and company!" Bati niya sa amin in a japanese accent. Napangiti pa ko dahil ang cute niya mag-english.
"Good Morning, Mr. Takahashi! Please to meet you." Sabi ni Chief at nakipagkamay sa lalaki.
"The pleasure is mine, Chief. By the way, we should go now, Mr. Yamamoto is waiting for you." Sabi nito at sinundan namin siya sa nakaparadang black limousine. Shit! Dito ba kami sasakay?! Well, sabagay... si Mr. Yamamoto ay isa sa mga pinakamayamang business tycoon sa buong Japan. No wonder, sa magarang sasakyan kami sasakay.
"Ang lamig." Mahinang bulong sa akin ni Jimmy nang makasakay kami sa sasakyan.
"Oo nga eh." Sang ayon ko at tinuon ko rin ang pansin sa bintana ng sasakyan. On the way na kami papunta sa... Teka, saan nga ba kami pupunta?
"Saan tayo pupunta, Chief? May gagawin ba tayo? May protocols ba na kailangan sundin?" Naalala ko kasi na hindi kami nagbriefing ulit bago man lang umalis sa Pilipinas eh usually kapag ganitong may mission kami, SOP na bibigyan kami ng mga reminders o schedule na kailangan sundin.
"Sa bahay ng mga Yamamoto. That's it for now. Wala pang fixed schedule na ibinigay. Baka magbriefing tayo bukas o sa makalawa. Babalitaan ko kayo. Okay?"
"Okay, Chief." Sagot ni Clarence. Tumahimik naman ulit... Si Chief, busy sa pagbabasa ng mga papeles na hindi ko alam kung tungkol saan. Si Clarence naman, nagbabasa rin ng libro. Si Grey... Nakashades, nakasandal ang ulo sa head rest ng upuan at nakapasok ang kamay sa bulsa ng jacket niya. Aba! Cool na cool lang ang peg! Eto naman si Jimmy sa tabi ko, nagtatablet.
Itinuon ko na lang ulit ang pansin sa bintana. Nasa Tokyo kami ngayon kaya makikita ang mga nagtataasang building sa paligid. Ito kasi ang centro ng Japan. Sayang, maganda sana kung gabi para makita yung makukulay na ilaw dito. Ganon kasi yun palagi kong napapanuod sa TV eh. Sana dumaan ulit kami dito kapag nag-ikot kami para naman makapagpicture ako.
**********************************************
Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isang mataas na black gate na may gold designs at automatic itong bumukas para sa amin. Sa di kalayuan, kitang kita ko na mula sa sasakyan ang bahay--este MANSION ng mga Yamamoto. Tinahak namin ang mahabang daan papunta sa mansion.
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.