chapter 8

3.9K 106 5
                                    

 Pagkakita ni Miguel kay Luke ay galit ang kanyang naramdaman agad na nakatikim si Luke ng suntok mula kay Miguel.

“Anong klaseng asawa ka hah? Alam mong malapit nang manganak ang asawa mo para ka pa ring binata kung umasta na magpakasaya, uminom at  uuwi kung kalian mo gusto. Nahalata ni Miguel na nakainom si Miguel dahil amoy alak ito.

“Ano ba kayong dalawa, Tama na yan, tumigil na kayo” awat ni Donya Lucia sa dalawang anak na nagsusuntukan at tumigil nga ang dalawa.

“Ikaw, Luke kapag may mangyari kay Kaira at sa apo ko hinding hindi kita mapapatawad.” Patuloy na sabi ni Donya Lucia .Napayuko na lang si Luke sa mga sinabi ng kanyang ina at kapatid. Kasabay ng kanilang pananahimik ay ang paglabas ng doctor, pare-pareho silang napatayo upang salubungin ito.

“Dok, kumusta na po siya” tanong ni Miguel.

“She’s good now,  ikaw ba ang kanyang asawa? The baby boy was very healthy, you don’t have to worry.”

“Ako po ang kanyang asawa” singit ni Luke nang mapagkamalan ng doctor na si Miguel ang asawa ni Kaira.

“I’m sorry.. hinging paunmanhin ng doctor. “by the way ililipat na namin ang pasyente sa  private room.”

“thank you dok” tanging nasabi ni Luke.

“It’s my job” sabi ng doctor at nagpaalam na. Inilabas na nila si Kaira sa Operating room. Nakahiga ito sa stretcher.

“Kaira” bulong ni Luke habang sumasabay sa stretcher na kinahihigaan nito.

“Luke.. tanging nasabi nito at sandaling nagmulat ng mata ngunit pumikit rin agad.

“Mamaya niyo na lang po siya kausapin kailangan niya po munang magpahinga” sabat ng nurse na nagtutulak ng stretcher.

Nakasandal si Luke sa hallway ng ospital sa labas ng private room ni Kaira ng biglang lumabas ang isang nurse.

“Excuse me sir kayo po ang asawa ni maam kaira diba?”

“Yes…. bakit?”

“gusto po ba ninyong silipin sa nursery ang anak ninyo?” sumama si Luke sa nurse ng nasa tapat na sila ng nursery hinintay niya ang paglabas ng nurse,, ng sa wakas ay lumabas ito hawak ang isang sanggol binigay ng nurse ang bata kay Luke.

Pagkahawak at pagkakita ni Luke sa bata ay hindi niya napigilan ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata naguguluhan siya sa kanyang sarili dahilsa tingin niya ay nahuhulog na siya sa ina ng kanyang anak ngunit pilit niyang tinatago sa kanyang sarili.

*end of flashback*

At ngayon ay malaki na ang kanilang anak na si Joshua. Di namalayan ni Kaira ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi.

“Mommy bakit po kayo umiiyak” sabi ni Joshua.

“Ah…eh wala ‘to baby napuwing lang si mommy” pagsisinungaling ni Kaira.

“Halika nga rito pawis na pawis ka na hah.. Eat your food now we need to go home early.”

“Ok po mommy”

Pagkatapos kumain ay umuwi na si Kaira at Joshua. Tulad ng inaasahan nasa garden si Luke at nakasubsob sa mga papeles na nasa harapan nito.

“Daddy, daddy” patakbong tawag ni Joshua kay Luke.

“Hey, baby” sabay buhat kay Joshua at inupo sa kandungan nito.

“Daddy, bakit hindi ka sumama sa amin ni Mommy?”

“Maraming ginagawa si daddy eh next time nalang sasama si daddy ah”.

“Ok daddy basta promise yan ah”

Pinanonood ni Kaira ang kanyang mag-ama na nag-uusap sa Garden. Nakita niyang nagkukulitan na ito at nag hahabulan di sinasadyang nakita siya ni Joshua.

“Mommy come here join us” sabi ni Joshua.

“Ah…eh… baby wag na may gagawin pa si Mommy” pagdadahilan niya. Pero nakalapit na si Joshua sa kanya at hinihila siya ito wala siyang nagawa kundi makisalo sa pagkukulitan ng mga ito. Natutuwa si Kaira dahil nakita niyang nakangiti si Luke na parang hindi ito galit sa kanya. Dahil loob ng limang taong pag-sasama nila sa iisang bubong bilang mag-asawa ay hindi niya ito nakitang ngumiti sa kanya gaya ng pag-ngiti nito ngayon. Kung may makakakita man sa kanila ay sasabihing isa silang masayang pamilya ngunit hindi iyon ang totoo dahil natali sila sa pagsasama na sa una pa lamang ay mali na dahil hindi siya ang nasa puso ni Luke.

            Kinabukasan ay maagang nagising si Kaira dahil pupuntahan niya ang kanyang dati niyang manager na si Kirby ang baklang manager nila ni Nicole noong sila ay nag-uumpisa pa lamang, nais niya itong kumustahin dahil matagal-tagal na rin silang hindi nakapag-kuwentuhan. Pag-labas niya ng kuwarto ay siya ring pag-labas ni Luke sa kuwarto nito. Kahit na limang taon nang nag-sasama si Luke at Kaira ay hindi sila magkatabi sa isang kuwarto. Napansin niya na tinignan siya ni Luke mula ulo hanggang paa. Napayuko siya dahil sa ginawa nito, nakasuot lamang siya ng isang flowy na bestidang puti na above the knee, maganda ang damit para siyang isang dalaga na wala pang anak.

“Magpalit ka nga ng damit, masyadong maikli yang suot mo, tandaan mo may asawa ka na at dinadala mo ang apelyedo ko, kaya umayos ka” sabi ni Luke na agad siyang tinalikuran at bumaba na ng hagdan. May asawa nga pero kahit kailan  hindi mo naman pinaramdam na asawa nga kita. Sabi ni Kaira sa sarili. Pumasok ulit si Kaira sa kanyang kuwarto at nagpalit.

“Magpalit ka nga ng damit, masyadong maikli yang suot mo, tandaan mo may asawa ka na at dinadala mo ang apelyedo ko, kaya umayos ka” sabi ni Luke na agad siyang tinalikuran at bumaba na ng hagdan. May asawa nga pero kahit kailan  hindi mo naman pinaramdam na asawa nga kita. Sabi ni Kaira sa sarili. Pumasok ulit si Kaira sa kanyang kuwarto at nagpalit.

------------------------------------------------------------------------------------------

Magulo ba? pangit ba? sorry hehe ^_^ wala akong maisip eh haha comment kau sa baba vote nyu rin kung nagustuhan nyu hehe tenchu J

A Beautiful Mistake (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon