Maybe (13)

84 3 1
                                    

Shaira’s POV

 

Bago ako bumalik sa bahay nila Den, dumaan muna ako sa store at bumili ng makakain. Bumili ako ng ice cream, chips at kung anu-ano pa. Bumili rin ako ng favourite ice pop namin ni Den. Si Charles din bumili dun sa store, natuwa kasi siya sa mga tinda doon.

Nang maihatid na niya ako, nagpasalamat ako sa kanya. Sa pakikinig niya sa akin pati na rin doon sa tulong niya sa ‘show’ namin in 2 days. Hindi ko naman kasi magagawa yun kung wala siya.

Pagka-pasok ko ng bahay nila, naamoy ako ng parang may niluluto na pagkain. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Den na naghihiwa ng hotdog. Pero bakit parang adobo yung naaamoy ko?

Naramdaman niya siguro ang pagdating ko kaya nag-angat siya ng tingin at ngumiti ako sa kanya ng makita niya ako.

“A-ai,” itinigil niya ang pahi-hiwa at naghugas ng kamay bago lumapit sa akin at tinignan niya ang mukha ko.

“U-umiyak ka nanaman ba?” tanong niya at naguumpisa na ring magtubig ang mata niya.

 

 

Hindi na pwede sa kanya ang iyak ng iyak. Baka kung mapaano pa siya—sila.

 

“Sshh, wag ka ngang umiyak Den. Hindi bagay sa’yo.” Biro ko sa kanya at ngumiti ako para hindi na siya mag-usisa pa kung umiyak nga ako pero mas lalo lang siyang naiyak sa ginawa kong iyon.

“Bakit ka ba ganya Ai! Bakit hindi ka galit sa akin? Bakit pinapansin mo na agad ako?! Bakit nagagawa mo pa ring ngumiti sa akin sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa’yo? Ai naman eh!” lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kasabay ng pagyakap ko sa kanya ang pagtulo ng luha ko.

Pinilit kong ayusin ang tono ng boses ko, ayokong malaman niya na umiiyak nanaman ako dahil sa kanya, masasaktan lang siya.

“Sshh, wag ka na sabing umiyak eh. Makakasama sa iyo ‘yan. Tandaan mo, may buhay na ring mabubuo sa sinapupunan mo.” Paalala ko sa kanya habang patuloy ako sa paghagod sa likod niya. Naramdaman ko na nanigas siya sa sinabi ko pero hindi nagtagal ay narinig ko ang paghagulgol niya.

“P-paano mo nalaman? Ai naman eh! Bakit ka ba ganyan? Nasaktan na kita at ngayon na nalaman mo pa yun mas lalo ka pang nasaktan! Shaira bakit hindi mo sinabi sa akin na alam mo na? Kelan mo pa nala—“

“Den, wag ng matanong ha? Sshh, tahan na. Alam ko na, at hindi... hindi na ako galit sa’yo.” Pigil ang pag-iyak ko at pinunasan ko na ang luha sa mga mata at pisngi ko.

Matapos kong gawin iyon, kumalas na ako sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

“Para kang bata,” biro ko sa kanya at gamit ang isa kong kamay, pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.

“A-ai,” tawag niya sa akin pero inunahan ko na siya.

“Sshh, wag ka ng umiyak sabi eh. Wag ng matanong Den, ha?”

Tumingin siya sa akin at ilang sandal pa ang nakalipas bago siya dahan-dahang tumango.

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon