Isang linggo at dalawang araw na ang nakalipas,umabsent si Leshlie dahil ayaw nito na may makahalata na umiiyak sya.
Sinabi lang nya na nagpunta ito sa probinsya para sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama.
Totoo din naman yun. Pero hindi lang yun ang ginawa nya. Nag-aral ito na pigilin ang damdamin nito. At nagawa din nya sa sandaling yun.
Nag-karate din at nag-judo.
Actually, silang apat na magkakaibigan ay sapilitang pina-aral ng taekwondo, judo, kung fu, at marami pang iba, ng mga ina nila.
Sina Leshlie, Heart, at Clover ay mga professionals na.
Si Diamond na lang ang hindi pa, dahil ayaw talaga ng huli na manakit ng ibang tao, kaya napatagalanang pagtuturo.
Ewan ba nila sa mga nanay namin, kung bakit sa lahat ng pwedeng pag-aralan, yun pa?
Ang tanging sagot lang nila ay 'for self defense nak. Balang araw sasabihin din namin yun'
Eh kailan pa yang self defense na yan?!
Nagpa-late talaga si Leshlie, para di daw tanungin ni Keith. Naka shades si Leshlie hanggang sa pinto ng classroom nila, at sabay sabi ng mga kaklase nya "Cool!"
Malas ko naman walang titser ngayon. Umupo na ako sa tabi nya.
"Nabalitaan ko kung sa'n ka nagpunta, sana pinaalam mo man lang sa'kin." bulong ni Keith dahil sobrang ingay ng mga kaklase nila.
"Bakit naman ako magpapaalam sa'yo?"
"Ewan ko. Basta alam ko na-miss kita."
Nag-blush si Leshlie dahil sa sinabi ni Keith, pero alam naman nito na kaibigang miss lang yun.
Bakit ba?! Masama bang mangarap?! Anang ng puso nya.
Hindi ka pwedeng mangarap ng ganyan, alam mo yan. Sabi naman ng isip nya.
May dumating na epal----este Principal. Siya muna daw ang magtuturo sa amin.
Pero hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin ang puso't isip nya, pinilit na lang nito na huwag pansinin ang mga sinisabi ng puso at isip, at ibinuhos na lang atensyon sa sinasabi ni Princess Epal----este Principal.
Ngayon naiintindihan na nya ang mga matatanda, hindi lang pala trabaho, pamilya at kaibigan ang problema nila, pati na rin pala ang pag-ibig.
At nararamdaman na nya ang pakiramdam ng nanay nya nung pumanaw ang ama, walang pinagkaiba dahil kahit buhay si Keith, alam ko namang di na kami magsasama na bilang nagmamahalan. Ang sakit!
*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Card Names Series: The Talkative Seatmate
RomanceNa love at first sight si Leshlie sa kaklase nyang si Keith, kaso may ibang gusto ito, at kilalang-kilala pa nya! Kaya itinago nya ang nararamdaman nya. Ang hindi nya inaasahan ay natuklasan nito ang sekreto nya. ...