Maybe (10)

97 3 1
                                    

Denise’s POV

“Ai! Ang tagal mo naman!” sabi niya kasi sa akin kukuhain lang niya yung book sa locker pero ang tagal niyang bumalik.

Lumingon siya sa akin at nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak.

Hala! Anong nangyari? Bakit siya naiyak?!

“Ai! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa’yo!? Okay ka lang ba?!” naga-alala ako sa kanya. Syempre bestfriends kami! Kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya pero laking gulat ko ng tumakbo siya palayo at hindi na lumingon pa kahit anong tawag ko sa kanya.

Bakit ganun ang reaksyon niya?

Natulala ako sa nangyari. Nakatanaw pa rin ako sa daan na tinahak ni Ai.

Kailangan langniya siguro ng oras mag-isa. Magsasabi naman siya sa akin.

Naiwan ni Ai ng bukas ng locker niya, kaya naman ako na ang nagsara non. Pagkasara ko naman nun, may natapakan ako.

“Ano ‘to?” yumuko ako para kunin ang mga iyon.

No.

Pictures. Tingnan ko pa ang ibang litrato.

No! No! This is not happening!

Nanlulumong tinigan ko ang mga litratong iyon.

Eto na.

Nangyari na yung kinakatakutan ko. Kinuha ko ang mga pictures na iyon at hinanap ko si Ai.

Kahit tumutulo ang luha ko, patuloy lang ako sa paghanap sa kanya. Lakad, takbo ako pero walang Ai akong makita.

Nang hindi ko na talaga makita pa si Ai sa school grounds, kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ilang beses ko ti-nry pero wala talaga, hindi niya sinasagot.

Napa-upo na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinignan ko ulit yung mga pictures na hawak ko.

Walang patid sa pagtulo ang luha ko. “I’m s-sorry Ai,” nasasaktan ako sa nangyari.

Ano pa kaya ang sakit na nararamdaman ni Shaira ngayon? Sigurado ako na walang-wala yung naramdaman ko noon sa nararamdaman niya ngayon.

Habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak, nag-type sa phone ko.

To: Gino

Gi, nalamn na ni Ai. Nlman na niya

Gino’s POV

From: Denise

Gi, nalamn na ni Ai. Nlman na niya

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko ang text ni Denise.

Nalaman na ni Sha.

Paano? How did she found out?

Di-nial ko ang number ni Sha pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Kinakabahan ako. Nangagamba ako na mawala sa akin si Sha. Baka hindi ko kayanin.

Sinubukan ko pang tawagan siya ulit pero hindi niya talaga sinasagot. Naibato ko ang phone ko sa sobrang galit. Hindi kay Sha kundi sa sarili ko.

Sinuntok ko ang pader sa kwarto ko, paulit-ulit kong ginawa iyon at di ko namalayan na umiiyak na ako. Hindi dahil sa sakit ng pagsuntok ko sa pader, ano ako tanga? Umiiyak ako dahil nasaktan ko ang babaeng mahal ko.

Akala ko tapos na. Akala ko wala ng problema. Pero... akala ko lang pala.

Shaira’s POV

MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon