Gino’s POV
Naglalakad-lakad ako sa park, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero patuloy pa rin ako sa paglakad. Napahinto lang ako ng makita ko ang isang nakatalikod na babae. Pamilyar siya.
“Sha?” tawag ko sa kanya. Unti-unting lumingon ang babae sa akin at nakita ko siya.
“Sha!” ang saya ko na nakita ko siya ngayon kaya naman tumakbo ako malapit sa kanya. Pero huminto ako sa pagtakbo ng makita ko ang mukha niya. Umiiyak siya. Punong-puno ng luha ang mga mata niya. Bakas ang lungkot sa mukha niya, lalo na sa mga mata niya.
Tinanggal na niya ang tingin niya sa akin at tumakbo siya palayo. Tinawag ko siya ng tinawag pero hindi na siya lumingon pa.
“SHAAAA!”
Bumalikwas ako ng bangon. Hinihingal ako at pinagpawisan ako dahil sa panaginip na iyon.
That’s one hell of a dream.
Bumangon na ako para maligo. Hinanap ko yung twalya ko pero wala iyon dito. At unti-unti kong napansin na hindi ito ang kwarto ko.
Bakit ako nandito?
Umupo ako sa kama at naramdaman ko sa pang-upo ko ang sapin ng kama.
Wala akong kahit anong saplot sa katawan.
Dahil doon ay nagsimula na akong kabahan. Naalala ko ang nangyari kagabi. Yung init, yung babae, yung nangyari. May naalala pa ako.
Tinignan ko ang kama at tinanggal ang kumot na nakalatag doon. Pagka-alis ko non at nakita ko ang patunay na tama nga ang naalala ko.
“Shit,”
Ako ang naka-una sa babaeng iyon.
Shaira’s POV
Nandito ako ngayon sa sala ng bahay nila Den. Natutulog na kasi siya ngayon at ayaw ko siyang magising. Nanonood kasi ko ngayon ng “Coming Soon”. Yung horror movie, yung si Shomba. Oh diba, ang lakas ng loob kong manood mag-isa. Dapat nga doon ako sa kwarto ni Den manunood kaso maingay ako kaya dito na lang sa sala.
“Waah! Mamaaa!” kinagat ko ang throw pillow na kanina ko pa pinagbubuntunan ng takot.
“Aaaahh! Dadeeeee!” grabe! Nakakatakot pala talaga ‘to! Kailangan ko ng kayakap! Kailangan ko si Gino my bebeloves!
Pi-nause ko muna yung movie tapos di-nial ko ang number ni Gino.
Hindi niya sinagot. Hmm, isa pa nga.
Di-nial ko ulit ang number niya. After 4 rings, sinagot na niya iyon.
“Hi Gin!” masayang bati ko sa kanya.
“H-hi Sha!” bakit parang gulat siya? Hindi ko na lang pinansin iyon.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Iniisip ka.” Kahit na sa phone lang kami nag-uusap, ramdam ko ang sincerity sa sinabi niyang iyon. Bumubilis na naman ang tibok ng puso ko.
Tae naman bebeloves! Grabe ka kung mapakilig! :”””””””> Paano pa kaya ‘pag sinagot na kita? Hihihi <3
“Bola!” sabi ko.
Narinig ko naman ang pagtawa niya. “Totoo naman ah,”
Nakoo, pasalamat ka bebeloves malayo ka sa akin. Dahil kung hindi baka nasagot na kita ng di oras!
Saglit pa kaming nag-kwentuhan ni Gin bago naming napagkasunduan na i-end ang tawag pero bago ko i-end ang call...
“Sha,”
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~