SM
L: Thanks Kuya! Huwag nyo na po ako sunduin. Ako na bahala! Hahaha…Ingat po.
Kuya J: Sige! Ingat din.
*Nakita ko na nga si Larah sa Starbucks! Pag dating ko, umalis na kami agad at nag umpisang maghanap ng damit. Pumasok kami sa isang shop na puro dresses and gowns at dun kami nakakita ng gagamitin naming dalawa. Worth it naman ung pagod namin, kasi dito may accessories na din kaya hindi na kami nahirapan.
L: (Habang Naglalakad) Oh! Alam mo buti na lang sinamahan mo ako, hindi kasi ako sanay sa mga ganito eh, tama nga si Nash na ikaw ang tawagin ko.
S: Nash? Bakit nadamay si Nash dito?
L: Sabi ko kasi sa kanya na hindi ako sanay sa ganitong okasyon, at wala akong isusuot. Tapus, sabi nya magpasama daw ako sayo kasi sigurado daw na matutulungan mo ako.
S: Ah ganun! Kalma ka lang, okay naman kahit simple lang eh! (Huminto si Shar sa paglalakad at nakatingin kay Larah)
L: Alam ko naman un eh! Kaya ka siguro gusto ni Nash no? Kasi simple ka lang? (Habang nakangiti)
S: Gusto? Sinu naman ang nagsabing gusto nya ako?
L: Ha! Ibig kong sabihin gusto ka nya bilang kaibigan.
S: Kung sabagay! Tara na nga kain na tayo. Napagod ako eh! (Anu ba tong sinasabi ni Larah)
L: Dun na lang tayo kumain sa murang kainan, hindi pa kasi ako nakakabili ng sapatos eh. Ikaw ba my sapatos na?
S: Wow ha! Kalma ka lang, sige treat na lang kita tapus wag mo na gastusin ung pera mo.
L: Ha! Treat? Ayaw ko nga, ako na nga nag pasama sayo ako pa ililibre mo! Wag na.
S: Ano ka ba, sabi mo nga sa mura lang diba? Kain lang tayo ng Lasagna jan sa Greenwich, okay na ba un? Tapus naisip ko lang, ano ba size ng paa mo?
L: Ha! Sige kaw bahala! Size 6 or 7, dipende eh! Hindi ako sigurado eh, bakit?
S: (habang nag aantay ng order) Kasi ung damit na nabili mo kakulay nya ung isang pair ng hills ko sa bahay! Bagay un jan sa damit mo, at kung pareho tayo ng size. Well, ibibigay ko na lang sayo un.
L: Anu? Okay ka lang eh sayo un eh! Bakit mo ibibigay?
S: Dalawa kasi un? Magkaibang kulay, kaya sayo na lang ung isang pair, wag kang mag alala ung hindi ko pa nagamit ang ibibgay ko sayo total un naman ang kakulay ng damit mo. Para hindi ka na bibili, medyo mahal na din kasi ung damit na binili natin eh!
L: Kung sabagay! Thank you ah! Super thank you talaga!
S: Anu ka ba, wala un! Parang hindi naman tayo magkaibigan, at sabi nga ni Nash matutulungan kita diba? Tsaka kaibigan mo ako! Mag sabi ka lang, pag kaya ko tutulungan kita. (Smile)
L: Hahaha. Thank you talaga, alam mo swerte ng magiging boyfriend mo.
S: Boyfriend talaga! Hahaha…
L: Sana si Nash na lang un.
S: At bakit si Nash na naman. Alam mo may napapansin ako ah, madalas mo kasing nababangit si Nash eh, wag mong sabihin na may gusto ka sa kanya?
L: Hahaha… grabe ka naman. Wala no, ikaw? Hindi mo ba siya gusto?
S: Ako? Ako na naman. (May gusto ba ako sa kanya?) Syempre wala, kaibigan ko lang siya.
L: Anung gagawin mo pag may gusto siya sayo?
S: (Oh no! Speechless) Hindi ko alam! Alam mo ubusin mo na nga yang pagkain mo para makauwi na tayo! Punta ka muna sa bahay ha, para makita mo ung shoes tapus ipahatid na lang kita kay Kuya J.
L: Hahaha, wow change topic agad! Sige na nga di ko na tatanungin sayo un.
*Naguguluhan pa din ako hangang ngayon sa mga tanung ni Larah, medyo hindi kasi malinaw eh, pero ayaw kong pahirapan ang sarili ko. Anyway, buti na lang nag kasya at nagustuhan ni Larah ung pair ng hills, sayang naman kasi kung hindi magagamit! Gift ko na rin un sa kanya as a good friend. *--*
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mukhang maraming alam tong si Lara ah!!
![](https://img.wattpad.com/cover/8833833-288-k118905.jpg)