FBCI. 1825H
"You've gotta be kidding me! You're a Code Black agent?!" Sigaw ng lalaking ampalaya na to. Bwisit! Pa-english english pa! Kapal ng kalyo sa mukha!
"Do you have a problem with that?!" Ha! Akala niya siya lang ang marunong mag-english ah! Tss! I knew it! Spy din siya! Siya yung lalaking naka-cap na umepal sa mission ko last week and guess what?! Nakita ko rin siya sa school kanina, only to find out na kaschoolmate ko siya tapos ngayon, KA-TEAM KO SIYA. BAKIT NAPAKAPAIT NG TADHANA?! BAKIIIIT??
"Tss! I have a problem with you! Yung simpleng paglalagay nga ng tracking device sa target di mo magawa ng maayos eh! Eto pa kayang A-Class case?"
"Excuse me! Sino ba kasing tatanga-tanga? Bigla mo na lang binangga yung target ko!"
"Binangga ko siya intentionally dahil lalagyan ko din siya ng tracking device."
"Duh! Bopols ka ba? That's my mission! Bakit ka nangengealam?
"Hey! Hey! Will you stop arguing?! Itigil niyo yan!" Bigla ulit pumasok si Chief sa meeting room "I already checked the assigned mission last week. Nagkaroon ng conflict sa pag-aassign ng agents, nailagay kayong dalawa sa iisang mission. It's the department's fault kaya itigil niyo na yang pag-aaway niyo. Okay?! Mamaya biglang dumating si Chairman eh!" Saway sa amin ni Chief.
Hindi na ako nagsalita ulit. Tss! Kairita talaga itsura nitong lalaking mukhang ampalaya!
Nasa isang mahabang mahogany desk kami. Kasama ko na ang mga teammates ko at inaantay namin si Chairman.
"Introduce yourselves." Mahinahong sabi ni Chief tapos tumingin siya sa akin. "Ladies first."
"I'm Kendra Maea Jimenez, 18 years old, 3rd year college in Heidelberg University, currently taking up BS Microbiology and Chemistry."
"Next." Tumingin naman siya sa lalaking mukhang ampalaya, paano kasi! Laging nakakunot ang noo, parang laging galit.
"I'm Greyson Chase Sentosa, 19 years old, 3rd year college in Heidelberg University, currently taking up BS Forensic Science."
"Wait.. You guys attend the same school?" Gulat na tanong ni Chief.
"Obvious ba? Actually, kakalipat ko lang kahapon sa Heidelberg." Sabi naman ng taong ampalaya.
"Malas no, Chief? Magka-team na nga kami, magka-school na, magka-college pa! Grabe! Kung minamalas nga naman!" Inirapan ko lang yung kumag.
"Tss! Oo nga ehh. Napakamalas!" Masama naman ang tingin niya sa akin.
"Next." Tumingin si Chief sa lalaking nakaupo sa tapat ko. Brown ang buhok niya, medyo messy look tapos chinito. Nakasalamin siya at hindi ganon kaganda ang built ng katawan. Agent ba talaga siya? Pero in fairness, may itsura naman siya.
"I'm Jimmy Santos, you can call me Jim or Jimmy. 18 years old, 3rd year college in Frish University, taking up BS Information Technology."
"And?" Tumingin naman si Chief sa lalaking tall, dark and handsome. Medyo malaki ang built ng katawan niya at semi-kalbo siya.
"I'm Clarence Villamor, 19 years old, 3rd year in Frish University, taking up double degree in BS Forensic Sciences and Ballistics."
"Thank you guys! So... welcome sa bago niyong team! Code Black Agents: Team Alpha. I'm Alexander Montero, ako ang magiging adviser niyo sa team na to. I have been in this industry for 7 years at gaya niyo, nagsimula din ako as junior agent to ranked agent and finally Senior Agent--"
Nagulat na lang kami ng biglang pumasok si Chairman kasama ang napakasexy niyang sekretarya. Nagshake hands sila ni Chief at umupo sa dulo ng mahabang table. Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko si Chairman, napaka-cute niya. Hahaha! Malusog siya at maliit, parang si doraemon.
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.