Shaira’s POV
*BEEEP BEEEEP*
Tumingin lang ako sa sasakyan na parating.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
Then...
May biglang humatak sa akin sa may gilid ng side walk at binalot ang mga braso niya sa akin.
“Bullsh*t! Kung magpapakamatay ka ‘wag kang mang-damay ng iba!” narinig kong sabi ng driver bago niya pinaharurot ang sasakyan niya.
Inalis na niya yung mga braso niya na nakabalot sa akin.
“C-charles?”
“Are you trying to get yourself killed?!” niyugyog niya ako pero mas lalo akong naiyak.
Kill myself? Paano ko pa papatayin ang sarli ko kung para na nga akong pinatay sa mga nalaman ko?
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Saglit siyang pumikit, pinapakalma niya siguro yung sarili niya.
Nang idinilat niya ang mga mata niya, napansin ko na namula ang mga mata niya tapos unti-unting nagtubig ang mga ito. Hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit.
“P-paano mo nalaman?” tanong niya sa akin.
Ibig sabihin....
“A-alam mo?”
Obvious ba Shaira? Nagtatanong ka pa eh.
“Alam mo naman pala, hindi mo man lang sinabi sa akin.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi tuloy ako updated,” dagdag ko pa. Nakuha ko pa talagang mag-joke kahit na iyak ako ng iyak.
“Stupid. Malay ko ba na malalaman mo. Akala ko nagawan na nila ng paraan.”
Gumawa pa pala sila ng paraan para hindi ko malaman. Dapat bang ma-appreciate ko pa yung ginawa nilang iyon?
“Stupid ka din! Tadhana yung kinalaban nila!” yumakap din ako sa kanya.
Kailangan ko kasi ng suporta. Kailangan ko ng kaibigan. Si Den sana eh, kaso hindi ko kaya.
**
Para mas makapag-usap kami ng maayos, dinala ako ni Charles sa school. Tita niya ang may-ari nito, remember? Tsaka may night classes pa naman, until 9 pm open ang school. Sumunod lang ako sa kanya, hindi ko alam kung nasaang part ng school kami.
Ki-nwento niya sa akin ang lahat ng nalalaman niya regarding sa issue nila Gin at Den. Kahit masakit, kinaya kong pakinggan lahat ng iyon. Kailangan kong malaman kung paano nangyari ang lahat ng ito.
“It’s a lot to take, right?” sabi niya sa akin, tapos na siyang mag-kwento.
Tumango ako. “Sobra. Parang sasabog ang ulo ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.” Uminit nanaman ang sulok ng mata ko kaya tumingala ako para pigilan iyon pero wala eh, ayaw magpa-awat kaya pinabayaan ko na lang tumulo.
“Maski ako nagulat sa nangyari. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala,” tinignan ko si Charles ng sinabi niya iyon. It seemed that he is talking to himself when he said those words.
Bakit parang nasasaktan din siya?
“Why do I have this feeling na naiintindihan mo ako?” tanong ko sa kanya na dahilan para tumingin siya sa akin at nakita ko na namumuo ang luha sa mata niya.
Itinaas niya ang isa niyang kamay at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko pero nababasa pa rin naman ang mga iyon. “Simple lang. Kase naiintindihan kita, nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman mo.” Sa sinabi niyang iyon tumulo na yung luha niya.
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~