Chapter 6: Shadow Enemies

69 3 1
                                    

"Chief! Wag kang OA! Sa mall lang ako pupunta, walang mangyayaring masama sa akin dun." Sabi ko kay Chief.

After kasi nung incident sa bahay, pumunta agad si Chief doon tapos pinaayos yung gamit ko at pinilit ako na magstay muna sa bahay niya. Ilang beses ako tumanggi pero wala na akong nagawa. Delikado daw kasi baka pasukin na naman yung condo ko, mag-isa pa man din daw ako sa bahay.

Tatlong araw na rin simula nun, natapos na din yung finals ko kaya naman gusto ko magpunta ng mall para naman marefresh yung utak ko.

"Alright. Bring this with you." Sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na baril at gun leg holster, yung parang strap kung saan mo ilalagay ang baril. Buti na lang nakaflowy dress ako kaya kahit nasa legs ko yung baril, hindi halata.

Sa tingin ko naman, walang mangyayaring masama sa akin kasi lagi ko namang dala ang ear trasmitter ko, alerto din ako sa mga tao sa paligid at isa pa, may baril ako. Pinaimbestigahan na rin yung nangyari sa condo kaya sa tingin ko, di rin magpaparamdam yung may pakay sa akin.

Sa totoo lang, medyo nabother talaga ako nun kasi ngayon lang may nagtaka sa akin. Hindi ko alam kung anong balak niya, kung sino man siya at kung balak ba niya akong patayin... kaya naman kahit alam kong handa akong makipaglaban, natatakot pa rin ako.

"Mag-iingat ka ha?" Paalala ulit sa akin ni Chief bago ako tuluyang lumabas sa bahay niya.

Dahil wala naman akong sasakyan, nagcocommute lang ako kapag may pupuntahan. Buti isang jeep lang mula rito yung mall.

Wala naman akong napapansing kakaiba sa paligid ko. Everything's normal. Wala din naman akong naramdaman na nakasunod sa akin. Sa jeep, okay naman ang naging byahe ko.

Pagdating ko sa mall, dumiretso muna ako sa isang shop ng damit. Sayang, busy si Phoebe sa laboratory sa FBCI kaya hindi siya pwede ngayon. Sina Clarence naman baka may ginagawa, ayoko naman makaistorbo. Psh! Ilang araw na akong bored dahil nga nakakulong ako sa bahay ni Chief. School tapos bahay agad.

Pero ayos lang! Bigla kong naalala na summer vacation na at malapit na yung mission namin sa Japan! Naeexcite ako!! Mamimili na lang ako ng damit ngayon.

Labas pasok ako sa mga boutique. Pili dyan, pili dito. Mas masaya sana kung kasama ko si Phoebe para naman may kakwentuhan ako. Pffft.

Pagkatapos ko bumili sa Forever 21, dumaan muna ako sa isang ice cream parlor bago magpatuloy sa pamimili. Papahinga rin muna ako. Yay!! Ice creaaaaam!!!

*Bzzzt Bzzzt*

Naramdaman ko bigla ang pagvibrate ng phone ko. Eh? Sino naman to?

Grey calling...

Ano namang kailangan niya?

"Hello." Sagot ko sa phone ko.

"Stay where you are. Papunta na ako dyan, ipapark ko lang yung sasakyan."

Wait. Anong sinasabi ng isang to?! "Hoy, Grey! Anong pinagsasabi mo? Tsaka anong stay where you are? Anong akala mo sa akin? Aso?"

"Tsss. Ang dami mong sinabi. Basta, dyan ka lang. Wag ka aalis dyan."

"Ha? Nababaliw ka na ba? Ano bang kailangan mo?" Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya pupunta dito? Hindi ko naman siya ininvite na mag-mall kami. Like duh! No way!

"I'll be there in 5 minutes." Sabi niya pa sabay baba ng phone. Bastos na lalaking yun! Di man lang nagbabye.

Nakuha ko na yung order kong strawberry banana ice cream at umupo sa isa sa mga upuan sa loob ng ice cream parlor. Ano kayang kailangan ni Grey? Bakit siya pupunta dito?

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon