“Mukhang tinatanong mo pa rin sa sarili mo kung bakit ka pinakasalan ni Luke gayong may fiance siya na mahal niya.”
“sa totoo lang po yun nga po ang gumugulo sa akin noon pa lang.”
“Hindi ama ni Luke si Roberto si Luke hija, anak ko siya sa nobyo ko noon.. pareho kaming hindi handa ng nobyo ko noon sa pagdating ni Luke iniwan ako ng ama ni Luke dahil takot ito sa responsibilidad na gagampanan kay Luke nakilala ko si Roberto at tinanggap niya kami ni Luke hindi siya nagdalawang isip na ampunin si Luke…”
*So kaya pala ako pinakasalanni Luke ay para sa anak namin… hindi niya ako mahal* naisip ni Kaira *asa pa ako*
“Ayaw ni Luke na lumaking bastardo ang anak niya at maranasan nito ang naranasan niya, mabait ang anak ko Kaira alam kong hindi magtatagal ay mamahalin ka niya ng buong puso marahil ay hindi ngayon dahil magulo pa ang isip niya.”
Katatapos lang mag-usap ni Kaira at Donya Lucia nilibot ni Kaira ang buong garden kung saan naganap ang reception hinahanap niya si Luke nang makita niya ito ay lalapitan niya sana pero napansin ni Kaira na may kausap si Luke, nagtago si Kaira sa may likod ng puno.
“Please, wag kang mageskandalo dito.. ano ba tumigil ka na wag ka ng pumasok magkakagulo lang sa loob pag-uusapan lang tayo.” Pilit na pinipigilan ni Luke si Karol na pumasok sa loob.
“Luke bakit mo siya pinakasalan!!! alam kong mahal mo ako bakit mo to nagawa. Please Luke just say you love me at babalikan mo ako at iiwan mo siya hindi ako aalis ng bansa Luke!!! Sumagot ka..
“Karol magkakaanak na kami buntis siya.. diba alam mo naman ang tungkol sa akin Karol ayokong matulad sa akin ang anak ko.”
“So pinipili mo siya!!! Hah!!! Pagkatapos ng lahat Luke!! Binigay ko sayo ang lahat believing na ipaglalaban mo ako sa kahit ano..”
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mistake (chapter 1)
RomanceMahal ni Kaira si Luke ginagawa niya ang lahat para maging isang mabuting asawa at ina sa kanilang anak pero bakit parang hindi iyon makita ni Luke. :(
