HELICOPTER GOING TO BICOL. 0500H
Kakapasok ko lang sa helicopter at para siyang military helicopter na magkaharap yung mga upuan at may aisle sa gitna. Naabutan kong nag-uusap sina Clarence at Greyson tapos nagtatawanan sila. Oo nga pala, matagal na silang magkakilala kaya medyo close sila. Si Jimmy naman nasa isang sulok at parang may kausap sa cellphone. Wow naman! Parang mag-fi-fieldtrip lang kami ah! Parang walang mission na pupuntahan tong mga to.
"Uy Kendra!" Tawag ni Clarence nang mapansin niyang andun na ako. Ngumiti lang ako. Ang totoo niyan, inaantok pa talaga ako. Hello!?! 4 palang ng umaga!! Dapat natutulog pa ako ngayon.
Umupo ako sa upuan at isinandal ang ulo ko sa headrest nito.
"Kendra, you look great!" Masayang sabi ni Jimmy tapos ngumiti siya, halos pikit na ang mga mata niya dahil nga singkit siya tapos ngumiti pa.
"Ang taba ko na nga ehh." Komento ko. Bigla tuloy akong na-conscious, nakasuot kasi ako ng black latex na pants at long sleeves. Alam niyo na, yung typical na spy outfit.
"Buti alam mong mataba ka." Sabi ni Grey tapos umupo siya sa harap ko, umupo naman sa tabi niya si Clarence.
"Nako, tigilan mo ako, Grey ah! Ang aga aga nambubwisit ka!"
"Tss."
"Hahaha! Ang aga aga nag-aaway na naman kayong dalawa." Natatawang sabi ni Clarence.
Maya maya lang ay umalis na kami, tahimik ang byahe at halatang inaantok pa ang lahat.
"Ang boring talaga." Komento ni Grey.
"Boring talaga! First mission palang ehh." Sagot naman ni Clarence
"Oo nga ehh." Dagdag pa ni Jimmy. Yung totoo, ako lang ba ang kinakabahan sa mission na to?! Psh! Tignan natin mamaya kung masabi niyo pang boring!
"Oh? Anong tinitingin tingin mo?" Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si Grey.
“Ha? Ako nakatingin sayo? Asa!” Palusot ko naman. Napatingin lang naman sa kanya!
“Alam kong pogi ako, you don’t have to deny it.” Nang-aasar na sabi ni Grey.
Natawa ako out of disbelief. I just can't believe na may ganitong tipo ng lalaki. "Ay! Grabe talaga! Tindi ng mukha mo eh no? Ang yabang!!!”
“Palibhasa, tomboy ka kaya di mo na-aappreciate yung itsura ko.”
“Excuse me?! Sinong nagsabi sayo na tomboy ako?!”
“Ako.”
“At paano mo naman nasabi na tomboy ako?”
“Kasi normally, girls will flirt with me pero ikaw… I don’t know what’s wrong with you, lagi kang nang-aaway. You’re such a warfreak.”
“Ugh…That’s the most ridiculous thing that I have ever heard in my entire existence. Hindi ko alam kung saan mo kinuha yang level of confidence mo pero you know what, wala akong problema sa itsura mo! Ang problema ko, yung ugali mo… Nakakasuka!” Hindi ko talaga alam kung bakit pero nagpanting talaga yung tenga ko nung narinig ko yung sinabi niya. Cold, arrogant and heartless asshole.
“BOOM! Tsk! Tsk! Mukhang talo ka ngayon, Grey ah!” Sabi ni Clarence. Tinignan lang siya ng masama ni Grey at hindi na nagsalita ulit.
**********************************************
Pagdating naming sa site, tahimik ang buong paligid. Kitang kita ang mga wasak na parte ng helicopter pati na ang maitim na usok na bumabalot dito.
“Tara na nga nang matapos na to” Iritang sabi ni Grey at pumasok siya sa sira sirang helicopter.
“Jimmy, dun ka sa bandang likod magbantay, mahirap na baka may mga naka-abang dun.” Utos ni Clarence
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.