Maybe (4)

105 6 0
                                    

Shaira’s POV

Patuloy pa rin ang panliligaw sa akin ni Gin kahit na sinabi ko sa kanya na hindi ko siya masasagot agad kasi tutuparin ko pa yung promise ko sa parents ko. Natutuwa nga ako kasi wala akong nakitang sign ng pagtutol o kung anuman sa mukha niya nung sinabi ko yun.

“Okay lang yun no. Pag-igihan mo lang ang paga-aral mo at pagi-igihan ko naman yung panliligaw ko sa’yo.” Yan yung sinabi niya sa akin nung sinabi ko sa kanya iyon. So kileeerg :”>

Sa mga araw na lumipas, napalapit na rin ako sa mga kaibigan ni Gin. Baliw kasi yun eh! Nung minsan kasi na niyaya niya akong manuod ng practice game nila—syempre kasama ko si Den—parang loko-loko, titngin muna sa akin bago i-shoot ang bola! Yun tuloy kinakantyawan kami dun sa court sa buong duration ng practice nila.

Isa sa mga naging close ko sa kaibigan ni Gin ay si Charles. Tita niya ang may-ari ng school. Rich kid! Hahaha! Kahit maloko siya, sobrang bait niya. Sinasabihan niya ako ng mga facts tungkol kay Gin na hindi naman nasasabi ni Gin sa akin, gaya ng kung naka-ilang girlfriends na siya, mga ganung bagay.

//

Denise’s POV

I must be crazy.

Alam ko na ngang nasasaktan ako pero patuloy parin ang pagsama ko kay Ai kahit na alam kong kung nasaan siya nandun din si Gino.

Bestfriend ko si Ai at kailangan ko siyang suportahan, pero... Hindi ko kaya, hindi ko magawa. Pinipilit ko talaga pero wala eh. Gusto ko na maging masaya para kay Ai kasi mahal na mahal ko yang babae na yan pero bakit hindi ko magawa?

Bakit ba kasi kailangan na iisang lalaki pa ang mahalin namin?

 

Bakit si Gino pa?

Ang tagal kong tinago yung nararamdaman ko para kay Gino kasi hindi ko naman inakala na hahantung sa ganito eh. Hindi ko inasahan na mapapamahal din siya kay Ai. Sa mga panahon na iyon, nagawa kong itikom ang bibig ko. Nagawa kong itago ang damdamin ko.

Pero ngayon, gusto ko ng sumabog.

Sobrang sakit na kasi eh.

Ang sakit makita na ang nagpapasaya at minamahal ng taong mahal mo ay yung kaibigan mo. Bestfriend ko pa nga eh.

Ang sakit makita kung paano nagti-twinkle yung mga mata niya sa tuwing titingin siya kay Ai.

Ang sakit makita yung mga sulyap niya kay Ai.

Ang sakit makita yung mga ngiti niya na alam ko namang si Ai ang dahilan.

Ang sakit malaman na si Ai ang mahal niya.

Look at me, I’m a mess! Para akong tangang umiiyak dito sa CR. 18 na ako’t lahat lahat pero kung maka-iyak ako parang batang inagawan ng candy.

Pagkatapos kong malabas ang sama ng loob ko, lumabas na ako ng cubicle para maghilamos. Habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo, nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Mugto ang mga mata ko at halata na kagagaling ko lang sa pag-iyak.

“Look at you. You’re so pathetic, right?” tinignan ko ang repleksyon ng babaeng nagsabi nun. Si Sabrina, head cheerleader ng campus pep squad.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon