*Medyo madami akong nakain ah! Nakaka miss pala kumain ng Spaghetti kaya ang dami kong nakain. Marami ng umalis na bisita pero andito pa din ung classmate nya nung grade 6, syempre kasama na din ung ex nya! At mag isa ulit ako dito!
Girl: Ah, excuse me! Sharlene, right?
S: Yhapp, and you are?
G: Claire, classmate ko si Den nung grade 6. Amm…Can we talk?
S: Ah! Yes it’s okay! Upo ka. (Oh no! anu kayang sasabihin nito? Sana lang wag nya akong awayin)
C: I just want to say na, You’re pretty and Denmark had a good choice. I hope hindi ka nya sasaktan.
S: Hah! What do you mean? Do I need to know something?
C: Honestly, hindi lang ako basta classmate ni Den, I’m his ex girlfriend. Well, I’m not here to fight with you okay? I just want to say that I am happy he moved on, and I hope he will be a better boyfriend to you.
S: Ganun ba? Ah, sana nga. Thank you for the concern, you don’t need to warn me I can take care of myself. (Masungit ba?
N: Ah! Claire, alis na daw kayo nila Paul.
C: Ah okay! Sige ha! By the way, Goodluck sa relationship nyo!
S: Ahh! Thank you! Bye! (Medyo mahangin din pala to)
N: Okay ka lang? Tsaka nga pala, ako na maghahatid sayo. Kasi busy pa si Denmark eh, dumating na kasi kuya nya from the states. Di bale wala naman na sina Claire, di na kayo mabubuko!
S: (buti naman alam nya na fake lang un) Sige, tara na…inaantok na din kasi ako eh!
N: Ang dami mo kasing nakain! Hahahaha…
*Hinatid na ako ni Nash, Napansin ko lang kay Nash na okay kami pag dalawa lang kami, pero pag maraming tao or kasama ko si Denmark parang hindi nya ako kilala. Bakit kaya?
MONDAY
*October na pala, babalik na pala ngaun sa school si Faith, paano ko kaya sasabihin sa kanya na fake girlfriend ako ng taong mahal nya. Paano kung magalit siya sakin? Eh bakit naman, fake lang naman. Tsaka bestfriend ko lang ung taong mahal nya! Tulungan nyo naman ako? Ano kayang gagawin ko? Hindi ako nakapasok ngaun, darating kasi mga pinsan ko from Manila. Kaya aasikasuhin ko muna sila for a day.
TUESDAY
S: Hi girl! Namiss kita! Kumusta na?
F: Ah! Sharlene pwede ba tayong magusap? May itatanung lang ako?
S: Sige, ano un?
F: Kahapon kasi may mga narinig akong balita at may mga kwento na sinabi sakin. Ayaw kong maniwala kaya gusto kung mangaling sayo ung totoo?
S: (Naku, lagot na! Alam nya na ata. Grabe naman ang mga tao oh, inunahan pa ako) Tungkol saan ba un?
F: Kayo na na ni Denmark? (Sabay lingon sakin)
S: Ha! Eh kasi ano… Oo ehh…Pero!
F: (Teary eyes….Walked out)
S: Girl sandali, mageexplain ako! *--*
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Masisira Na Ba Ang Pag Kakaibigan Ni Shar At Faith???