*Street Dance Parade na, and dami ng tao na nagaabaang na mag umpisa ung parade. Bawat school na representative for the parade kinakabahan na. Hindi lang kasi ito parade, competition din ito between different schools, buti na lang iba iba din ang categories! Alam nyo ba ang feeling na mag Street Dance Parade? Sana matry nyo, nakakapagod pero masaya, kasi wala kang gagawin kundi sumayaw! Sumayaw lang ng sumayaw sa ilalim ng sikat ng araw. Pero kahit ganun, maganda ung experience kasi marami kang magiging kaibigan! Lahat kami kabado sa announcement ng mananalo, pero worth it ung pagod namin kasi second kami sa High School Category. Oh, diba ang galing namin!
SATURDAY!
*Unfortunately, kahit pagod ako kailangan kung gumising kasi mag kikita kami ni Nash mamayang 1PM, hindi kasi makakasama si Larah eh, buti na lang pinayagan ako nila Mommy na hindi muna sumama sa kanila ngayon! Kung sabagay pwede naman kaming lumabas bukas. Parang excited ako na kinakabahan, kasi ung picture…aaaaa….tama na nga sa picture na yan! Wag kang umasang may gusto sayo si Nash!!!
~doorbell~ (ding dong….ding dong!)
*Si Nash na ata yan ah (sabay open ng window) Siya nga!
S: Wait lang ha! Bababa na ako.
Pasok ka muna. Maglolock lang ako ng doors, tapus alis na tayo!
N: Wala kang kasama?
S: Ha! Oo eh, lumabas silang lahat!
N: Bakit hindi ka kasama?
S: Ngeee!!! Kasi nga diba lalabas tayo?? Hahaha…
N: Pero, okay lang naman kung tinext mo ako na may lakad kayo diba? Family bonding din kaya un!
S: Alam mo, ayaw ko naman sirain ung tiwala mo sakin…Hahaha…Tsaka pwede naman kaming lumabas bukas.
N: Kung sabagay! Anu, ready ka na?
S: Yap! Saan tayo?
N: Gusto ko matry mo mag laro sa arcades, sigurado hindi mo pa nagagawa un. Hahaha…
S: Wow, nag lalaro naman ako ng arcades ah! Hahaha…
N: Saan? Dito sa loob ng bahay nyo? Hindi un ang sinasabi ko! Basta tara na!
*On the way na kami sa SM, para maglaro ng arcade.
N: Bili lang ako ng tokens para makapaglaro na tayo! (Sana this time magawa ko na! Suportahan nyo ako ha!)
S: Baka naman marami kang binili ah! Hahaha…
N: Sakto lang to! Anong game ang gusto mong unahin natin?
S: Basketball?
N: Game ako dyan! Tara!
*Nakaka enjoy naman pala mag arcades sa Mall. Haha…First time eh! At masaya kasama tong si Nash. Infairness parang walang awkward moment. Ang dami naming nalaro at marami din kaming nacollect na tickets.
N: Tara ipalit natin to sa may counter area.
S: Ipalit ng ano?
N: Tignan natin kung anung equivalent ng tickets natin, sana maganda kasi marami naman tong tickets eh!
S: Sana nga! (Habang binibilang nung girl sa counter ung tickets namin, napansin ko lang na naka akbay pala sakin si Nash…Ooppss! What to do?) Ah! Nash….
N: Oh Bakit? (Sabay tingin sa kamay nya) Ay sorry, sorry!
S: Ha! Bakit ka nagsosorry?
Lady: Ms. 415 lahat ng tickets nyo and ung kapalit nya 2 Cellphone Cases For Iphone5 or 1 Case for IPOD 2. Pili po kayo.