chapter 12

3.9K 103 3
                                        

*******************************

“Naku, sorry, sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, pasensiya ka na” sabi ni Kaira.

“Kaira?”

“Roland!, anong ginagawa mo dito?”

“wala lang inaayos ang negosyo habang nagbabakasyon, ikaw”

“Nagbabakasyon……with my husband and Joshua”

“ahh, s’an ka pupunta”

“Pupuntahan ko sila Luke andiyan sila sa labas”

“samahan na kita”

“sige” sabay na lumabas si Kaira at Roland. Pagkalabas ng hotel ay agad na tinungo ni Kaira ang sinabing restaurant ni Luke nakita niyang nagkukulitan ang dalawa nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya ngunit nang mapansin nito na kasama niya si Roland ay tila ba nagiba ang ekspresyon ng mukha nito na tila ba naiinis na nalungkot na hindi niya maintindihan o baka naghahallucinate lang siya. Lumapit na siya sa mesa ng mga ito.

“Hi, mommy” sabi ni Joshua

“Hi, baby, naku basa na ang t-shirt mo, change ka muna ng clothes ah. Luke papalitan ko muna ang damit ni Joshua mag-order ka na babalik din kami agad” ni Kaira.

“sige” tipid na sagot ni Luke

Bago umalis si Kaira binalingan niya si Roland.

”kumusta, pare” tanong ni Roland.

“ok lang. Ito nagbabakasyon”.

“sige pare pupuntahan ko pa yung mga kasamahan ko” sabi ni Roland kay Luke tumango lang si Luke bilang sagot.

 Natapos ang araw na iyon sa pagsasaya ng mag-ama naiinis si Kaira kay Luke dahil kung umasta ito ay parang hindi siya kasama nito.”hindi ka na nasanay Kaira sa mahigit anim taon na ginawa ng Diyos na hindi ka pinagtuunan ng pansin ni Luke”

Masyadong nag-enjoy ang mag-ama kaya naman nakatulog na agad si Joshua. Kalalabas ni Kaira sa banyo nang matapos na siyang magshower  naabutan niya si Luke na nakaupo sa couch at  umiinom ng beer habang nanunuod ng basketball.

“Tumawag si Kirby sabi ko nagshoshower ka, magreturn call ka na lang daw sa kanya” sabi ni Luke na ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Agad na tinungo ni Kaira ang walk-in closet at nagpalit, pagkatapos magpalit ay kinuha agad ni Kaira ang kanyang cellphone at tinawagan si Kirby.

“Kirby, tumawag ka daw kanina?” tanong ni Kaira.

“yeah, I have a proposal for you darling if you still want to do modeling. I submit your photo to my friend Janice Fier  because she is looking  for a model to come up with the “Face of Asia” for her new cosmetics that will be out in the market soon, take note honey it’s not just a cosmetic it will be a high quality cosmetics by Janice Fier the very popular make up artist of different Hollywood stars and you are very lucky darling because Janice  pick your beauty.” Sabi ni Kirby.

“Kirby, you know that I love modeling and it’s a very nice proposal pero hindi naman ako dapat padalos-dalos sa pagdesisyon dahil may anak na ako I will ask Luke first.”ni Kaira.

“hmm.. ang suwerte talaga ng asawa mo maganda ka na nga, loyal at mabait pa. By the way just call me if you agree to my proposal”

“Ok thanks Kirby”

Pagkatapos ng tawag ni Kirby kay Kaira nanatili si Kaira sa may veranda kung saan natatanaw ang dagat ng biglang tumunog ang kanyang cellphone si number lang ang nakalagay kaya hindi niya alam kung sino ang  tumatawag.

“Hello, Kaira?”

“Hello, speaking?”

“Si Roland ‘to”

“oh, Roland, napatawag ka?”.

“Nakalimutan ko kasi kayong ininvite kanina para sa opening ng bago kong restaurant, bukas nga pal asana makapunta ka.”

“Wow! Ganun ba congatulatins.. sige pupunta kami.”

“Sige thank you Kaira..”

“Sus para yun lang eh.”

“Sige salamat talaga sige matulog ka na gabi na Good night Kaira.”

“Sige Good night rin Roland.”

“Di alam ni Kaira na may mga matang nagseselos sa kanyang likod. Nang lumingon si Kaira sa kanyang likod nakita niya si Luke na nakatayo ilang hakbang lang mula sa kanyang kinatatayuan na masama ang tingin sa kanya.

Hindi alam ni Luke kung bakit parang nagiging tsismoso na siya dahil gusto niyang pakinggan ang pinag-uusapan nila Kaira akala niya si Kirby ang kausap nito ngunit nagulat siya ng narinig niyang sabi ni Kaira na “Sus para yun lang eh.” Pause  “Sige Good night rin Roland.” Parang mag-init ang ulo niya ng marinig ang pangalan ni Roland.

“ganun na ba ang pangungulila niyong dalawa at kailangan ka pa niyang tawagan ng ganitong oras para makipaglandian sayo” ni Luke

“Ano?!”gulat na tanong ni Kaira.

“Ang sabi ko bakit ka nakikipag-landian sa Roland na yan!!”

“Ano bang pinagsasabi mo hah?”

“Basta ayoko nang matawag-tawagan ka ng lalaking yon.!!”

“Bahala ka sa buhay mo” sabi ni Kaira sabay talikod na aakmang aalis.

“Bakit anong sinabi niya sayo at kailangan ka pa niyang tawagan ng ganitong oras hah?!!”

“Eh ano naman kung ano ang sinabi at tawagan ako ng kaibigan ko. Teka anu bang ikinagagalit mo ha…. Nagseselos ka ba?!”

“Oo! Nagseselos ako dahil sa pagsama-sama mo diyan sa Roland na yan. Bakit ano bang meron siya hah?!”

“Ano bang pinagsasabi mo ha, hindi kita maintin—“Naputol ang sasabihin ni Kaira ng bigla na lang siyang halikan ni Luke.

Waaahhhh next na ang B.s. haha kaloka the J

 ---------------------------------------------------------------------------------------

skip na lang kayo kung hindi naka-FAN =) daretso kayo sa chaoter 13

 To skip for the next chapter Click the drop down button (yung mismong chapter) under the Title to see the list of the chapters. CHAPTER 13 yung susunod.

A Beautiful Mistake (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon