Gustong makasiguro ni Kaira kung totoo ang hinala ni nanay Rosie kaya bumili siya ng Pregnancy test kit.
Nasa banyo si Kaira natatakot siyang tingnan ang resulta ng test.
“Go girl… kayak o to… kayak o to”kinakausap ni Kaira ang kanyang sarili nanginginig na tiningnan niya ang P.T. kit at tama ang sabi ni Nanay Rosie buntis nga siya.
Nagpasya si Kaira na sabihin sa kanyang ama nang kanyang natuklasan.
“Pa..”
“Bakit? Erika may ginawa ka na namang katarantaduhan hah?”umangat ang tingin ng kanyang papa mula sa binanasa nitong dyaryo.
“Pa… I’m pregnant”
“What?!!!!!! Sino ang ama niyan!!! sabihin mo sino?!!!” parang tigre na kahit anong oras ay manlalapa ang itsura ni Don Emilio.
“Si Luke po Pa” *hik* nagulat si Kaira sa pagsigaw ng kanyang ama nanginginig siya sa takot kaya napaiyak na lamang siya.. kung kanina ay parang tigre ito sag alit ngayon ay parang bumbilya naman ang mukha nitong unti-unting lumiwanag.
“Go upstairs and get dressed at may pupuntahan tayo.” Yun lamang ang sinabi ng kanyang papa agad na umakyat si Kaira sa kanyang kwarto. Habang nagbibihis si Kaira kumakabog ng malakas ang kanyang dib-dib dahil sa kanyang hinala sa gustong gawin ng kanyang ama. Makalipas ang ilang sandali nasa sasakyan na si Kaira at sa Don Emilio. Dahil na rin sa kanyang pagbubuntis nagiging matulugin si Kaira kaya habang sila ay naglalakbay ay nakatulog siya. Nagising si Kaira sa bahagyang pagtapik sa kanya ni Don Emilio at ngayon nasa tapat na sila ng isang malaking gate, nang buksan ng dalawang guard ang gate natanaw niya ang isang napakagandang tanawin nasa hallway palang sila ay halatang alagang alaga ang lugar.Bumaba na sila ng kanyang ama nang pumasok sila itinuro ng isang katulong kung nasaan ang hinahanap ng kanyang ama, at ngayon tama nga ang kanyang hinala na sa bahay ng mga Ramirez ang kanilang tuloy, Dinala sila ng katulong sa dinning area at naabutan nila ng kanyang ama ang isang tahimik na pagsalu-salo ng pamilya Ramirez.Pagkakita sa kanila ni Don Roberto Ramirez ay agad sila nitong sinalubong ng bati.
“Kumpadre!!” Niyakap ni Don Roberto ang kanyang Papa “ What a pleasant sueprise?”
“Hay, Naku Kumpadre mas lalo ka pang masusurpresa sa magandang balita ko mamaya”
“Ikaw talaga kumpadre ang ganda ng timing mo lagi ka na lang nagdadala ng magandang balita, oh sige na mamaya na natin pag-usapan yan, halika kumpadre saluhan mo kami” sabi ni Don Roberto.
Napagitnaan si Kaira ni Don Emilio at ng isang lalaki na sa tingin niya ay ang nakababatang kabatid ni Luke. Natigilan si Kaira sa pagtingin sa katabing babae ni Luke nang tawagin siya ni Don Roberto, dahil hindi naman maaaring kapatid ito ni Luke dahil ang alam niya ay dalawang lalaki lang ang anak ni Don Roberto at Donya Lucia ang asawa ni Don Roberto.
“Hija, ito nga pala si Miguel ang bunso ko” pagpapakilala ni Don Emilio sa katabi niyang lalaki. Nang Tinignan ito ni Kaira ay ngumiti lamang ang lalaki.
“At ito naman ang aking panganay na si Luke”, Nang tignan ni Kaira si Luke ay nakita niya ang galit na mga mata ng lalaki.
Nagtaka si Kaira dahil hindi pinakilala ng Don ang babaeng katabi ni Luke.Hindi makatiis si Kaira na hindi makilala ang babae sa di niya maipaliwanag na dahilan. Tumayo siya sa kanyang inuupuan at inilahad ang kamay sa babae,
“Hi Im Erika Kaira Leviste”. Tinanggap ng babae ang kanyang kamay,
“Im Karol Sanchez”. Sagot naman nito.
“Karol Sanchez, Isn’t it na ikaw yung writer ng isang Teleserye na pinagibidahan ni Nicole Gomez?” Tanong ni Kaira.
“oo, ako nga, pano mo nalaman?” nagtataka si Karol dahil bihira lang sa mga nanonood ang nakakaalam ng mga writer ng isang show.
“Best friend ko si Nicole, nag-start siya dati sa modelling kung saan kami nagkakilala pero nag stop na ako sa modeling and then nag audition siya para sa show and finally natanggap siya, nabanggit ka kasi sa akin nang minsan ay dumalaw siya sa bahay”. Mahabang pahayag ni Kaira. Nagpatuloy na sila sa kanilang pagkain tahimik lang si Kaira habang ang dalawang matandang lalaki ay walang tigil sa kakakwentuhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/848004-288-k196294.jpg)
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
Roman d'amourMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(