Mission 17: Red Market Operation (Part 1)

36 1 0
                                    

MONDAY. RED MARKET MISSION. 0952H

Araw na ng mission namin ngayon sa Red Market. Ang plano ay pupunta ako sa airport mamaya at magpapanggap bilang isang dayuhang bakasyunista. Pipila daw ako sa taxi bay na di kalayuan sa airport na ayon sa mga sources namin, naroon daw ang mga tauhan ng Red Market na nagpapanggap bilang taxi driver at nangingidnap ng mga babaeng foreigner.

Oras na makuha ako ng Red Market, siguradong mahihirapan akong makawala. Sa totoo lang, pagkagising ko kanina, mixed emotions na ako. Hindi ko na talaga alam kung matatakot ba ako o ano pero syempre, alam kong parte to ng trabaho namin.

Mapapasok ko ang kuta ng mga kalaban at ang tanging paraan lang para makalabas ako ng buo at buhay ay kapag nagpanggap na si Grey bilang isang bidder sa auction. Sa auction binebenta ng Red Market ang mga babaeng nakukuha nila.

Kapag nahuli ako ng Red Market, siguradong isasama nila ako sa auction at si Grey, bilang isang bidder, ang dapat na makabili sa akin. Yun ang cue para pasukin ng SWAT at FBCI Action Force ang kuta ng Red Market.

Napatingin ako sa salamin after ko maghilamos at toothbrush. Nanibago ako sa itsura ko dahil nagpakulay ako ng buhok kahapon, sobrang brown na nito. Syempre, kasama to sa undercover ko mamaya since magpapanggap ako bilang Half-American, Half-Filipino na bakasyunista.

Nagroar na rin ang tyan ko kaya bumaba na ako para magluto sana ng breakfast pero nagulat ako nang makita si Grey sa living room. Anong ginagawa niya dito?

“Oh, Kendra! Gising ka na pala…” Sabi ni Chief na galing sa kusina at may dalang dalawang tasa ng kape. Inilapag niya sa center table ang mga tasa.

“Well, naisip ko lang na mas mabuti siguro kung magkapag-usap na kayo para maayos niyo na yang away niyo bago pa magsimula ang misyon mamaya kaya pinapunta ko si Grey dito.”

Umupo na rin ako sa sala at saglit na napatingin kay Grey.

“So… iiwan ko muna kayo dito para makapagusap. Please naman wag na kayo mag-away. Wag ngayon. Kailangan natin maexecute ng maayos ang misyon mamaya… Okay? Sige na, aakyat na muna ako sa kwarto.” Sabi ni Chief bago tuluyang umakyat sa taas.

Napatingin ulit ako kay Grey….

“Bibigyan mo na ba ako ng mga sagot?” Nakataas kilay kong tanong.

“Listen, Kendra… I want you to trust me—“

“Trust you? Naririnig mo ba ang sarili mo, Grey?! How could I trust you when you don’t even trust me or us, your teammates!”

“Alright. You wanna know the truth?” Huminga siya ng malalim at saka nagpatuloy.. “I am investigating my parent’s case. I wanted to know who killed them! Now, the reason why I am hiding this to you is because I don’t want to drag all of you into this! I wanted to do this alone for now, Kendra. Hindi ko naman to tinatago dahil wala akong tiwala sa inyo. Alam kong mga kaibigan ko kayo at tutulungan niyo ako pero please.. for now… gusto ko munang unti-untiin ang mga ebidensya. I just need to do this alone…Just let me please do this alone.” Nakatingin lang ako sa mga mata ni Grey and by the looks of it, mukha naman siyang sincere sa mga sinasabi niya… Besides, I’ve never seen him this vulnerable.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya tinatago ang pag-iimbestiga. Sabagay, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya baka I’ll do the same… Gusto ko rin sana imbestigahan ang pagkawala ng mga magulang ko pero kung gagawin ko yun, gusto ko ako muna ang mangalap ng edibensya. In that case, first hand facts ang mga hawak ko.

“Second, yung surveillance room sa condo.. Well, kailangan ko pa bang i-explain yun?! Spy ako at hindi ba normal lang naman siguro kung may ganoon ako sa bahay ko?” Nagtataka niyang tanong.

Spy-cy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon