Bestfriends

34 1 0
                                    

Heart's POV

'Hi guys! What's up?" tanong ni Heart sa mga kaibigan nya.

"Heart pwede pautang ng P50? Na short ako eh, next week kita bayaran, pwede?" pagmamakaawa effect ni Clover sa kanya.

"Kasya lang ang binaon ko para sa regalo kay Spade" sabi naman ni Diamond.

"Ok, saan ba kayo bibili? Baka pwede sumama? Nag-iisip pa lang kasi ako ng regalo"

"Sure" sabay na sinabi ng dalawa.

"Why not? Coconut?" pahabol pa ni Diamond.

"Ay teka, nasaan nga pala ang asawa ni Spade? Dalhin din natin sya, baka nakalimutan nun na birthday ngayon ni Spade at mamayang gabi ang munting selebration" munting sinabi ko.

Kinonti mo lang yun?

"Oo nga tara? Tawagan ko muna,"  pagyaya ni Clover.

"Hindi ka ba talaga marunong ng po at opo, Diamond?" tanong ko kay Diamond habang tinatawagan ni Clover si Keith.

"Hmmmm....... marunong, pero hindi ka karapat-dapat na i-po at opo, dahil mas matured pa ako kaysa sa'yo noh." asar  sa akin ni Diamond.

"Anong sabi mo?! Mali ka, mas matured pa ako kaysa sa'yo, dahil ako ice cream lang ang iniiyakan at nagpapatahan sa akin! Hindi katulad mo lollipop lang ang nagpapatahan sa'yo. It means, sa'yo piso, sa akin lampas pa ng limang piso!" bawi ko.

"Hindi kasi ako mahirap patahanin, dahil ayokong gumastos ng malaki, nag-iipon kasi ako para sa future ko. Eh ikaw mas iniisip mo pang gumastos, e di ba mas matured pag nag iisip ka sa kalagayan ng future mo, hindi ang ngayon? O ano ka ngayon?!" banat pa!

Hindi ko na kaya, napapaiyak na talaga ako, lagi na lang kasi sya ang nang aasar imbes na sya ang asarin dahil mas bata ito.

"Pagkain lang naman ang ginagastusan ko ha..........."

Tuluyan na talaga akong umiyak.

"Isusumbong kita kay Guyabano! Mas matured ako sa'yo!" pahabol ko.

Magsasalita pa sana si Diamond para banatan ako.

Pero naunahan na ito ni Clover.

"Magsitigil nga kayong dalawa! Ikaw Diamond, walamg matured ang nangaasar sa iba! para kang si Louie............"

Yehey! Kinampihan ako ni Clover! O ano ka ngayon? anang sa isip ko

"At ikaw din Heart, walang matured ang umiiyak dahil lang sa naaasar!......." patuloy nito.

Ay hindi pala, kainin ang sinabi ko! Buti na lang di ko yun sinabi at sa isip lang. Pahiya konti. Naguusap ang isip ko sa isip ko.

"Kaya ni isa sa inyo walang matured! Kahit ako hindi pa matured, dahil lagi kong inaaway ang kuya ko. And Heart, Donovano ang pangalan ng kuya ko, hindi Guyabano!" patuloy nito, hinihingal pa.

Yan kasi!  At napansin ko lang ha, mas madami yata yung akin? Unfair naman. Nagsasalita na naman yung isip ko.

"Tara na alis na tayo, meron na daw regalo si Keith, at binabilutan nya na ito ngayon. Si Keith ang matured, kahit ulyanin yan, pagdating naman sa importanteng bagay hindi nyan nakakalimutan." pahabol pa ni Clover.

"Pagdating kamo kay Spade. In-love-vavoy yun eh." tumawa pa ako.

Ops, nasabi ko na.

"Ikaw ha, pinabasa ka lang ni Ate Spade ng collection pocketbooks nya, may natutuklasan ka na din sa kamunduhan." sabi ni Diamond.

Nagtawanan kaming lahat.

Dahil sa sinabi ni Diamond, nag kasundo kami ni Diamond.

*-*-*-*

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon