Worries

11 1 0
                                    

Chapter Nine

Leshlie's Pov

Nasa Canada pa rin si Leshlie. Nasa kwarto sya ng hotel ngayon, hinahanda ang sarili para harapin si Keith.

Dumating ang mama nya sa Canada kani-kanina lang, gusto kasi nito na mamasyal, kaso wala daw syang kasama sa Pilipnas.

Hindi pa alam ng mama nya ang tungkol sa nangyari, ngayon pa lang malalaman, nasa sala kasi ito kasama ang papa nya.

Lalabas na sana sya ng kwarto nya ng may biglang tumawag sa cellphone nya.

Si Clover. "Hello?"

"Ate Spade, pwede ba kitang makausap?"

"Okay, paparating na ako dyan, nasaan ka nga pala?" Nagmamadaling tanong ko habang lumalabas na at sinenyasan ko lang ang mga magulang ko.

"Nandito ako sa pinakamalapit na park sa hotel mo, hindi ko kasi alam kung anung pangalan at address nito, at mas maganda rito magusap, medyo wala pang tao."

"Okay, magtatanOng na lang ako." Yun lang at binaba na nito ang telepono.

Pag naga-ate na kasi ito, kahit kay Diamond pa, ay problemdo ito at tatawagan o pupuntahan kung sino ang mas malapit at mas available.

Well, hindi naman ako nagmamadali.

*-*-*-*

Leila's POV

Kararating lang ni Leila sa hotel ng anak nya. Sinundo sya ng asawa nya at nagpacheck-in sya sa malapit na kwarto ng anak nya.

Ang asawa nya kasi ay hindi makapagcheck-in, sino ba naman kasing tatanggap sa pangalang matagal ng pumanaw? Ayaw din nitong gumamit ng ibang pangalan.

Kaya sa opisina na lang ito natutulog, may negosyo din kasi kami dito.

At isa pa, hindi natutulog ang mga bampira. Pero ako, kailangan ko nang kwarto para magrelax at for girls only.

Nung naayos na ang gamit nya at nakapagpunas na sya ay dinalaw nya ang anak nya, gusto ko rin kasing malaman kung kamusta na sila ng boyfriend nyang si Keith.

Nag-uusap sila ngayon ng asawa nya sa sala ng anak nya. Kinuwento sa akin ng asawa nya ang nangyari sa anak nila.

Ang saklap naman!

Kinwento ko rin ang pagtawag ni Keith sa akin.

"Hindi kaya anakala ni Keith na ikaw ang tinutukoy kong boyfriend ni Lesh? Mukha ka kasing bata."

"Siguro nga." Tipid na sagot ng asawa nya.

"Hala! May kasalanan din pala ako. Akala ko kasi ay boyfriend na nya si Keith. Paano na sina Keith at Leshlie nyan?"

"Speaking of the devil, here she comes."

"Okay, paparating na ako dyan, nasaan ka nga pala?" tanong ng anak nya sa kausap nito sa telepono. At sinenyasan kami para magpaalam. Sinenyasan din namin ito, pero mukhang busy talaga ito.

"Hon, sa tingin ko ay hayaan na lang muna natin sila. Plan A muna tayo ngayon, okay?" advise ng asawa nya.

"Okay hon. Lab u! Don't worry, i'm not worrying it right now, just right now."

*-*-*-*

Leshlie's POV

"Clover, bakit mo ako tinawag? Anong problema mo?" nagaalalang tanong ni Leshlie.

"Si-si *humihikbi* si Louie kasi eh, sinabi ko sa kanya ang totoo, sinabi nya sa akin na hindi daw nya matatanggap ang mga or may pamilyang dugong bampira, halimaw daw sila. *humihikba*"

"Talaga?! Sinabi nya sayo na di ka nya matatanggap?!  Nanligaw ka?!"

"Hindi, hindi nya pa alam na ako yun. I mean, sya ang nanligaw, tapos tinanong ko sya kung paano kung may nagkagusto sa kanya na babae, tapos ang mga magulang nya ay bampira, anu gagawin nya? Tapos yun na yung sagot nya. Hu.......hu......hu.....*humihikbi*"

"Iiyak mo lang yan, ilabas mo lahat, baka sakaling kahit papaano ay mabawasan man lang yang sakit, kahit konti lang. Huwag kang magalala, magiging maayos din ang lahat."

Ako nga ang dapat magalala eh. Paano kung hindi rin matatanggap ni Keith ang lahat?

*nag-iimagine* "Keith bampira ang nga magulang ko, matatanggap mo ba sila?"

"Ha?! Ha-halimaw! Halimaw kayo! Wag kayong lumapit sa akin!" at tumatakbong papalayo.

*back to herself*

"Whew! What was that!?" tanging sambit ko.

"Huh?" umiiyak na tanong ni Clover.

"Nevermind. Ipagpatuloy mo lang yan."

ano nang gagawin ko? makikipagkita pa rin ba ako sa kanya?

*-*-*-*-*

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon