CHAPTER THREE
Munting salo-salo lamang ang gusto ni Leshlie, dahil kaunti lamang ang maga kaibigang inimbita nya, sona Heart, Clover, Diamond at ang pamangkin ni MaLo na si Ate Katrina.
Mabait na bata si Ate Katrina, magkababata kami, hanggang sa kinuha ito mismo ng mga magulang nya dati, pero ngayon ka-schoolmate ko na sya, mas matanda kasi ito ng dalawang taon.
May kailangang asikasuhin ang mga magulang nito kaya kasama nya ito sa bahay, pinabilin kasi ito kay MaLo. Ayos lang din para may kasama na kami ni MaLo.
Oras na para sa birthday cake ko!
Kumanta sila ng Happy Birthday song para sa akin, tapos hinipan ko na ang kandila.
"Yehey! Kakain na rin ako ng birthday cake!" sabi ni Heart na takam na takam na.
"Mukha ka talagang pagkain! Hahaha!" sabi naman ni Kuya Donovano, ang kapatid ni Clover.
Sumama daw ito kasi umiyak daw kanina si Heart, inasar na naman siguro yun no Diamond.
Parang Kuya na rin namin si Kuya Donavano, dahil sya lang ang nag iisang lalaki sa pamilya ni Clover mula nung pumanaw ang mga ama namin, tapos iisang anak lang kaming tatlo.
Pero mas alaga ni Kuya Donovano si Heart, dahil daw si Heart ang pinakabatang mag isip. Hehehe. Totoo naman talaga.
Natapos na ang kasiyahan, pinagbubukas ko na ang mga regalo.
Regalo nina MaLo at Ate Katrina ay ang paghahanda at pagluluto ng pagkain, masarap magluto si Ate Katrina, manang mana kay MaLo.
Regalo naman ni Heart ay isang malaking Leche Plan. Si Heart talaga mahilig sa pagkain, idamay ba naman ako.
Kay Diamond naman ay maraming stickers, may anime, cartoons at iba pa. Mas lalong bata magbigay toh.
Si Clover naman ay pinoy pocketbooks na bago. Ang tagal ko na palang hindi nagbabasa nito, tuwing summer lang kasi at bakasyon ako pwede magbasa nito.
Si Kuya Donovano naman ay Chocolate. Napakadami.
"Alam na alam nyo talaga ang gusto ko ha!" tanging nasabi ko.
At siyempre, ang pinakahinintay kung buksan ay ang kay Keith, at isang handmae cap, na ginawa ng ina nito para sa akin. Nalungkot ako dahil hindi ito sa kanya nagmula.
Akala ko may regalo ka.:(
"Ahm...Lesh....gusto ko sana na handmade ang regalo ko sa'yo, kaya sabi ni mama, sya na daw ang gagawa ng handmade cap foryou, at ako na lang ang magbalot para isang regalo talaga, sinubukan ko kasi maggantsilyo, kaso hindi ko kinaya, kaya ito na lang............." pahabol ni Keith.
May binigay ito sa kanya na maliit na kahon.
"Pinagipunan ko yan at........ako a-ang n-nagbalot nyan."
*-*-*-*
INFO
NAME: Spade Leshlie T. Dela Cruz
BIRTHDAY: June 12
FAVORITE FOOD: Adobo
F. FRUITS: Guimaras Mango, indian mango, orange
F. VEGETABLES: Spinach
LIKE: Chocolates, pinoypocketbooks, collect stickers and Keith
DISLIKE: Her mother
*-*-*-*
Pagbukas nya ay isang cute na singsing.
"Wow! Engagement ring!" pabulas ni Heart.
"Engot! Hindi yan engagement ring, kundi wedding ring!" sabi naman ngayon ni Diamond.
Ang epal talaga nila, ang ganda na nga ng moment namin eh!
"H-hindi yan ganun, ahm..... b-birthday ring lang yan." pautal utal na sabi ni Keith.
Mas maganda siguro yung sinabi ni Diamond.
"Aba, ni-lang mo lang yan ah, parang may balak kang bigyan sya ng totoong engegement ring ah." sambit naman ni Clover.
"Magsitigil na nga kayo pwede?" awat ko.
Ba't ka namumula kanina pa?" paasar sa kanya ni Clover.
"H-hindi noh! Imagination nyo lang yan!"
"Weh?!" sabay na tanong ng tatlong sina Heart, Clover, at Diamond.
*-*-*-*
BINABASA MO ANG
Card Names Series: The Talkative Seatmate
RomanceNa love at first sight si Leshlie sa kaklase nyang si Keith, kaso may ibang gusto ito, at kilalang-kilala pa nya! Kaya itinago nya ang nararamdaman nya. Ang hindi nya inaasahan ay natuklasan nito ang sekreto nya. ...