Jealousy

16 1 1
                                    

Chapter Eight

Leshlie's PoV

Dalawang araw nang gising si Lesh, at mamaya na ang labas nya sa hospital.

0kay na rin kasi ang pakiramdam nya. Hinahanda ngayon ng mga magulang nya ang mga gamit nya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala na buhay ang kanyang ama, kaso mukha pa rin syang bata, parang magkasingg- edad lang sila ni Keith.

At ngayon, ang kanyang ina ay nag-mukhang bata na rin. Mas lalong gumanda ang kanyang ina.

Nung mga panahong tulog sya at hindi makadilat ay naririnig nya ang boses ni Keith na kinakausap sya, mas lalo ang mga katagang.......

"......mahal kita......i'll be back.......i love you" at marami pang iba.

Pero ang araw- araw nitong sinasabi ay Mahal kita. 

Kaya pinakiusapan nya ang mga magulang nya na huwag munang sabihin kay Keith na gising na sya.

Gusto kasi nyang sorpresahin ito.

 "Nak, ayus na ang mga gamit mo, handa ka na bang bumalik sa Russia?" tanong ng kanyang ama.

Lumipat kasi sila sa Russia nung hinahabol pa sila ni Joker.

"Pa, dito muna tayo manirahan sa pilipinas, na- miss ko na kasi ang dati nating bahay, tutal marami naman tayong negosyo dito. At isa pa hindi na tayo guguluhin ni Joker."

"Pero anak, buhay pa ang kapatid nya, nanganganib ka pa rin." alalang- alalang tugon ng kanyang ama.

"Alam ko naman yun Pa, pero ayoko naman na laging nagtatago, isa pa matagal pa magising yun, alam naman natin ang petsa ng paggising nya di ba? At lagi tayong handa. Gusto ko naman maging malaya, kahit sandali lang. Please Pa?" Pagpapacute kong pakiusap sa papa ko.

"Matitiis ba naman kita?"

Hehehe! Ang galing ko talaga!

"Nak, paano kung magkaanak pa kami ng Papa mo? Bata pa naman ako eh." Tanong ng kanyang ina habang naglalakad na sa hallway ng hospital.

"Nababaliw ka na ba Ma? Ayus lang na magkaroon ng kapatid. Ang problema magiging bampira din yun, kapag naging masama, kakain ng kakain ng tao yun. Lagot tayo, baka hindi makinig sa'tin yun" bulong ko kay Mama.

"0o nga noh. Sige maglalagay na lang kami ng ama mo ng panlaban."

"Anong panlaban? Hindi kita maintindihan ma, lalaban na ba tayo agad? Hindi naman natin alam kung nasaan ang lungga ng kapatid ni Joker ah."

"Engot! Nagbabasa ka ng pocket book, daig ka pa ni Heart."

"Huh?"

"Ah ewan! Mababaliw ako sa iyo!"

Sa sobrang inis naunahan na sya nitong maglakad, pero pigil pa ang lakad dahil nasa maraming tao sila.

Hindi ko talaga sya naintindihan. Siguro kailangan ko ulit magbasa ng pocket book para malaman ko. Paki explain lab u.

Nasa sasakyan na sila, papunta na sila sa dating bahay nila, medyo malayo sa manila, mga ilang oras kung walang traffic.

"Pa, pwede nyo po ba akong kuhanan ng ticket papuntang Canada? Gusto ko na po kasing makita si Keith." Tuwang- tuwang sambit ko.

"Hon, pakibigay nga yung ticket please." Sabi ng kanyang ama sa ina.

"K po,...." may binigay sa'kin na isang envelope si mama, "........ ticket yan papuntang Canada, naihanda na iyan ng Papa mo kahapon, sasabihin nya sana sa'yo ngayon, kaso naunahan mo kami, excited ka naman masyado."

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon