Keith's Parents Love Story

27 1 0
                                    

"Nakauwi na rin ako sa wakas."

Pagkatapos mag bihis ay humiga ito sa kama nya.

Blush na blush kasi kayong dalawa..........

Hanggang ngayon di nya makalimutan ang salitang yun ni Heart. Hindi naman ako manhid para di maintindihan yun, hanggang ngayon ay nagtataka nga ako dahil sa dinami-sami ng pwedeng maalala ng utak nya, yun pang litanyang yun?

Except sa mga nicknames nila, madali lang matandaan eh.

Hindi kaya naiin-love sya kay Leshlie?

What!? No way!

Kanina ko pa lang sya nakilala noh! No way talaga.

May kumatok bigla sa pinto.

"Nak? Lumabas ka na dyan, handa na ang hapunan anak" tawag na sya ng kanyang ina.

"Opo"

*-*-*-*-*

Habang kumakain ay naisipan nyang magtanong sa ina tungkol sa ama.

"Ma, paano nyo po nalaman na mahal nyo po sa papa? Kailan din po?"

"Mmmmm..........sabihin na natin na na-love at first sight ako, alam mo kasi dati, nung seryoso pa palagi ang papa mo nung college kami, crush ko pa lang sya, mahirap pa kasi ang panahon noon, kaya wala syang time makipagkaibigan at laging seryoso sa pag-aaral, tapos gusto ko syang mag-enjoy,laya dinala ko sya sa perya, gusto kong iparating sa kanya na hindi porque gwapo sya kailangang seryoso, mag-enjoy-enjoy din pag may time....................."

"Fortunately, nagustuhan naman nya ang perya, kaya di nya namalayan na tumatawa at ngumingiti na pala sya na parang bata, eh nakita ko ang ngiti at tawa nya, ayun nain-love na pala ako ng di ko namalayan, kaya lagi kong sinasabi sa kanya na..................." patuloy nito.

*-*-*-*

INFO

NAME: Keith Martin Santiago Gallo

BIRTHDAY: August 17

LIKE: Reading Books

DISLIKE: Annoying (like Leshlie)

*-*-*-*

"................'crush lang kita nung nakita kitang seryoso, kaso ngumiti ka kaya ang sabi ko, hala! patay inlove na'ko! hahahaha!"biglang pagtawa ni mama.

"Ma, hindi po yun love at first sight, crush at first sight pwede." pagpaliwanag ni Keith sa ina.

"Ay, ganun ba? Ah basta! Love ko papa mo kaya walang basagan ng trip ha?" pagmamagtol ni mama.

Nagtawanan na lang kami.

"Ok po, kain na nga lang tayo, sige ka hindi mo maaabutan ang paborito mong palabas."

"Ay! Oo nga pala, ikaw kasi eh."

Ganyan kami mag usap ni mama, parang magkapatid lang noh!

*-*-*-*

Habang naghuhugas ako ng plato, at nanonood na si mama ay biglang tumunog ang telepono nila, kinuha ko yun, busy nanay ko eh.

"Gallo residence, who is this?"

"Hello Insan! Si Dingdong Dantes toh!" sabi ng pinsan nyang si Karl.

"Asa ka pa maging si  Dingdong! anong kailangan mo?"

"Nabalitaan ko ngayon kung nasaan ka, at san ka nag-aaral, may pabor  sana ako sa'yo Insan, pwede?"

Ang cute talaga ng boses nito pag may kailangan.

"Depende, ani ba yun?"

*-*-*-*-*

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon