Denise's POV
2 linggo na ang nakalipas simula nung pagkikita namin ni Sabrina sa CR. 2 linggo na rin ang nadagdag dun sa mga araw na para kong pinapatay ang sarili ko.
"Deeeen!" masayang bati sa akin ni Ai. Ang lawak ng ngiti niya. Naiingit ako.
Kailan kaya ako makakangiti ng ganyan?
"Tamis ng ngiti ah," sabi ko sa kanya. I'm so good at this.
"Hehehe! Den, alam mo ba kanina...." nag-umpisa nanaman siyang mag-kwento tungkol sa mga ginawa nila ni Gino nung araw na iyon. Nagsimula na rin yung pag-arte ko bilang supportive bestfriend. Kwento lang siya ng kwento tapos ako naman tong kunwari ay kinikilig sa sinasabi niya.
Alam niyo ba kung gaano kahirap magpanggap na kinikilig? Kahit na ang totoo eh nasasaktan ka? Pero ano bang magagawa ko. Wala naman eh. Wala.
"May good news din ako sa'yo Den!" ang lawak ng ngiti ni Ai, parang mapupunit na yung mukha niya sa sobrang lawak nun.
Na-curious naman ako sa sinabi niya. "Ano?"
Itinakip niya ang pareho niyang kamay sa kanyang bibig pagkatapos ay yinakap niya ako ng mahigpit. "Pinayagan na ako nila daddy na mag-boyfriend! Pinayagan na nila akong sagutin yung nanliligaw sa akin! Pinayagan na nila akong sagutin si Gino, Den!"
Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Naiiyak ako.
"Den?" kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Ai at nagulat siya ng makita niya ako. "Den! B-bakit ka umiiyak?!" nanlalaking mata na tanong niya sa akin.
Gusto mo ba talagang malaman Shaira? Ikaw. Ikaw ang dahil kung bakit ako nagkakagan'to. Ikaw ang dahian kung bakit ako nasasaktan. Ang hirap. Masakit na masyado.
Umiling-iling ako sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. "Wala to Ai, masaya lang ako para sa'yo."
"Pero bakit ka nga naiyak?" tanong niya pa sa akin, mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Kailangan bonggahan ko pa ang pag-arte.
"K-kasi, baka makalimutan mo n ako kapag naging kayo na ni Gino. Baka mawalan ka na ng oras sa akin."
Baka hindi ko makaya na makita pa kayo. Yung nililigawan ka pa nga lang niya, masakit na. Ano pa kaya 'pag naging kayo na.
"Den naman eh," nagumpisa na rin siyang umiyak.
"Syempre hindi no! Diba bestfriends tayo? Tsaka kahit na maging kami na ni Gino hinding-hindi ako mawawalan ng oras sa'yo! Promise! Ilang tumbling lang andito na ko sa iyo oh! Please Den, wag ka ng umiyak, ha? Tahan na. Wag ka ng umiyak, Den."
'Wag mo na lang siyang sagutin, Ai. Please, huwag.
Pinigilan ko ang sarili ko na sabihin sa kanya ang laman ng isip ko. Ngumiti ako akanya. "Promise?" itinaas ko ang pinky finger ko.
Ngumiti rin siya at nagpunas ng luha. "Promise!" then she intertwined her pinky with mine.
**
Naka-alis na si Ai, pero hindi parin naaalis sa isip ko yung mga sinabi niya sa akin.
Pagka-alis na pagka-alis niya, kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang bagay na iyon. Kanina ko pa nga ito tinititigan. Nagdadalawang-isip ako. Pero, naalala ko yung sinabi niya sa akin nung nagkita kami.
~Remember Denise, hindi masama ang maging madamot minsan.~
Muli ay tinitigan ko ang pilas ng papel na binigay niya sa akin. Buo na ang isip ko. Si-nave ko ang number niya sa phone ko at nagtext ako sa kanya. Habang ginagawa ko iyon, isa lang ang pumasok sa isip ko.
Sorry Shaira.
**
The night after Denise texted Sabrina...
Sabi sa akin ni Sab na susunduin niya ako mamaya dito sa bahay. Pero ang sabi ko, magkita na lang kami sa labas ng subdivision dahil baka makita kami ni Ai. Nung tinext ko siya kagabi, tinawagan niya ako agad at sinabi sa akin ang plano niya. And that plan is to be executed tonight. Kinakabahan man ako, kailangan ko gawin to-No! Scratch that. I WANT to do this. Ngayon lang naman. Ngayon lang.
Tinignan ko muna ulit ang kabuuan ko sa salamin. Sabi sa akin ni Sab, magsuot daw ako ng dress. Short and sexy on that matter.
Gagawin ko ba talaga 'to?
Iwinaksi ko ang aking isipan. Ayoko ng mag-isip ng kung anu-ano. My decision is final.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng bahay. Nagsuot na lang muna ako ng jacket, naiilang kasi ako sa suot ko, fit tapos above the knee pa, pero hindi naman yung tipo na nakabalandra na yung hita ko, yung tama lang. But still, naiilang pa rin ako.
Wala rin naman sila Papa at Mama ngayon dahil nasa business trip sila. Wala ring alam si Ai sa lakad ko na 'to.
Gaya ng napag-usapan, nagkita kami ni Sab sa labas ng subdivision. I secretly gave my self a pat on the shoulder.
Tamang-tama lang ang suot ko. Baka nga pahiramin ko pa si Sab ng tela ng dress ko eh. Para kasing may shortage sa tela kung titignan mo yung suot niya.
She motioned her head to the passenger seat so I made my way there and hopped inside her car. Nagstart na siyang mag-drive papunta doon sa lugar na sinabi niya sa akin kanina.
Sabi niya sa akin, tamang-tama lang daw yung pagtawag ko sa kanya kagabi dahil mayroong party ngayon ang kaibigan niya na kapatid ng former team captain ng basketball team nila Gino. In-invite nung kuya ng friend niya na yun si Gino, lahat ng varsity ng HRM Dept. to be exact. Kaya ayun.
Nang tanungin ko siya kung bakit niya ako tinutulungan, ang sabi niya dati siyang naging fling ni Gino pero napansin daw niya ang panlalamig nito sa kanya simula ng makilala niya si Shaira. Hindi naman playboy si Gino pero sadyang nasaktan daw ang ego ni Sab ng mawalan ng atensyon para sa kanya si Gino. He never dared to look at other women anymore.
Just her. Only her.
Mas lalo tuloy akong nainggit sa sinabi na iyon ni Sabrina.
Sana makita rin ako ni Gino gaya ng kung paano si Ai sa paningin niya. Sana ako rin.
*
Loud music, dancing people, noise and so much more. Yan ang bumungad sa akin pagkapasok naming ng bar. Nao-awkward ako. Pagkapasok naming ni Sab, a guy grabbed her by the waist and pulled her for a deep kiss. I looked away.
This is torture.
"Hi gorgeous," sabi sa kanya nung guy. Siguro tapos na sila sa ginagawa nila.
"Hi too, gorgeous," Sab said and batted her lashes at him. She's so good at this. Dagdag mo pa yung itsura niya.
Tumingin sa akin yung guy kaya naman automatic na napayuko ako.
"Oh! By the way, this is Denise. Carl, Denise. Denise meet Carl." Nag-hi lang ako sa kanya.
"Wait for a sec babe, I'll keep Denise company for a while," she threw a meaningful look at me.
Nagpunta kami sa bar counter at nag-order siya ng drink. Pagkalapag ng apat na shot glass sa counter, inusog niya ang isa sa tapat ko. Para naman akong shunga na nakatanga sa shot glass na iyon.
"Don't just stare at it. Take it. It will help a lot for our little ploy later," she winked at me.
Ah. I get it. Pampalakas ng loob. I filled my lungs with air and released it loudly before I took the drink. Napangiwi ako sa init at pait na rumagasa sa lalamunan ko.
I sensed Sab's smile beside me. "That's it, shake it off. Don't worry about anything. Here," iniusog pa niya ang isang shot glass sa akin hanggang sa napansin ko na nakakadami na rin ako at unti-unting sumakit ang ulo ko.
-----------------------------
★L ^_______^v ♥
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~