3 days na simula nung umuwi kami galing Japan. So far, maayos naman ang lahat. Dito pa rin ako nakatira sa bahay ni Chief Alex dahil nga sa may nagtatangka ng buhay ko. Ayaw niya talaga akong pauwiin sa condo ko kahit anong pilit ko.
Nakahiga lang ako at nagfefacebook sa cellphone. Medyo boring, gustuhin ko mang lumabas pero sobrang init naman dahil nga summer. Message ako ng message kay Phoebe na umalis naman kami at magbonding kaso mukhang busy ang bruha dahil tambak daw ang gawain nila sa FBCI.
Haaaay! Kailan kaya next mission?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina. Gusto ko magluto ng pancakes para may meryenda kami ni Chief Alex.
Nasabi ko ba na mag-isa lang sa bahay si Chief? Walang kapamilya o kasambahay kaya nga inaasar ko siya lagi na mag-asawa na siya. Ang dull kasi ng bahay niya. I mean, malaki, modern at maaliwalas ang bahay pero walang sigla. Walang feminine touch!
Napadaan ako sa may pool area at nahagip ng mata ko si Grey. Anong ginagawa niya dito?
Nagstep forward pa ako para makitang mabuti kung siya nga yun. Nasa gazebo sila ni Chief at seryosong nag uusap. Ano naman kayang pinaguusapan nila? Di kaya may bago kaming mission? Pero bakit dito pa sila maguusap eh pwede namang sa FBCI?
Napatingin ulit ako kay Grey at napansin kong nakatingin na siya sa akin. As usual with his poker face. Medyo naka-move on na nga pala ako sa nangyari sa Japan dahil ilang araw din naman kaming hindi nagkita. Isa pa, wala akong pake kung sila nga talaga ni Yesha.
Nakita kong lumingon na din si Chief sa akin. Awkward akong kumaway sa kanila at saka lumapit.
"Anong meron, Chief? Bakit nandito si Grey?"
"Bakit? Bahay mo ba to?" Masungit na sabi nung tukmol. Nakakainis! Parang nagtatanong lang eh!
"Ikaw ba kausap ko?!" Banat ko naman. Same old jerk.
"Kayong dalawa talaga! Pag-untugin ko kaya kayo?" Natatawang sabi ni Chief. "Anyway, Kendra... Kaya nandito si Grey kasi magbebriefing tayo for your next mission." Sabi ni Chief pero parang di ako convinced.
"Bakit dito sa bahay ang briefing? Hindi ba dapat sa FBCI?" Curious kong tanong. Bakit feeling ko may hindi sila sinasabi sa akin? Nakakapagtaka lang kasi na pumunta dito si Grey ng mag-isa. I mean, usually kasi kapag briefing namin, magkakasama sila nina Jimmy at Clarence na pumupunta.
"Pwede naman magconduct ng briefing sa kahit saan basta secured ang lugar, Kendra."
"Alam ko yun, Chief. Nasa manual yun, chapter 3-Page 46. Pero bakit si Grey lang ang nandito? Nasaan sila Jimmy?"
"Hindi ba pwedeng nauna lang ako ng dating dito?" Sabi nung tukmol.
"Susunod din sila Jimmy, Kendra." Sabi ni Chief. Kahit di ako convinced, hinayaan ko na. Baka naman OA lang ako, kung ano ano iniisip ko. Anyway, magluluto na lang ako ng pancakes.
"Okay! Fine! Since wala pa naman sila, magluluto muna ako pancakes. Nagugutom na kasi ako." Sabi ko habang naglalakad na papunta sa kusina.
"Kendra, try not to burn the kitchen! Thanks!" Sigaw ni Chief habang natatawa. Natawa na lang din ako, naalala ko kasi dati, trinay ko magluto ng noodles tapos nakatulog ako sa mesa sa dining room habang inaantay kumulo yung tubig. Hanggang sa di ko namalayan, inabot pala ng apoy yung pot holder malapit sa kalan. Buti naagapan agad namin ni Chief.
* * *
"Wow, Kendra! Nag-abala ka pa!" Masayang sabi ni Clarence nang ihain ko sa kanila yung pancakes na ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.