Maybe (1)

171 9 3
                                    

Shaira’s POV

“Uy Ai, drooling nanaman ang peg mo dyan!” sita sa akin ni Denise, pinsan/bestfriend ko.

Saglit akong tumingin at ngumiti sa kanya, matapos noon ay ibinalik ko na ang tingin ko sa tinititigan ko kanina pa.

Hanggang sulyap na lang ba ako sa’yo? Kelan mo kaya ako mapapansin? Kahit mapatingin ka lang dito, ayos na. Solb na solb na ako, Gino.

“Haay, as if naman na makikinig ka sa akin.” Sanay na sa akin yang si Den. Sa araw-araw ba naman ganito na lang palagi ang routine ko no! Wala na siyang choice kung hindi ang pagtiisan ako.

“Ang gwapo niya no, Den?” tanong ko sa kanya pero nakatuon pa rin ang tingin ko kay Gino pero nariinig ko syang nag-‘tss’ pero syempre! Ipinagsawalang bahala ko na yun!

Sa mga araw na lumilipas, lalo kang guma-gwapo sa paningin ko, bebeloves. Aaackk! Kelan kaya kita matatawag na bebeloves?! Hihi!

Napahagikgik ako sa iniisip ko. Pati isip ko, ayaw magpa-awat.

“Huy Ai, para kang timang, mahiya ka nga! Daming tao oh!”

Nandito kasi kami ngayon sa court sa may quadrangle. May basketball game ang bawat department ng school. Part si Gino ng BS-HRM Dept. Ako? BS-IS(Information System).

Feeling ko nga nagtataksil ako sa department ko kasi sa t’wing makaka-shoot ng bola si Gino todo tili ako! Pero kay Gino lang naman. Kay Gino lang talaga. Promise, maniwala kayo, sa kanya lang talaga. Totoo, promise.

“AY SHET NAMAN! BAKIT MO PINASA AGAAAAD!” sabi nung babaeng nasa tabi ni Den. Same dept. lang kami. Pero iba talaga ang sinisigaw ng puso ko!

“GO GINO! GO GINO! GO! GO! GO! GINO GO! GO AAAYYYY!” dahil nga sa nakuha ng babaeng katabi ni Den yung focus ko, hindi ko na nakaligtaan ko saglit yung laro pero nung narinig ko yung name ni bebeloves, binalik ko na yung atensyon ko sa court. Pero pagkaharap ko,

*BOOOGSH*

“Araay!” napapikit ako dahil sa sakit ng pagkakatama ng bola sa noo ko.

Ay shet na malagket! Gawin bang ring ang noo ko?!

Nakapikit parin ako habang hinihimas yung noo ko.

“Miss, sorry! Okay ka lang ba?”

Okay? You’re asking me if I’m okay?! O-K-A-Y?! EH KUNG SAYO KO KAYA IBATO YANG PAGKATIGAS-TIGAS NA BOLA NA YAN AT ITANONG KO SAYO PAGKATAPOS KUNG OKAY KA LANG? MASAGOT MO KAYA AKO NG OO?!

I was about to scream at that person pero ng idinilat ko ang mga mata ko, all the retort I had suddenly disappeared.

Shet ulit. Mukhang kailangan kong pasalamatan yung bola dahil sa ang noo ko ang napili niyang tamaan. Bola, kung nasaan ka man, salamat!

Nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Bakit kahit pawis na pawis na siya, ang bango niya pa rin. Yung ibang naglalaro kasi, maarawan lang amoy luga na. Pero siya, ang bango pa rin talaga. Tapos mas gwapo pa sya sa malapitan. Tapos kahit hinihingal siya dahil sa laro, ang hot tignan para sa akin.

“Miss?” tawag niya ulit sa pansin ko kaya dahan dahan akong tumango tango.

Saglit siyang nagulat sa ginawa ko pero ngumiti siya ng maluwag. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at tinanggal yung kamay ko na sapo-sapo yung noo ko.

Dinampian niya ng halik yung parte ng noo no natamaan ng bola. Sa kabila ng pagdagundong ng tibok ng puso ko sa ginawa niya, nandun din ang panghihinayang.

Sana pala kasi, sa lips ko na lang tumama yung bola, para dinampian niya rin ng halik ang aking mga labi!

Narinig ko na napatili ang crowd sa ginawa ni Gino.

Sus, if I know yung ibang babae dyan hinihiling na sila na lang yung nasa pwesto ko. Hahaha!

Nang hiniwalay na ni Gino ang mukha niya sa akin ay tulala pa ako pero nginitian pa rin niya ako tapos dinampot na niya yung bola at bumalik na sa court at nag-start na ulit ang laro.

Pero eto ako, hindi pa rin makaget-over sa nangyari.

Kanina, yung taong tinititigan ko, hindi lang ako nilapitan, nginitian pa. At higit sa lahat, hinalikan niya ako sa noo! KILIIIIG! What more pa kaya kung sa lips?!

“DEN! Nakita mo ba yun?!” hinarap ko si Denise na malalim ang iniisip.

“Den? Huy!” ilang ulit ko pang pinukaw ang atensyon niya bago niya ako tuluyang napansin.

“H-ha? Ano?”

Pinalo-palo ko ang braso niya. “Sabi ko nakita mo ba yun?! Grabee! Hindi ako makapaniwala na nangyari yun Den! Magpapa-party ako sa bahay mamaya! Punta ka ha? Ayy, dun ka na din matulog! Libre pagkain!” sa sobrang kilig at kung anu-ano pang ek-ek na nararamdaman ko, kung anu-ano na ang nasabi ko kay Denise.

-----------------------------

★L ^_______^v ♥

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon