Shaira’s POV
The night before the so called “play”
Bukas na yung araw para dun sa plano ko. Tinawagan ako ni Charles kanina, nagtanong lang siya ng kaunti tungkol dun sa plano. Hindi pa rin kasi ako pumapasok hanggang ngayon kaya hindi kami nagkita. Tinanong niya rin ako kung paano ako makikipagkita kay Gin bukas, ang sabi ko ako ng bahala. Madami na siyang naitulong. It’s time for me to do my part.
Huminga ako ng malalim bago nag-umpisang mag-type ng message para kay Gin.
To: Gin bebeloves
Kita tayo bukas. 3 pm @ Garden Vista .
Matapos kong ma-send sa kanya ang text na iyon, pinalitan ko na yung name niya sa contacts ko. No I won’t delete his number, kasi kahit naman na i-delete ko, kabisado ko pa rin. Tapos kanina ayun, napansin ko yung caller ID.
Gin bebeloves.
Nung nililigawan na niya kasi ako pinalitan ko ng Gin bebeloves yung name nya sa contacts ko..
I changed the caller ID from Gino bebeloves to Gino. Hindi na bebeloves. Hindi na Gin. Just plain Gino.
Kasi kasabay na rin ng gagawin kong ito ay ang pagkalimot ko sa ala-ala na iniwan niya sa akin.
Kahit na masasaktan ako, alam ko na ito ang tama at dapat kong gawin. Ano ba naman kasi yung magparaya ako para sa bestfriend ko? Para na rin sa baby niya? Mas kailangan ni Den ngayon si Gino. Kailangan siya ng magiging baby nila.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Pupuntahan ko si Den, nandun na siguro siya.
Pagka-baba ko, nakita ko si mommy na nagbi-bake ng brownies. Naalala ko si Den. Naghahanap siya ng matatamis ngayon, dala na rin siguro ng pagbubuntis niya.
“Ma, bango naman niyan!” bati ko kay mom paglapit ko sa kanya. Humalik ako sa pisngi niya at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit pero nung niyakap ko siya, nagsimulang mag-tubig ang mata ko.
Bahagyang natawa si mom at hinaplos ang buhok ko. “Asus, ang baby ni mommy naglalambing.” Niyakap ko pa siya ng mahigpit at tumulo na ang luha ko.
“Maaa,” hindi ko na mapigilan ang umiyak na parang bata kay mommy. Umiiyak ako na para bang mang nang-away sa akin.
“Baby? Hey, what’s wrong?” inalo ako ni mommy pero mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niyang iyon.
“Shaira,” tawag niya sa akin ng tinignan niya ako. Kitang-kita ko sa mukha ni mommy na nasasaktan siya na makita akong ganito, kahit na hindi niya pa alam ang nangyayari.
“Sshh, stop crying na baby. Tell mom what happened. Ilang araw ka na ring ganyan.” Sabi niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay niya.
Kahit naman gusto kong sabihin ang pinagdadaanan ko kay mommy, hindi pa rin pwede kasi madadamay si Den. Ayokong masira si Den sa pamilya namin kaya sasarilihin ko na lang ito.
Umiling-iling ako kay mommy. “W-wala lang p-po ‘to ma. M-may napanood kasi ako na movie a-about sa isang nanay. Naiyak lang ako dun sa nangyari pati dun sa sakripisyo nung mommy para sa baby niya. Naalala kita mommy.” Umiiyak na paliwanag ko kay mommy.
Nag-smile si mommy, yun yung smile niya na favorite ko kasi nakakapag-pagaan ng loob. Nung bata ako, sabi ni mommy na pag nags-smile daw siya, tumatahan na ako. Yun yung smile niya na iyon.
Pero Ma, parang hindi muna eepekto yang smile mo para mapatahan ako.
“Oh Shaira, I’m so lucky to have you for a daughter. Thank you baby. And I love you, you know that right?” niyakap ako ni mommy at tumango ako sa tanong niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Maybe
Short StoryCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~