chapter 10

4.1K 101 5
                                    

Namimili si Kaira sa grocery kasama si Joshua at si Aling  Ising  isa sa mga kasambahay nila para sa gaganaping party ni Joshua bukas. Nagtungo din sila sa Goldilocks at nag pagawa ng birthday cake.      

  ARAW NG BIRTHDAY NI JOSHUA maraming dumalong mga kaklase sa pre-school at kaibigan ni Joshua sa birthday nito. Naging abala si Kaira sa pagaasikaso sa mga bisita, sa mga pagkain at iba pa ng may biglang humila sa kanya nang lingunin niya ay si Miguel ang humihila sa kanya.

“Miguel sandali kailangan kong bumalik sa loob aasikasuhin ko pa yung mga pagkain sa kusina na ilalabas” sabi ni Kaira

“Hayaan mo na sila aling Ising dun kaya na nila yan may ipapakilatis ako sayo kung papasa ba siya sa taste mo, ikaw ha iniiwan mo yang asawa mo dun sa table  mamaya mag-hanap iyan ng iba” pag-bibiro pa ni Miguel kay Kaira.

“Sino na naman ang ipapakilala mo sa akin bago mo na naming biktima hah?”

“Grabe biktima? Ano ako serial killer hah.”

“Aminin mo na kasi bago mong fling.”

“Sort of…. Aray ano ba bat ka nangungurot.”

“Ikaw talaga hindi ka na nagbabago kalian ka ba seseryoso sa babae ah.”

            Pagkarating nila sa mesa na nakalaan para sa mga ilang mga kaibigan at kamaganak napansin agad ni Kaira si Luke na tahimik lang at pinaglalaruan ang hawak nitong baso na may lamang alak at may bakanteng upuan sa tabi nito. Binulungan siya ni Miguel na umupo sa tabi ni Luke at umupo naman siya. Ipinakuha ni Kaira si Joshua kay Melda ang nag aalaga dito dahil ibibigay na daw ng mga lolo at lola nito ang mga regalo para sa kanya.

“Kaira ito nga pala si Miles” pagpapakilala ni Miguel sa babaeng nakaupo.

“Hi” bati ni Kaira sa babaeng kasama ni Miguel.

*ito ang posisyon nila sa

Donya lucia | Don Roberto| Don Emilio

________________________________

Luke |  Kaira| Miguel | Miles

“Maganda siya hah.” Bulong ni Kaira  kay Miguel na katabi lang niya.

“Syempre naman… tong gwapo kong to pipili ng pangit no way.”

“Aray!!! Ang delicate skin ko sinisira mo.” Kinurot na naman ni Kaira si Miguel napalakas ang sigaw ni Miguel kaya napatingin silang lahat.

Dumating si Joshua at agad na tumakbo ito papunta sa kanila ni Luke.

“O, andito na pala ang birthday boy natin ah” sabi ni Don Roberto.

“Lolo where is my gift?” sabi ni Joshua. Natawa ang mga matatanda sa ginawa nito. Ibinigay na nila Miguel, Don Emilio at ng iba pa ang kani- kanilang mga regalo pero si Don Roberto at Donya Lucia ay hindi pa rin nag bibigay.

“ Lolo,Lola where is my gift?” ni Joshua

“Apo, our gift  for you is the perfect gift of all, gusto mo na bang malaman kung ano”

“ yes, Lolo”

Ibinigay ni Don Emilio ang isang sobre kay Joshua. “daddy, open it” sabi ni Joshua kay Luke. Binuksan ni Luke ang sobre at nakita roon ang tatlong ticket ng  eroplano papuntang Boracay.

“Pa, Ma bakit po ticket papuntang Boracay at ano tong pera para saan to at kung magbabakasyon kayohindi po pwedeng sumama sa inyo si Joshua papuntang Boracay baka hanapin nito si Kaira” tanong ni Luke.

“Sino bang nagsabi na kami ang kasama ni Joshua papuntang Boracay, kayong tatlo ang pupunta sa boracay para na rin makapag-bakasyon kayo o di kaya eh have your 2nd honeymoon” sabi Don Roberto para ang regalo naming sa apo naming ay ang time para gumawa kayo ng kapatid niya. Parehong gulat at kinakabahan si Kaira at Luke sa sinabi ni Don Roberto dahil alam nila na mahirap tanggihan ang gusto ng Don pero mas kinakabahan si Kaira sa huling sinabi ng Don “2nd Honeymoon” paulit-ulit na sabi ng utak ni Kaira.

“Pa, I have a lot of work to do, hindi ko basta-basta pwedeng iwan ang kompanya” sabi ni Luke.

“Oh come on, Nathaniel Luke Ramirez, andito pa ako ang CEO ng kompanya kayang-kaya na naming yan ng kapatid mong si Miguel kahit isang taon ka pang mawala” ni Don Roberto. Nang tapunan ni Luke nang nagpapatulong na tingin si Miguel ay nakita niyang ngingiti-ngiti ito, dahil sa inis ay binato niya ito ng tissue.

“Oh pikon ka na naman Kuya, pumayag ka na kasi spend time with your WIFE ang your son.” sabi ni Miguel na diniinan pa ang salitang wife para mangasar. Hindi na nakatanggi si Luke at Kaira sa pagpunta sa Boracay kahit pa ayaw nila dahil hindi sila makatanggi kay Don Roberto. Kaya naman inayos ni Luke ang lahat sa opisina bago sila magbakasyon.

“Mommy, daddy punta po tayo please gusto ko punta mommy please.”

“Ah… eh… baby ask your daddy.” Hindi alam ni Kaira ang isasagot sa anak niya.

“Daddy punta tayo… gift to sakin eh kaya punta tayo.”

“No, hindi tayo pupunta madaming gagawin si daddy.”

“Huhuhu (nagsimula ng umiyak si Joshua) lagi ka naming maraming gagawin eh.. gusto ko punta gusto ko punta huhuhuhu.”

Umiiyak na si Joshua sa totoo lang ay hindi alam ni Luke ang gagawin niya dahil baka hindi siya makapagpigil sa nararamdaman niya kay Kaira because she want her wife badly as in BADLY masyado lang mataas ang pride niya pero ahil ayaw niyang nakikitang umiiyak si Joshua ay sumuko na rin siya.

“Ok!! pupunta na tayo stop  crying na baby.”

--------------------------------------------------------------------------------------------

waaah ano na kaya mangyayari sa honeymoon daw haha chorva ready na ba ako for BS.... OMG!!!

A Beautiful Mistake (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon