Maybe (11)

81 3 1
                                    

Shaira’s POV

Dalawang araw na akong hindi pumapasok. Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay at nagkukulong lang dito sa kwarto ko.

Dalawang araw pa lang pero pakiramdam ko dalawang taon na.

Sa 2 araw na lumipas, pumupunta pa rin dito si Den. Pero hindi ko siya hinaharap. It’s either pumapasok ako sa banyo ng room ko pag nandito na siya o kaya nakatalikod lang ako sa kanya the whole time.

Si Gin naman tumatawag at nagti-text sa akin pero hindi naman ako sumasagot sa mga iyon. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita, dalawang araw na rin simula nung huli kong narinig ang boses niya.

Sana hindi pa iyon ang huling beses.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan ako dapat mag-umpisa.

Dumapa ako sa kama at binaling ang ulo ko sa may direksyon ng bedside table. Sa ginawa kong iyon, nakita ko ang picture namin ni Den nung mga bata pa kami, sa tabi naman ng frame na iyon ay yung latest pic naming dalawa.

Ang saya namin tignan sa picture na iyon. Sana ganun din kami ngayon. Sana masaya kami.

Bigla ay may nakaramdaman ako ng lungkot.

Nami-miss ko ang bestfriend ko.

Pero...

Kaya ko na ba siyang harapin ng hindi ako magagalit sa kanya? Natatakot ako na baka kung ano ang masabi ko at masaktan siya.

Lumipas ang oras bago ako nakapag-desisyon.

Pupuntahan ko si Den.

**

5 pm na at sigurado akong nandoon na si Den sa bahay nila. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa kanila. Dahil magka-tapat lang ang mga bahay namin, hindi na ako napagod. Syempre magkatapat nga lang eh.

Wala sila tito at tita ngayon sa bahay nila dahil ang sabi ni mommy bago ako umalis, may dinner daw na pupuntahan. Natuwa si mommy nang malaman niyang pupuntahan ko si Den. Mabuti raw kasi na ayusin namin yung problema namin ng maaga. Ayaw niya kasi na naga-away kami ni Den lalo na’t mag-pinsan pa kami.

Tahimik sa loob ng bahay nila Den. Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang kwarto niya. Humnga ako ng malalim habang nakahawak sa door knob.

Para sa amin ng bestfriend ko ang gagawin ko na ‘to.

I counted 1 to 5 bago ko buksan ang pinto. Wala si Den sa kama, hindi ko siya nakita sa kwarto niya.

Pumasok ako sa loob. Nakita ko ang bag ni Den na nakalapag basta-basta sa sahig.

Hindi naman iiwan ni Den ng ganito ang bag niya. Maayos niyang nilagay ang mga gamit niya sa tamang lagayan.

Nakarinig ako ng tunog mula sa banyo sa loob ng kwarto ni Den. Tunog na parang sumusuka.

Agad akong nagpunta sa banyo at nakita ko si Den na nakatanghod sa toilet at parang nasusuka. Lumapit ako sa kanya at hinagod-hagod ang likod niya.

“D-den, anong nangyayari sa’yo? May sakit ka ba?”

Hindi ko alam kung nahihirapan ba siya. Para kasing ayaw tumuloy nung suka niya, parang naduduwal lang siya. Tinipon ko ang buhok niya at nilagay iyon sa kabilang side ng leeg niya para makita ko ang mukha niya. Kitang-kita ko ang luha na tumutulo sa pisngi niya.

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. “Den, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa’yo?”

Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya ng tinanong ko sa kanya iyon.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon