Gino’s POV
“Huy p’re! KJ mo! Uminom ka naman! “ kanina pa nila ako kinakantyawan na uminom kahit na kanina pa rin ako tumatanggi.
“Oo nga Gi! Parang ka namang timang p’re! Nasa bar ka oh, iced tea lang iinumin mo,” sabi pa nung isa kong kasama.
“Taena! Dapat pala tinimplahan na lang kita ng iced tea sa bahay niyo eh!” nagtawanan sila sa sinabi ng isa naming kasama.
Tinawanan ko lang din sila. “Mga gago!” sabi ko pa.
Patuloy pa rin sila sa pagkukulitan pero tumigil ako sandal dahil may nagtext sa akin. Si Charles.
From: Charles
Oy p’re! Hntayin nyo ko mga ogag kayo!
To: Charles
Ogag din! Bilisan mo
Ibinulsa ko na ulit ang telepono ko.
“Oh Gino!” tawag sa akin ni Carl na kakarating lang at may dalang ice bucket na may laman sigurong mga inumin. Inilapag niya sa harap ko ang isang baso na may lamang alak. “Isa lang p’re! Pagbigyan mo naman kami!” kantyaw pa niya.
Sunud-sunod na na nagkantyawan ang mga loko.
Ayaw ko kasi talaga. pakiramdam ko nagkakasala ako kahit hindi naman. Ganun siguro talaga ‘pag nagmamahal. *smirks*
Dahil wala na rin naman na akong magawa at tutal, isa lang naman ito, ininom ko na iyon. Pero ang mga gago, kinantyawan pa ako ng ‘’more’’. Kaya naman si Carl kumuha pa ulit ng drink para sa akin dahil naubos na yung nasa dala niyang bucket kanina, madami kasi kami ditto sa table. Bumalik si Carl at wala na akong ibang nagawa kung hindi inumin ulit yung binigay niya, hanggang sa 3 baso na ang nainom ko at sinabi ko sa kanila na ayoko na. Pagkalipas ng ilang sandal parang naweirduhan ako sa nararamdaman ko.
Ang init. Sobrang init.
Napasandal ako sa couch at pinakalma ang sarili ko.
Shit. Wat’s happening? Hindi naman ganito ang epekto sa akin pag umiinom ako at nakakatatlong baso pa lang naman ako!
“Huy Gi, ayos ka lang?”
“Pa-CR naman ako ‘tol,” maghihilamos ako. Malay niyo, mawala yung kung ano man ‘tong nararamdaman ko.
“Sige p’re, pero dun ka na lang sa may kwarto sa 2nd floor, out of order yung ditto sa baba.” Sabi ni Carl. “Tara p’re, samahan na kita,” sa sinabi niyang iyon gumana ang malisyosong utak ng mga kasama naming.
Mga ogag talaga.
“Tado kayo!” sabi na lang ni Carl sa kanila at nanguna sa paglalakad papunta sa sinasabi niya sa 2nd floor.
Pumasok kami sa isang kwarto at itinuro niya sa akin ang CR tapos nun ay iniwan na niya ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang hinuhugasan ko ang kamay ko. Maghihilamos n asana ako ng may marinig akong ungol mula sa kwarto.
Lumabas ako sa banyo at pumunta sa kung saan banda ng kwarto ko narinig ang ungol. Parang may tawa pa nga. Sinundan ko ang tunog na iyon hanggang sa nakarating ako sa may kama at nakita ang isang babaeng nakahiga doon.
Mas lalo akong nag-init.
Shit! Ang iksi nang suot niya.
Nakatambad sa akin ang legs niya.
Aahhh!
Nasapo ako sa ulo ko.
Tumayo ang babae sa kama at pagewang-gewang na lumapit sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya, madilim kasi dahil walang nakabukas na ilaw, malayo naman ang side na ito ng kwarto sa banyo kaya hindi naabot ng liwanag mula doon.
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~