Shaira's POV
4 days after...
"Ay sorry!"
"Hala! Pasensya na di ko sinasadya!" sabi ko sa nakabangga ko. Nalaglag kasi yung mga utensils na dala-dala niya. Buti na nga lang at walang tao sa part na 'to ng campus kasi ang ingay pa naman nung pagkakalaglag nung mga 'yun.
Parehas kaming yumukod para kuhain yung mga nalaglag na gamit.
"Sorry, may pagka-clumsy talaga kasi ako eh." Nakakahiya naman kasi yung nangyari! Ang dami niyang dala tapos ako 'tong si shunga na hindi tumitingin sa daan kaya ayun.
I heard him chuckle. "Ano ka ba, ayos lang 'yun." My head snapped at his voice kaya naman napahinto ako sa pagpulot ng mga gamit at tumingin sa kanya.
Kapag minamalas ka nga naman oh! Si Gino pa yung nakabangga ko! AAAAAHHHH! ANONG ITCHURA KOOO?! SHEET AMOY LUGA ATA AKO! BAKA OILY RIN YUNG MUKHA KOO!
Naramdaman ko na hinawakan niya yung kamay ko pero agad din niya itong tinanggal. Tinitigan ko yung kamay ko na hinawakan niya, para kasing may nawala.
Meron nga, yung isa sa mga gamit niya na nalaglag na hawak ko kanina.
Ene be yen. Ekele ke nemen yeng kemey ke ne yeng heneweken nye. [Translation: Ano ba yan. Akala ko naman yung kamay ko na yung hinawakan nya.]
Pinatong niya muna sa bench yung mga dala niya at nagulat ako ng inilahad niya yung kamay niya sa harapan ko.
Napatanga pa ako sa kamay na iyon bago ko inabot yung kamay ko sa kanya at inalalayan niya ako patayo.
Pagkatayo ko, sumalubong sa akin yung ngiti niyang walang habas kung ako'y pakiligin. Napatitig tuloy ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kami kalapit sa isa't-isa. Yung tipong dati hanggang tanaw ko lang siya tapos ngayon eto na! Hinahain na siya sa harapan ko!
Iniisip niya siguro para akong tanga kasi nakatulala lang ako sa kanya.
Napansin ko na may tinignan siya sa baba. Hindi naman babang baba. Sa may... sa may tiyan ko? Sa tiyan ko?!
Alalala!!!! Bakit! H'wag ngayon! Takpan mo yang mga mata mo! Mauumay ka! Kakagaling ko lang sa McDo! Waaaah!
"Thank you Shaira!" sabi niya sa akin ng nakangiti.
Nagtatakang tumingin naman ako sa kanya. "P-paano mo n-nalaman yung n-name ko?" pero syempre no! Kinikilig ako! Ikaw ba naman tawagin ng crush mo sa pangalan mo diba!
Tinuro with matching nguso siya sa tiyan ko.
Ha? Naka-print ba sa shirt na suot ko yung pangalan ko?
Tinigna ko naman yung nginuso niya at natawa ako ng nakita ko iyon.
Mehehehe. Yung ID ko pala.
Pagkatingin ko ulit sa kanya, nakatitig siya sa akin. Bigla ay dinapuan ako ng hiya. Grabe pa naman kasi ako pag tumawa. Kahit sa maliliit na bagay natatawa na ako. Yung tipong kahit nau-utot na ako, may kung ano pa rin dun na nakakapagpatawa sa akin.
Tinakpan ko yung mga pisngi ko gamit ang mga kamay ko. "Sorry," nahihiya kong sabi sa kanya.
"Bakit ka mahilig mag-sorry?" naa-amuse na tanong niya sa akin.
"A-ano, basta, sorry."
Natawa na lang siya at ginulo ang buhok ko.
That's really sweet.
Kinuha na niya yung mga gamit na inilapag niya kanina.
"Sige Shaira ha, una na ako! Bye!"
"Bye Gino!" Pwede na ba kita tawaging bebeloves? Yiii charot! Okay na yung matawag kitang Gino, dun pa lang, okay na okay na ako.
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~