Kaninang bandang 3PM, sabay sabay kaming pumunta sa Fukusha Hotel. Sa grand ballroom ng hotel na ito magaganap yung turnover ceremony sa susunod na araw.Hindi kami masyado nakapagusap ni Yesha kasi pagdating namin sa hotel, dumiretso agad ang pamilya niya sa hotel room, balita ko magsusukat siya ng gown ngayon at magte-taste test ng pagkain na ihahanda sa ceremony. Mukhang busy na talaga ang lahat sa paghahanda.
Nandito kami ngayon sa lobby habang inaantay si Chief, nasa kanya kasi mga keycards namin. Medyo nagugutom na ako. Kanina pa kasi kami dito, nag aantay lang ng orders ni Chief.
“5PM na wala pa rin si Chief? Magdadalawang oras na tayong nakatambay dito.” Reklamo ko, nagro-roar na kasi yung tyan ko.
“Kausap ata niya yung head security ng hotel. Dami na ring nakapalibot na guards sa loob oh.” Sabi ni Clarence habang tumitingin tingin sa paligid.
“Grey, pamilyar ka ba sa paligid ng hotel na to? Diba pangatlong beses mo na dito sa Japan?” Tanong ni Jimmy.
“Oo, medyo. Bakit?” Matipid na sagot ni Grey.
“Kasi sa totoo lang, gusto ko talagang kumain ng authentic na ramen at gyoza. Grabe!” Sabi ni Jimmy habang hinihimas yung tyan niya. Nagutom ako lalo sa sinabi niya.
“Gusto ko rin ng maanghang na ramen.” Sabi ko.
“Hayaan niyo guys... kapag natapos to, makakain din tayong ramen.” Nakangiting sabi ni Clarence.
Ilang sandali pa ay dumating na si Chief at binigay yung mga keycards namin. Sabay sabay rin kaming umakyat sa 40th floor.
Paglabas sa elevator, may nakapost na dalawang gwardiya sa dalawang gilid at nakabantay. Wow! Walang makakalapit sa pamilya nila Yesha sa ganitong setup.
Dumiretso na rin kami sa kanya kanyang kwarto. Malaki ang kwarto na napunta sa amin ni Grey, parang presidential suite. May maliit na living room at kitang kita mo ang city view dahil sa malaking glass window. Sobrang ganda!
May malaking flat screen din at maliit na bookshelves. Sa bandang kaliwa ay may pinto at kung hindi ako nakakamali, ito ang kwarto. Pagpasok ko, laking gulat ko na isa lang yung kama. Isang malaking king size bed. Nakakaloka! Pwede naman twin beds diba?? Hindi ba uso yun dito sa Japan?
Nakita kong sumilip din si Grey sa kwarto at nagdire-diretso papunta sa isa pang pinto which is yung CR. Nag-CR yung loko. Pfft. Boring talaga kasama ni Grey! Nakakapanis ng laway!
Lumabas na lang ako sa kwarto namin at kumatok sa kwarto ni Chief. Pinagbuksan naman niya ako.
“Oh? Don’t tell me, nag away na agad kayo ni Grey sa loob ng 5 minutes niyong pananatili sa iisang kwarto?” Natatawang sabi ni Chief at pinapasok ako.
“Hindi ah! Nakakapanis lang ng laway kasama si Grey. Para kasing wala siya sa mood lagi tapos kapag kinausap ko naman yun, susungitan lang ako.” Para akong batang nagsusumbong habang nakaupo sa sala at nilalaro yung maliit na figurine sa center table.
“Kendra, lalaki si Grey. You can’t expect him to be as talkative as you are.” Sabi ni Chief na umupo rin sa sala habang umiinom ng brandy.
“Syempre hindi naman ganon ang ineexpect ko. Yung usual lang, tulad nila Jimmy at Clarence. Tulad mo! Diba?”
“Kendra… Grey’s past is just….too dark. Hindi ko siya masisi kung bakit ganyan siya ngayon.”
“What do you mean too dark? Ano bang nangyari?”
“Hay nako, Kends. Hindi ko dapat to sinasabi sayo pero fine! Ikekwento ko basta wag mo lang sabihin kahit kanino.”
“Oo naman, Chief! Kilala mo ako, secret is a secret!”
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomantizmRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.