Shaira’s POV
Hindi naputol ang koneksyon namin ni Gino kahit na nung naibalik ko na sa kanya yung ID niya. We exchanged numbers and started texting each other.
Three months passed and still, we never lost contact with each other. It gave us the chance to get to know each other better. Yung hindi nakikita ng iba sa panlabas o kaya dun sa ipinapakita naming sa kanila, lahat iyon nalalabas namin sa isa’t-isa.
Who would’ve thought that my crush, the apple of my eye and the love of my life can be my friend? Dati, pinapangarap ko lang na mapatingin siya sa gawi ko. Kaya nga napapangiti ako sa t’wing naaalala ko kung paano nag-umpisa yung pagiging malapit naming sa isa’t-isa. That ball. Haha! Maraming salamat talaga sa bola na ‘yun.
From: Gin
Uy Sha, may sasabhn ako sayo maya. Sabay ka na lng skin uwi, ok lng?
Napangiti ako sa text niya.
To: Gin
Sgesge. Libre mo ko ha?! Hahaha
Nakakatuwa ‘no? Hahaha, sa tatlong buwan na lumipas, ganto na kami ka-close.
From: Gin
Hahaha! Fishball lng nmn katapat mo eh! Sgesge, see u later Sha :)
Natapos na yung last class ko kaya naman dumiretso na ako sa parking lot. Nakita ko naman agad si Gino na nakasandal sa sasakyan niya.
Shet ang hot. Wooo!
Ngumiti siya ng nakita niya ako kaya namn ngumiti rin ako pabalik.
Kahit na araw araw ko nakikita ang ngiti niyang iyan, hindi iyon pumapalyang pabilisin ang tibok ng puso ko.
“DEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEN!” dumiretso ako sa bahay nila Denise, katapat lang naman kasi iyon ng bahay namin. May importante akong sasabihin sa kanya. Sobrang importante.
“DEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEENNN!” Asan na ba yun?! Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang nakahilata sa kama niya at nakasalpak ang earphones sa tenga. Pwede sa nose? Jk.
Tumakbo ako papunta sa kanya at lumundag sa kama na halata namang ikinagulat niya.
“Huy! Ai para kang shunga alam mo yun?! Tumigil ka nga!” sita niya sa akin!
But nah-ah! Hindi iya masisira ang sobrang ganda kong moooooood!
“Den! May sasabihin ako sa’yo.” Pinakalma ko na muna ang sarili ko. Sinubukan ko talaga. Maniwala kayo, promise. Ti-nry ko talagang pakalmahin ang sarili ko, believe me.
Pero hindi ko talaga kaya.
“LILIGAWAN NA AKO NI GINO SIMULA NGAYON! AAAACCCCKKK!” napayakap ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit pero bigla ay naramdaman ko na nagumpis ng magtubig ang mga mata ko.
“Den, alam mo ba sobrang saya ko? Hindi ko naman kasi inasahan na ganito yung mangyayari sa amin eh. Masaya na ako na naging magkaibigan kami, sobra na nga iyon eh kasi diba, dati hinihiling ko lang na mapansin niya ako kahit isang bese lang? Pero grabe ‘tong ibinigay sa akin, sobra-sobra. Sa sobrang saya ko, pakiramdam ko sasabog ang puso ko!” sabi ko sa kanya habang umiiyak.
Para tuloy akong baliw.
“Den?” tawag ko sa kanya dahil tahimik siya.
“Huy Den! Hindi ka naman nakikinig eh.” Lumabi pa ako. Ano problema nito?
“Nililigawan ka na ni Gino?” tanong niya ulit sa akin kaya naman ayan na ulit yung ngiting tagumpay ko at tumango sa kanya.
“Pero diba, hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend? Diba ayaw pa nila tito at tita?”
Napaisip ako bigla. “Oo nga, pero, pagka-graduate naman natin, pwede na. Ang sabi naman nila sa akin, magtapos daw muna ako bago intindihin yung mga ganung bagay.”
“Pero Ai, 2nd year college pa lang tayo oh, halos 2 taon pa ang hihintayin niya para sagutin mo siya. Alam mo naman ang mga lalaki diba? Kahit na sabihin mong willing to wait yang mga yan, may posibilidad na magloko parin sila. Wala ka namang magagawa dun eh. Ano bang pinanghahawakan mo? Yung sinabi niya? Sa huli, ikaw lang din ang masasaktan.”
“Hindi naman lahat ng lalaki ganun eh! Hindi ganun si Gin,” depensa ko sa kanya.
“How sure are you?” bakit ganito ang inaasal ni Den?
“Den, bakit ganyan ka? Bakit parang hindi ka masaya sa nangyayari sa akin?” nagdaramdam na tanong ko sa kanya.
Bigla ay parang natauhan naman siya at yumuko saglit bago ibalik ang tingin sa akin. She smiled apologetically, “Sorry Ai, kapakanan mo lang naman ang iniisip ko, ayaw kong masaktan ka. Pero alam ko naman na kay Gino ka sasaya kaya, sige, susuportahan kita. Matagal na naman kitang sinusuportahan eh. Alam mo yan. Congrats Ai.” Niyakap niya ako at tinugon ko naman iyon.
“Salamat Den ha? Salamat sa paga-alala mo. Pero promise! Hindi ka mamomroblema sa akin pagdating sa mga ganto.”
Denise’s POV
Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Ai kanina. Dapat tulog na ako pero nakikipagtitigan parin ako sa kisame at inaalala yung mga sinabi niya.
Mga salitang unti-unting dinudurog ang puso ko.
-----------------------------
★L ^_______^v ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/9820216-288-k297472.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~