Sorry ang tagal kong mag-update busy kasi eh hahaha pero namiss ko si watty haha at di ko mapigilan kaya ito na ang update haha.. senya kung medyo pangit tong chappie na to ahh badtrip kasi ako ngayon kasi nmn ung prof. ko nagpa surprise quiz eh ako nmn na si tamad hindi nagreview 18 over fifty tuloy wahaha baba talaga ako… share lang haha
***************
“Oh! Luke napadaan ka welcome back sa Dinoco club dude.” Bati ni Dino sa kanya ito ang leader at pasimuno sa pagtatag ng Dinoco Club na isinunod pa talaga sa pangalan nito dahil mga alipores lang daw sila. Isa itong car racer noon pero hindi na ito sumasali sa anumang karera nagsisilbi na lamang itong head crew ng ibang miyembro kapag mayroong karera kung bakit hindi na ito sumasali sa anumang karera ay dahil sa dati nitong fiancé na si Annie. Ang Dinoco Club ay lugar para makapag-unwind silang magbabarkada bumabaha ng alak at babae ang lugar may kanya-kanya rin silang pad sa naturang building ngunit hindi niya na nagagamit mula ng nag-asawa siya.. ang tambayan nila kung saan sila nagiinuman nasa pinakamataas na floor. Sa Dinoco Club isa lang ang pagkaparepareho nila bukod sa mahilig sa babae ay ang mahilig sa mga sasakyan. Si Luke pa lang ang nag-aasawa sa kanilang lahat pero ang iba ay may girlfriends mga serious girlfriends.
Tumango lang si Luke “Oh napadpad si Daddy.” Biro ni Dazz sa kanya ang pangalawa sa pinakababaero sa kanila, nakatuwaan na siyang tawagin nitong daddy dahil siya daw ang literal lang na daddy sa kanila.
“Bakit may angal ka Dazz.”
“Wala naman… bakit may problema kayo ng maganda at hot mong misis?” Tiningnan ni Luke ng masama si Dazz.
“Chill dude mainit na naman ulo mo nagbibiro lang si Dazz.” Sabi ni Rob kay Luke isang miyembro rin ng Dinoco Club dahil parang toro na itong umuusok ang ilong.
“Gusto nila papa na mag honeymoon daw kami.” Flat na sabi ni Luke.
“Whoa so yun ang pinunta mo dito para mag warm up sa mga girls natin dito dahil 6 years na ba yun o mahigit na tigang ka.” Sabi ni Drake
“Tarantado anong mag warm up baka hindi pa sumama si Kaira na mag honeymoon diyan kapag nalaman niyang binigyan ko yan ng babae” sabi ni Dino na kararating lang mula sa kung saan at may akbay ng babae. “Dude hindi na kita pwedeng bigyan ng babae Viagra na lang ang ibibigay ko sayo.” Nagtawanan ang lahat ng nandoon.
“haha hindi na yan magwawarm-up baka nga nag-iinit nay an eh.” Nagkatawanan silang lahat. “Pero seriously buti nadalaw mo kami dito pare, sayang kompleto na sana tayo kung andito si Blake asan ba kasi ang unggoy na yon wag niyong sabihin na sinusundan pa rin si Corene.” Komento ni Ace isa ring miyembro.
“Hayaan niyo na iyon inlababo yun eh.” Sabi naman ni Brix.
“Nagsalita ang hindi inlababo… eh hindi pa rin nahuhulog sa charms mo si Tricia mukhang wala ka atang charms kapatid… teka ha sa pagkakatanda ko ay dalawang beses ka na niyang nautakan dati ay noong sa village kung saan natang--- .” tinakapan si Brix ang bunganga ni Rusty ang kuya niya dahil sadyangnakakahiya ang nangyari noon.
“Yun oh tinakpan pa eh… anu yun Rusty nakakahiya ba kwento mo na para may maasar tayo dito oh.” Sabi naman ni Sam.
“Shut up Sam.” Sabi ni Brix. Uminom ng gabing iyon si Luke kasama ang mga kaibigan niya. Nang mapagpasyahan niyang umuwi ay inulan na naman siya ng salita sa kanila.
“Whooo good luck sa honeymoon kaya mo yan wahaha.” Sabi ni Sam
“Dude yung Viagra daan ko na lang sa bahay niyo bili ako ng marami wag kang mag-alala.” Sabi ni Dino.
“Kala ko ba mag wawarm-up ka dito.” Sabi ni Drake.. iiling-iling na umalis si Luke sa club dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan sa kanya.
************************
Nakarating na sina Luke sa Boracay, nang makarating sa Boracay tumuloy sila sa isa sa mga hotel ng ninong nila ni Kaira sa kasal na si Mr. Steven Smith na isang Amerikanong kaibigan ng kanilang mga ama. Pinatuloy sila nito sa isa sa mga suites nito. Dahil sa pagod sa biyahe nakatulog si Joshua at si Luke naman ay sumama kay Mr. Smith dahil kasalukuyan daw nitong bisita ang ilan sa mga kliyente nito. Nag-shower si Kaira at sinuot niya ang isang skirt at isang spaghetti strap na blouse. Walang magawa si Kaira kaya naisipan na lang niyang manuod ng T.V., hindi napansin ni Kaira na nagising na pala si Joshua.
“Mommy, where’s daddy?” tanong ni Joshua.
“May pinuntahan lang baby kasama ni Lolo Steven.”
“Mommy puntahan na natin si daddy, I want to play na. Please mommy” sabi ng bata na nag papacute pa.
“Ok, baby pero mag shower ka muna ah”
“Yehey” sabi nito sabay takbo sa banyo samantalang kinuha ni Kaira ang sabon at towel nito at kumuha rin ng damit pangpalit nito.
Bumaba na sila Kaira matapos nag-shower ni Joshua nadatnan nila sina Luke na may mga kausap na lalaki na halatang mga negosyante, agad na nakita ng bata ang ama nito at tumakbo papalapit dito.
“Oh, hello kiddo” sabi ni Mr. Smith.
Walang nagawa si Kaira kundi lumapit nalang kay Luke.
“Gentlemen’s this is my Wife, Kaira and my handsome son Joshua” pagpapakilala ni Luke sa kanilang dalawa.
“So Luke are you here for your second honeymoon” tanong ng isang lalaki na kasama ni Luke na si Mr. Samaniego. Namula si Kaira dahil sa tanong nito tinignan siya ng asawa at ngumiti.
“Yeah, pinipilit na kasi kami ng mga olds na sundan ‘tong si kulit.” Sagot ni Luke. Nagkatawanan ang mga ito, ilang sandali ang nagdaan at nagpaalam na rin ang mga kausap ni Luke. Dahil pasado 6:30 na ng gabi ay nagpasya si Luke na kumain na sila. Umorder ito ng ibat-ibang seafoods. Habang kumakain ay masayang nagkwekwentuhan ang mag-ama sa mga gagawin ng mga ito kinabukasan.
Nang makarating na sila sa hotel ay naunang nagshower si Luke, pagkatapos nitong magshower ay pinaliguan na ni Kaira si Joshua nang matapos ito ay binihisan na ito ni Kaira ng pangtulog at siya naman na ang nagshower, pagkalabas niya ng banyo ay hindi siya napansin ng dalawa dahil busy ang mga ito sa pagkukulitan. Matapos magpalit ay lumapit siya sa dalawa.
“baby sleep ka na para magplay kayo ni daddy bukas” sabi ni Kaira kay Joshua.
“ok mommy” sabi nito at binuhat na ito ni Kaira dinala sa isang kwarto ng suite.
Gustuhin man ni Kaira na huwag tumabi kay Luke ay wala siyang magagawa dahil dalawa lang ang kwarto ng suite na tinutuluyan nila hindi naman siya pwedeng tumabi kay Joshua dahil tiyak na magtatanong ang mga magulang niya kung saan siya natulog at hindi pa naman marunong magsinungaling ang kanyang anak sa mga ito.
Naiinis si Luke sa sarili dahil sa kakaibang init sa katawan na naramdaman niya ng nakita niya si Kaira na nakaroba. Natauhan siya ng pumasok na si Kaira sa silid nila at dumerecho na sa kama at natulog.
Kinabukasan ay medyo natanghali ng gising si Kaira dahil napasarap ang tulog niya pasado alas diez na ng umaga at wala na ang kanyang katabing asawa. Agad siyang naligo at nagpalit pagkalabas ng silid ay wala si Joshua at Luke nakita niya ang isang note sa center table ng sala na sinulat ni Luke na nagsasabing nasa baba daw sila ni Joshua sa may seafood restaurant na nadaanan nila kahapon pagkarating nila naglalaro. Halos patakbong lumabas si Kaira dahil alam niyang hindi sanay si Luke na magalaga ng bata baka maubos ang pasensiya nito dahil sadyang makulit ang kanilang anak. Dahil sa pagmamadali kinuha nalang ni Kaira ang cellphone at relo na nakita niya sa bedside table. Hindi na niya nagawang suotin ang relo kaya ng makarating sa lobby ay sinuot na niya, dahil sa pagsusuot ng relo ay hindi na siya tumitingin sa dinadaanan niya kaya naman nabangga niya ang isang lalaki.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Haaayy buhay ilang libro ang binasa ko para sa B.S. hmmp sana mgawa ko ng maayos wahahaha..
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
RomanceMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(