Maybe (9)

104 3 2
                                    

Gino’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Charles.

Si Denise. Siya yung babae kagabi. Bakit kailangan siya pa? Bakit bestfriend pa ng babaeng mahal ko?

Naalala ko yung iniisip ko kanina.

Alam ko na masasaktan si Sha pag nalaman niya yung nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit kasi alam ko na maliit ang posibilidad na magkita sila nung babaeng nakasama ko kagabi, maliit pa rin ang mundo at gagawa’t gagawa ang tadhana ng paraan para magtagpo-tagpo kami.

Mapakla akong ngumiti sa inisip kong iyon.

Grabe. Ang liit nga ng mundo.

**

2 araw na ang lumipas simula nung gabing may nagyari sa amin ni Denise.

At ngayon hindi ko alam kung papano ko haharapin si Sha. Kanina pa ako shoot ng shoot ng bola pero wala ako sa focus.

“Gi, wala ka sa kondisyon. Pass ka na lang muna sa practice mamaya.” Sabi sa akin ni Charles. Nandito kasi kami ngayon sa school gym. Nag one-on-one game kami at mukhang nabuburyo na siya sa akin kasi wala akong kwentang kalaro ngayon.

Pinasa ko sa kanya ang bola na hawak ko at umupo sa isa sa mga bleachers doon. Sumunod naman siya at inabutan niya ako ng tubig na tinanggap ko naman.

“Ano ng plano mo?” tanong niya.

Umiling ako sa kanya. “Hindi ko alam p’re, hindi ako makapag-isip ng maayos. Ni hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Sha.”

Plano? Ano nga ba ang kailangan kong pag-planuhan?

“Well, gooduck,” may iba sa tono ni Charles ng sabihin niya iyon kaya tinignan ko siya. Nakatingin siya sa may entrance ng gym kaya tumingin din ako doon.

Si Shaira kasama si Denise.

Napangiti ako ng makita ko si Sha. Na-miss ko siya. Kumaway siya sa akin habang malawak na nakangiti.

Sha, makaka-ngiti ka pa ban g ganyan ‘pag nalaman mo yung nangyari sa amin ng bestfriend mo? Sha, hindi ko sinasadya.

Tinignan ko si Denise at nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad niyang iniwas ito ng tignan ko siya.

“Hi Shaira!” bati ni Charles kay Sha ng makalapit sila sa amin. Tinignan naman ni Charles si Denise at tinanguan niya ito “Den,” bati niya.

Matipid na ngumiti si Denise sa kanya.

“Hi Charles! Guma-gwapo ah!” bati ni Sha kay Charles.

Lumabi ako ng di oras. “Bakit ako hindi?” parag bata kong sabi sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at umaktong nag-iisip. “Hmm, hi Gin.” Walang-ganang bati niya sa akin. Pinagti-tripan nanaman ako nito.

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ‘to.

“Yun lang? Walang dugtong?” tanong ko.

“Hmm, wala! Hahahaha!” natawa na lang kami sa kakulitan niya. Well except for Denise, tamang ngiti lang siya.

Charles cleared his throat after we laughed. “Shaira, samahan mo naman ako sa caf, bili tayo pagkain. Gutom ako eh.” Yaya ni Charles kay Sha.  

Alam ko ang ginagawa ni Charles, binibigyan niya ako ng oras para maka-usap si Denise kaya isasama niya si Sha sa kanya.

“Tamang-tama! Gutom din ako! Libre mo Charles ha?”

“Hala?! Nagpapasama lang ako eh!” kunwaring pagtanggi ni Charles.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon