Denise’s POV
I woke up with a headache. A pounding headache. And not just that. I feel, weird. Really weird. Masakit yung ‘ano’ ko. But why?
Umayos ako ng upo. Tinignan ko ang paligid ko, hindi ito ang kwarto ko. Naramdaman ko na may gumalaw sa kama kaya naman napatingin ako doon.
Tumambad sa akin ang mukha at ang katawan ni Gino. Nanlaki ang mata ko at awtomatikong napatingin ako sa katawan ko.
I’m naked underneath the cover. Masakit ang pagkababae ko. Ibig sabihin...
Ibinalot ko pa lalo ang kumot sa katawan ko at sa ginawa kong iyon, nakita ko ang stain sa bedsheet na kanina ay natatakpan ng kumot.
Nangilid ang luha ko.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ‘to. Gusto kong umalis sa lugar na ‘to! Hindi ako ‘to!
Tumayo na ako at kinuha yung damit ko sa sahig. Kahit na may masakit sa akin, ginawa ko ang makakaya ko para isuot ang mga iyon.
Bago ako umalis, tinitigan ko si Gino. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya.
Ang himbing ng tulog niya.
Pero baka hindi na siya makatulog pa ng mahimbing ‘pag naalala niya ang nangyari.
“I-I’m sorry Gino,”
“Why are you sorry, Denise?” napalingon ako sa boses na iyon at nakita ko si Charles na prenteng-prenteng nakasandal sa pader.
“C-charles,”
“Ano ‘tong ginawa mo.” Paratang niya sa akin and I felt guilty. Unti unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko at hinatak niya ako palabas ng kwarto na iyon.
“H-hindi k-ko naman s-sinasadya eh,” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Anong hindi mo sinasadya?! Denise! I heard Sab and Carl talking and I heard everything! Alam ko na plinano niyo to!”
“P-pero hindi ko naman a-alam na g-ganito yung k-kahihinatnan n-nun,”
Napasuklay na lang si Charles sa buhok niya. “Paano mo ‘to nagawa sa kanila? Paano mo ‘to nagawa kay Shaira?!”
“Kase naghmamahal lang din naman ako! Hindi mo ako naiintindihan!” asik ko sa kanya.
Tinignan niya ako. And I can tell by his look na nandidiri siya sa akin. “Naaawa ako sa’yo Den. You’re so pathetic. Pero mas naaawa ako kila Gino at Shaira. Naisip mo ba kung gaano sila masasaktan? Naisip mo ba na masasaktan mo si Shaira na bestfriend mo?!”
Lalo akong naiyak sa sinabi niya.
“Bahala ka Denise, ayusin mo ‘tong gulo na ginawa mo.” Iniwan na niya ako pagkasabi niya non.
**
Hindi ko alam kung paano ko nakayang umuwi dito sa bahay.
Nanghihinang binuksan ko ang gate ng bahay.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, nakaramdam ako ng lungkot. Ang tahimik. Ramdam na ramdam ko na mag-isa ako. Nakakalungkot.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at nakita na nakabukas ang pinto nito. Nagmadali akong tinungo iyon at nakita ko sa loob si Ai, natutulog sa kama ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya habang patuloy sa pag-iyak.
Umupo ako sa tabi ng kama at tinignan siya.
“Ai, I’m sorry, I-i’m so sorry,”
Nagi-guilty ako. Hindi ko akalain na nagawa ko iyon sa bestfriend ko. Nagpadala ako sa inggit. Hinayaan kong mag-hari yung pagnanais ko na mapunta sa akin si Gino. Hindi ko inisip ang bestfriend ko. Nagsisisi ako.

BINABASA MO ANG
Maybe
Historia CortaCompleted! [Short Story] | 2013 ------- ~Malay mo, sa ibang mundo, maging tayo.~