Nagising ako sa ingay ng mga tao. Nawalan na naman pala ako ng malay kanina. Iminulat ko ang mata ko at nakitang madami na ang tao sa loob ng kwarto.
Medyo umiikot pa rin ang paningin ko at pinilit kong i-shake ang ulo ko, nagbabakasali na mawala ang hilo pero walang nangyari. Nahihilo pa rin talaga ako at nanghihina.
Napatingin ako sa kanan ko, yung blonde na babae kanina ay naka-make up na. Nakakulot ang buhok at may suot na siyang underwear na kulay itim at mukhang latex ito. Nakasuot rin siya ng itim na see through stockings. Mukha siyang sasayaw sa club.
Automatic na napatingin din ako sa sariling katawan. May suot na rin akong glittery gold na bra at panty at may see through black stockings rin. Gusto kong sumigaw ng “WHAT THE FUCK” pero hinang hina ang sistema ko.
Bakit ganito ang mga itsura namin?! Kaya pala maraming tao ay dahil inaayusan nila kami… Hindi kaya ngayon na ang auction? Ibebenta na ba nila kami?
“These two are already good to go.” Sabi nung isang babae habang tinuturo kami ni blonde girl.
May mga lalaking nagtanggal ng pagkakatali ng kamay at paa ko sa upuan at inalalayan akong tumayo.
“Where are we going?” Nanghihina kong tanong pero walang pumansin sa akin. Parang lantang gulay ang tuhod ko. I can barely stand or walk at kung hindi dahil sa mga umaalalay sa akin baka natumba na ako.
Lumabas kami sa madilim at mausok na kwarto at napatingin ako sa hallway na dinadaanan namin. Napaka-gara ng lahat. Naka-red carpet ito at yung mga dingding ay may accent ng gold. Para kaming nasa isang magarang mansion.
Pumasok ulit kami sa isang kwarto na medyo madilim. Malaki ito at parang theater. May nagsasalita sa microphone pero hindi ko masyadong maintindihan dahil dumiretso kami ng backstage.
Maraming tao sa backstage. Ang dami ring mga babaeng nakapila na nakasuot rin ng katulad ng akin pero karamihan sa kanila kung hindi black ang suot ay red. Ako lang ata ang natatanging naka-gold.
Marami rin mga lalaking nakapwesto sa gilid at may hawak ng malalaking kalibre ng baril. Ang iba’y nakatingin sa amin ng malaswa at ang iba’y pinagtatawanan pa kaming mga babae.
“Girls! Makinig! I am George at ako ang production head ng auction na ito. Now, magsisimula na ang program in a few minutes. Pumila kayo ng maayos kung ayaw niyong masaktan.” Masungit na sabi nung bading na kanina pa nag-iikot.
Nakakatayo na ako ng mag-isa pero nahihilo at nanghihina pa rin ako. Nakapila ako sa dulo at halos lahat ng babae sa harapan ko ay tulala, walang sumisigaw, walang nanlalaban, lahat nanghihina.
Tinurukan nila kami ng kung anong drug para hindi kami makalaban. Sa totoo lang, pakiramdam ko hindi ako makapagsalita, mas lalong hindi ko kayang sumigaw. Kahit gustuhin ko, parang walang lalabas na boses. Pinilit kong tumindig ng maayos pero mahina ang mga tuhod ko.
“So you’re the star of night?” Tanong ng isang lalaki na biglang lumapit sa akin. Nakasuot siya ng Amerikana at napakapormal niya. Sa palagay ko ay mga 23-25 years old na siya. Sino naman kaya siya? Siya kaya ang head ng Red Market Syndicate? Pero hindi ba parang ang bata naman niya para pamunuan ang isang sindikato?
Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko gusto ang mga tingin niya sa akin… Napakalagkit ng tingin niya. Ngumiti rin siya ng nakakaloko at dahang dahang ibinaba ang kamay sa leeg ko. Kung normal lang siguro ang lakas ko at nasa maayos akong pag-iisip ay kanina ko pa siya nasuntok pero wala akong magawa. Ni hindi ko mai-hakbang ng maayos ang paa ko.
Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niya papunta sa dibdib ko. Biglang gumana ang adrenaline rush ko at kahit nanghihina ay nagawa kong hawakan ang kamay niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kanya… Hindi ko na kaya ang ginagawa niya sa akin. Napakabastos niya!
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.