Chapter Four: Memory

27 1 0
                                    

Chapter Four

Keith's POV

Isang linggo na ang nakaran mula nung nakabalik si Leshlie galing sa probinsya. Nagbago na si Leshlie, pati rin kamo ako.

Naging tahimik sya at naging madaldal naman ako! Parang nagkabaliktad yata ang mundo?

Ang masaklap, bigla- bigla  ko na lang nasasabi kay Leshlie na 'miss kita' at lagi na din ako nag-aalala sa kanya.

Ewan ko ba , dati nakukuryente at kinakabahan lang ako, ngayon naging sweet na ako at mabilis na rin ako maka-alala.

Ganito siguro ang nangyayari kapag gusto mong magpasalamat sa taong tumulong para magkaroon ka na ng kaibigan noh?

Mayamaya ay bigla na lang akong hinablot ng kung sino at pinaupo sa sofa.

Sino bang epal na yun?

Nilingon nya yun at nagulat.

"M-ma?" Nandito pala si mama? Akalain mo yun.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, ni hindi mo man lang napansin na dumaan na ako sa harap mo, nanood na lang ako, tumalon- talon na lang ako, kumanta na nga ako eh, di mo pa rin ako nakikita. Nagkaasawa ka lang ganyan ka na." patampong sabi nito.

"Ma, hindi ko po sya asawa, magkaibigan lang po kami ni Leshlie."

"Denial! at saka wala naman akong sinabing pangalan ah. Napaghahalataan ka tuloy. Manood na lang tayo ng concert ni Leila Tolentino..... Wala ka pa ring kupas!...." nakakabingi"Go Leila, go Leila, go Leila........." 

'Go Leila' paulit- ulit na sambit ng nanay ko.

Leila, leila, leila parang pamilyar sa'kin yon ah. At bigla na lang ang mga alaala ay pumasok sa isip nya......

"Pangalan na nanay ko ay Leila"..... "Anong trabaho ng nanay mo?" "Anong ulam mo mamayang lunch?" "Di mo pa sinasagot ang tanong ko."...... "Napansin ko din na aniiwasan mo ang tanong ko." Pati na rin ang pasimple nyang ngiti!

"Ma, may anak po ba si Leila Tolentino?" Tanong nya sa nanay nya.

"Mmmm......... Alam ko lang na nakapag- asawa sya, pero wala akong nabalitaan sa anak nya, nabalitaan ko nga noon na namatay sa isang aksidente ang asawa nito, mga nine years na nga ang nakalipas eh. Balit anak, idol mo na rin sya nang marinig nio ang boses nya?" nakangiting saad nito.

Wala naman akong narinig  kundi sigaw nyo. Sagot ng isip nya.

"Hindi naman po sa ganub, curiod lang ako sa iniidolo mong artista ma." sagot na lamang nya.

Sinungaling!

"Hindi sya basta artista lang noh! Isa syang Hollywood actress, singer, dancer, composer at lahat- lahat na! Kaya ganun pa rin sya ka- sikat hanggang ngayon noh! Hindi na nga sya ang number one pero sikat pa rin sya ngayon , dahil sa mala- anghel nitong tinig, kagaling umarte, mas lalo na kapag kontrabida ito, at lahat na nga! Kung nagkaanak man sya, hahanapin ko yum at ipapakasal sa'yo hung sakaling babae! Aaaa! Kaloka! Pero wala syang anak eh." paghangang sinabi nito.

"Thanks ma, and goodnight."

"Tutulog ka na agad?"

"Maaga pa po ako bukas ma eh. :)"

"Goodnight din. Aaa! Leila!...."

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi nito at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

 Nang makapasok ako, nagbilang kaagad ako.

"Twelve minus nine equals...... Three?"

"Pumanaw ang ama ko nung three years old pa lang ako." Bigla na naman nyang naalala.

Sya nga, sya nga ang nanay ni Leshlie! Sigaw ng isip nya at baka mamaya marinig pa sya ng mama nya.

Spade Leshlie T. Dela Cruz naalala nya ulit.

T..........T. ...........T...... T means Tolentino!

Pero bakit di sinabi ng mama nya na may anak pala ito?

*-*-*-*

Leshlie's POV

Sabi ng nanay ko ay uuwi daw dya, three days ago pa nya yun sinabi, pero kailan kaya?

Nae- excite ako sa pagdating ni mama, kahit pa sya ang pinakaayaw ko sa buong mundo, mahal ko pa rin dya, at di ko kayang suwayin sya.

Biglang tumunog ang cellphone ko, akala ko si mama si Keith lang pala na iniiwasan ko.

"Hello? Bakit?"

"Magkita tayo ngayon, pupuntahan kita sa bahay ninyo, pumayag naman si mama pati na rin si MaLo. Ayus lang ba?"  nakiki- MaLo pa ang kumag.

"Bakit pa, magkikita din naman tayo bukas ah?"

"May importante lang akong itatanong."

"Ok"

Ano kaya yun?

Mayamaya pa ay dumating na ito, at nag- usap kami sa mismong kwarto ko, hindi ki ni- lock para di magkaroon ng malisya si Ate Katrina.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Anong meaning ng T. mo?"

"Yung middle name ba?"

"Oo,"

"Ahm... Tolentino, bakit?" bakit kaya?

"Anong trabaho ng mama mo?" deretsahang tanong nito.

Nagulat ako sa sinabi nya, hindi kaya may nalalaman na sya?

"Yan lang ba ang itatanong mo? Hindi naman yan ganun ka importante ah. Pwede naman sa cellphone na lang mag-usap, bakit personal pa?" pag-iwas ko.

"Ang haba naman ng sagot mo. Sompleng tanong lang naman yan, iniiwasan mo po. Isa bang Hollywood actress ang mama mo? Siya ba si Leila Tolentino? Bakit di mo man lang sinabi sa'kin? E di sana---"

Ang dami mo namang tanong, pwede dahan -dahan? Mahina ang kalaban eh.

Hindi naituloy ni Keith ang sasabihin dahil biglang may pumasok sa kwarto.

"Edi sana ano? Umalis ka na hijo, kung sino ka man, mapapahamak lang ang anak ko dahil sa'yo! Alis na, alis na!" Si mama!

"Ma, ako nang bahala, kalma lang. Keith, pasensya na, pwede bang umalis ka mina, bikas na lang tayo mag- usap? Ma, wag mo na syang awayin, mag- uusap na lang tayo. Ingat ka Keith."

"Salamat. Ingat ka din."

Mayamaya pumunta kami sa sofa, nakaalis na si Keith, at umakyat na sina MaLo at ate Kat para makapag- usap kami ni mama.

"Anak, napagdesisyonan na namin ng mga auntie mo (mga mama nina Heart, Clover, at Diamond), na aalis na tayong lahat sa bansang ito...." pasimula ng mama nya.

"What!?" bulalas ko.

".... tumahimik ka muna at makinig!..."

Tumahimik ako at nakinig dahil nakakatakot talaga si mama kapag galit.

"Maghihiwalay muna kayong magkakaibigan dahil, *long breath* nakaratingna to." patuloy nito.

May binigay syang papel sa'kin at ang nakasulat ay........

'Natagpuan ko na rin ang mga anak nila, hindi ko akalain na nagkaroon pala ng anak ang mga yun, at magkakasama pa talaga sila, one bird with two stone ika mo'. Queens, yan po ang narinig ko sa kanila, tumakas na po kayo, wag nyo na pong ipagsama ang apat, at wag na din kayong babalik sa mga bansang lagi nyong pinupuntahan, ang nga anak nyo na po ang susunod.  Secret eye.

"Ma, ano to, joke?"

"Hindi. Hindi ba kayo nagtataka na sunod- sunod ang pagkamatay ng mga ama ninyo?"

"Minsan po."

"Kasi hindi aksidente ang pagkamatay nila."

*-*-*-*

Card Names Series: The Talkative SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon