"Ms. Dela Cruz? "untag sa kanya at nagbalik na din sya sa sarili.
"Ah yes ma 'am? "
"Bakit ka nakatunganga dyan? Umupo ka na sa tabi nya. "
What! Katabi ko sya? Ah.....I 'm stupid,sya nga yung nagtaas eh.
Tumabi ako sa kanya, ang bilis ng tibok ng puso ko! Nakakabingi! Hindi ko na nga naririnig ang mga sinasabi ng guro namin. Ano kaya ang nangyayari sa akin? Magpa-checkup kaya ako mamaya para malaman ko. Weird.
. *-*-*-*-*-*
Nag-recess na lang ay hindi pa rin umiimik ang katabi ko, panis na panis na ang laway ko!
"Hi! Ako nga pala si Spade Leshlie T. Dela Cruz,tawagin mo na lang akong Lesh or Leshlie. Kaya ganun ang name ko kasi ang Spade ay sa papa ko galing, mahilig kasi sya maglaro ng baraha, tapos ang Leshlie ay sa pangalan ng mama ko kinuha. Ikaw, anong pangalan mo? Bakit ka lumipat? Saan ka nakatira? Ilang taon ka na?" Gusto ko na kasi itanong yun, di ko napigilan eh.
"Keith Martin S. Gallo. Hindi ko alam sa nanay ko. Dyan lang sa tabi ng gasoline station. 12 magti - 13" sagot sa tanong ko.
Akalain mo yun, nasagot nya tanong ko, sunod sunod pa!
"Kailan?"
"Sa August 17"
"Anong pangalan ng mga magulang mo?"
"Sina Katie at Martin Gallo"
"Anong trabaho nila at nasaan sila ngayon?"
"Businessman ang papa ko at housewife banana with mama. Nasa bahay si mama at nasa iba't ibang lugar ang papa ko."
"Ah....." nakakainis talaga toh, masyadong tahimik, di man lang ako tinatanong ng kahit na ano. "Hindi mo man lang ba ako tatanungin ng kahit ano man lang?" naiiritang tanong ko.
"Hindi ako reporter" tipid na sagot naman nito.
Nakakais sya ha. "Bakit reporter lang ba ang pwedeng magtanong?"
"OK sige. Ilang taon ka na?"
"Ah...."nagiisip pa yata "Anong pangalan ng tatay mo at trabaho nito?"
"Pumanaw na si papa nung tatlong gulang pa lang akin."
"Oh, sorry. Sinong kasama mo? Mama mo?"
"Si MaLo, ang yaya ko mula nung nag - abroad si mama. Ang pangalan nya ay Leila."
"Anong trabaho ng mama mo?"
. *-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Card Names Series: The Talkative Seatmate
RomanceNa love at first sight si Leshlie sa kaklase nyang si Keith, kaso may ibang gusto ito, at kilalang-kilala pa nya! Kaya itinago nya ang nararamdaman nya. Ang hindi nya inaasahan ay natuklasan nito ang sekreto nya. ...