one week later

13 2 0
                                    

Isang linggo na sila dito sa underground.

Wala silang ibang ginawa kundi maglaro, kumain, matulog, manood ng tv, at mag check ng mga emails.

Kinakamusta din ni Keith ang mga magulang nya gamit ang telepono, kinumpiscate kasi ang mga cellphone nila dahil baka ma- trace.

Ngayon manghihiram sya ng nag- iisang telepono nila, papunta na sya sa Computer  Room, doon kasi nilagay yun para hindi daw ma-trace.

Pagpasok nya ay si Louie lang ang nandun at nagche- check ng mga emails. Masyadong busy.

Pinindot na nya ang numero ng kanilang bahay, nangako kasi sya na tatawag sya.

kring kring ....... kring kring ........ kring kring ......

"Gallo residence, who is this?" tanong ng kanyang ina sa kabilang linya.

"Ma, si Keith po ito, kamusta na po kayo?"

"Ayos lang po anak. Nandito sa bahay si Katrina kasama ang kanyang bagong panganak na sanggol, ang cute! Parang ikaw nung bata ka pa!"

" Nay naman, nakalabas na pala sila, sinundo ba ni 'Dingdong Dantes' ang kanyang asawa na si 'Marian Rivera'?" pang- asar lang.

"Ahm, oo, pero umalis din ito kaagad dahil may meeting pa ito............ Nak, kung hindi ka pa naman mag- aasawa, kunin mo muna yung negosyo mo, kawawa naman yung pinsan mo, di' nya makasama yung mag- iina nya dahil sa trabaho." pabatang reklamo pa nito.

"E di' ipa bakasyon ko muna ng isang linggo, tapos yung mga tao ko muna ang ipapameeting ko sa iba, may internet naman dito eh, wala rin akong masyadong ginagawa."

"Talaga?! Ayos lang sa'yo yun?" pag-aalal kuno  ng kanyang ina.

"Asus, pakipot ka pa ma, ayos lang naman sa akin, basta isang linggo lang ha?"

"0o naman nak. Lab u!" biglang binaba na ng kanyang ina ang telepono.

Pakipot pa eh!

*-*-*-*

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon