chapter 9

4K 97 3
                                        

Pagkapasok sa studio ni Kirby na kung saan ginaganap ang mga photoshoot ng ilang mga modelo na hawak nito ay agad niyang napansin ang friend manager niya na kausap ang isang matangkad at morenang babae na halatang isa sa mga talents nito. Nang lumingon ito sa gawi niya ay kinawayan niya ito at naglakad siya patungo sa kinaroroonan ni Kirby.

“Hi! Long time no see” bati niya kay Kirby.

“Wow! Om my goshie! Kaira ikaw ba yan bakit  parang mas gumanda ka yata mula nang ikasal ka sa so-handsome na asawa mo at nang manganak ka, haaay… I can’t believe mas lalo kang sumexy wala talagang kupas ang beauty mo iba na talaga ang inspired” gaya ng inaasahan niya lalabas na naman ang pagiging daldalero ni Kirby.

“Yeah, inspired sa mga problema” sabi ni Kaira.

“Problema?” taking tanong ni Kirby.

“ah, wala niloloko lang kita” pagsisinungaling niya kay Kirby dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya kapag inilahad niya dito ang tungkol sa masalimuot na married life niya.

“Halika, let’s have breakfast hindi pa kasi ako kumamakain ng agahan eh, ang daming trabaho” pag-yayaya ni Kirby. Nang mapalingon si Kaira nakita niya ang ibang mga modelong lalaki na halos kasabay niyang pumasok sa modeling at hanggang ngayon ay talent pa rin ni Kirby, at kumaway at ngumiti ang ilan sa kanya kaya ginatihan niya rin ang mga ito ng kaway at ngiti, nagpapasalamat siya at naaalala pa siya ng mga ito. Nang lingunin niya naman ang mga babaeng talent ni Kirby ay napansin niyang ang karamihan sa mga ito ay bago, napansin rin niyang mukhang masama ang tingin ng ilang mga babae dahil siguro iyon sa pagkaway at pagngiti niya sa mga lalaki na marahil ay mga nobyo ng mga ito.

Tahimik silang kumain ni Kirby at ng matapos silang kumain ay nag-kuwentuhan naman sila. Naputol ang kanilang mahabang pagkwekwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Kaira.

“Hello”

“Kaira anak nasaan ka ngayon” sabi ng nasa kabilang linya na si Don Emilio.

“I’m with a friend dad, kayo po nasaan kayo ngayon nakauwi na po ba kayo?”

“Yeah andito na ako sa Pilipinas anak, actually I’m here at Luke’s office naisipan kong umuwi dahil namimiss ko na ang apo ko” nitong nakaraan ay nawili si Don Emilio na mag-libot libot sa iba’t-ibang bansa.

“Ah, ok dad, sa bahay na po kayo mag-dinner mamaya para makasama niyo po si Joshua” sabi ni Kaira.

“O sige anak, by the way kayo muna ni Luke ang itre-treat ko ngayong lunch pumunta ka na lang dito sa office niya, ok.” Sabay baba ng telepono na hindi man lang pinakinggan kung pumayag siya o hindi. Walang nagawa si Kaira kundi sundin ang kanyang ama, pero 8:30 am palang at mamayang lunch pa ang kanyang lakad kaya naman niyaya niya si Kirby na mag-shopping muna sila. Bumili si Kaira ng damit niya sapatos at kung ano-ano pa dahil matagal na rin siyang hindi nakakapag-shopping. Nang 10 am na ay nag-paalam na siya kay Kirby at nagpahatid siya sa kanyang driver sa office ni Luke. Pagpasok niya sa Building ng Ramirez motors ay agad siyang binati ng gwardiya.

“Good morning po Mrs. Ramirez” bati ng gwardiya sa kanya.

“Good morning” bati niya rito at nginitian niya ito ng isang ngiting totoo dahil sa pagbati nito sa kanya. Habang nag-lalakad sa Lobby nakita niya ang ilang mga kalalakihan na napapalingon sa kanya, siguro marahil dahil iyon sa paglakad niya na lakad ng mga modelong rumarampa na hindi na niya maalis dahil nasanay na siya. Sumakay na siya ng elevator at pinindot niya ang 15th floor na kung nasaan ang opisina ng kanyang asawa. Nasa likod niya ang dalawang babae na busy sa pag-aayos ng mga papeles at folders at sa pag-uusap.

A Beautiful Mistake (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon