Maybe (15)

144 5 2
                                    

(Last Chapter)

Shaira’s POV

Dumating na ang araw na hinihintay ko. Para matapos na ang lahat, kailangan ko ng tapusin ang kung anong meron kami ni Gino.

Pina-reserve ni Charles yung Garden Vista, isa iyong lugar sa loob ng school. Malawak ang view don at sa pinakagitna ng vista ay may isang malaking fountain na napapalibutan ng ilaw. Marami ring puno doon na napapalibutan din ng mga ilaw pati na rin ng mga ibon. Nakaka-relax sa lugar na iyon. Parang park.

Glass wall ang pagitan ng vista at ng hall kung nasaan ako ngayon.

Naka-upo ako sa isa sa mga tables doon. Nakatanaw ako sa labas at pinagmasdan ang paligid.

Ang ganda ng panahon.

Kanina bago ako pumunta dito, tinungo ko muna ang rooftop dahil nandon si Charles, siniset-up na nila ng dalawa niya pang kasama yug props namin.

Kinamusta niya ako at tinanong niya kung sigurado na raw ba talaga ako. Para namang may magagawa pa ako diba? Tsaka ayoko na, napapagod na ako kaya dapat tapusin na ‘to. Kita ko sa mga mata niya ang awa pero alam ko na nasasaktan din siya sa gagawin ko, sa gagawin namin.  

Ilang sandali pa ang lumipas bago ko narinig ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag ng paa niya papunta sa akin. Bumulis na rin ang tibok ng puso ko.

“S-sha,” mahinang usal niya at nilingon ko siya.

My heart sank when I saw him.

Namumugto ang mata niya at nangangalumata siya.

Kung sa ibang pagkakataon ito, aasarin ko pa siya na mukha siyang panda.

But I have to keep in mind that we’re not okay. Not anymore.

“U-upo ka,” aya ko sa kanya. Isang upuan ang pagitan namin. Tinanggal ko ang kamay ko sa mesa at ipinatong iyon sa lap ko.

Ilang minuto naghari ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa nagsalita siya.

“Kamusta ka na? Pumayat ka ah,”

I looked at my hands on my lap. “May mga inasikaso lang kasi ako. Marami akong inisip.”

“G-gusto mo bang kumain?” i sensed that he’s trying to avoid the topic.

Huminga ako ng malalim. “Gusto ko ng tapusin ‘to Gino.”

Please. Sana maki-cooperate ang luha ko. Sana hindi sila tumulo.

Sa pag-iisip ko nun, naalala ko yung props namin ni Charles.

Shoot. Hindi ko pa pala nasabihan si Charles na nandito na si Gino. Ang nasabi ko lang ay 3pm yung usapan naminni Gino. Paano niya malalaman na kailangan na niyang i-on yun?

Nasa ganun akong pag-iisip at ikinagulat ko na biglang nabasa ang paligid sa labas. Unti-unting nagkaroon ng butil ng tubig sa kabilang side ng glass wall.

Hindi kona iisipin kung paano na-sense ni Charles na kailangan na niyang i-on yug props. Basta, isa lang ang masasabi ko. Effective iyon. Mukhang totoong ulan nga ang bumabagsak.

Meron pala talaga nun. Artificial rain.

“So it’s Gino now, hindi na Gin.” Bumalik ako sa hwisyo ng magsalita siya but it seemed that he is talking to himself.

Tumayo siya at lumapit sa akin, tapos lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at idinikit iyon sa mukha niya.

At doon.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon