Pagkagising ko, tulog pa si Grey kaya bumangon na ako para magsimula magluto ng breakfast. Syempre naghilamos at toothbrush muna ako tapos dumiretso rin sa kusina para magluto ng pancakes.
After 15 minutes ata nakita kong lumabas na ng kwarto si Grey at dumiretso sa cr. Tapos na rin ako magluto, inihain ko na nga ang pancakes ala Kendra ko. Topped with butter, whipped cream and maple syrup.
“Good Morning! Kain na!” Aya ko kay Grey. Umupo rin naman siya sa dining table at kumain.
“How was it?”
“Good.” Sabi niya sabay kain.
“Ahhh. Talaga? Good lang talaga? Kaya pala panlima mo na yan?” Natatawa kong sabi.
The rest of the morning went normal, I guess? Tahimik lang at nanunuod lang kami HBO pagkatapos ng isang movie sa HBO, lipat star movies naman. Nagluto na lang rin ako ng pang lunch namin.
Naisip ko lang mamayang gabi na nga pala ako susunduin ni Chief. Nagmessage siya akin sa facebook kanina, 6PM daw ang flight niya pabalik ng Manila at kikitain namin sila sa Sunset Grill mamayang dinner para sa last briefing namin sa susunod na mission next week.
Nang magtanghali na, inihain ko na rin ang niluto kong adobo. Hindi ko na tinanong si Grey kung nagustuhan niya dahil mukha namang gusto niya. Dami niya rin nakain eh.
* * *
Nag-aayos lang ako ng gamit sa sala nang magpaalam si Grey na bababa muna sa front desk para kunin yung mga utility bills niya.
Napatingin ako sa bookshelves niya nang mahagip ng mata ko ang librong Red Pyramid. Oh my gosh! May ganon palang libro si Grey! Gusto ko yun mabasa! Hihiramin ko nga sa kanya mamaya.
Lumapit ako sa bookshelf para kunin yung libro pero nung ini-angat ko ito, may parang click na tumunog at parang may na-trigger ako. Biglang gumalaw ng kaunti ang bookshelves at lumubog ito sa pader at parang pintuang bumukas… Pintuan papunta sa isang secret room.
“Oh my god..” I said under my breath. Papatayin talaga ako ni Grey kapag nalaman niyang binuksan ko to. Pero hindi ko naman alam eh! Malay ko bang yung librong yun ang trigger.
Madilim sa loob ng secret room pero pumasok pa rin ako. Pagtapak ko palang ng isa, umilaw ng blue ang paligid.
“Good Afternoon, Mr. Greyson.” Halos tumalon ang puso ko nung biglang may nagsalita pero wala namang tao sa loob. Sa palagay ko, isa iyong artificial intelligence.
Paano nagkaroon ng ganito si Grey? Saan siya kumuha ng pera para magawa to? Bakit siya may ganito in the first place?
Tuluyan na akong pumasok sa loob, hindi ganon kalaki ang room pero masasabi kong napaka- high end ng mga gamit. Sobrang highly engineered ng lahat to think na may artificial intelligence si Grey. Sound proof rin ang mga dingding at kisame. Sa di kaluyan, may computer set. Apat na magkakadikit na monitor na parang yung ginagamit namin tuwing may surveillance. May mga shelves din ng baril at dagger tapos may table din at may white board. Sobrang nakakuha ng pansin ko ang white board na yun dahil ang daming nakadikit na picture, mapa, news articles at may mga taling pula na nagkokonekta sa mga ito. Ano namang iniimbestigahan ni Grey?
“Rule number one, Kendra. Diba sinabi ko sayong wag kang mangengealam ng gamit?!” Sobra talaga akong kinabahan nung marinig ang boses ni Grey. Napalingon agad ako sa bukana ng pintuan. I am so dead.
“H-Hindi ko alam. Hihiramin ko lang naman kasi yung isa mong libro pero bigla na lang bumukas tong kwarto na to…. Akala ko----“ Hindi na niya ako pinatapos at agad din akong hinila palabas. May pinindot siyang button sa kung saan kaya bumalik sa normal yung bookshelf. Parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Spy-cy Love
RomanceRule number one for spies: Be keen to details because that is where the clues are. Let's join Code Black: Team Alpha as they unravel the truth behind their identity.